Chapter 24

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Nasabi ko na ba kung gaano ka kalog yung squad ni Winter? Di ko alam ganito pala talaga sila. Pag merong ibang tao napaka y feels yung pa cool effect. Ngayon? Ewan mukha silang mga bata na nakawala sa may dagat. Gets ko na kung bakit barkada nila si Win. Kasalukuyan silang naglalaro sa buhangin nililibing si Lia. 

 

"Anong ginagawa nila?" Bungad na tanong ko. Umiinom ako ng kape maaga pa. Seven pa ng umaga lakas ng trip.

 

"Nagpustahan sila kahapon ang huling magising ililibing." Pageexplain ni Ning habang nageexercise. Imaginin niyo nalang pinaggagawa nila. Parang mga tanga. Kaya pala paggising ko wala na si Win.

 

"Hoy gurl ang lalim di ako makagalaw." Reklamo ni Lia. 

 

"Hindi walang tutulong." Sagot ni Giselle na tinatawanan lang si Lia na nagmukhang Egyptian mummy. 

 

"Teka lagyan natin nito." Nilagyan pa ng mga drawings ni Ryujin. 

 

"Picture tayo bilis." Nilabas ni Winter yung phone niya at nagsimula na silang magpose. Napailing nalang ako. Mas mabuti narin siguro to kesa mag mukmok siya sa kwarto niya at umiyak. Sinulatan din nila ng in Memory of Lia Jisu Choi. Mga may topak talaga.

 

"Pikit Lia walang mummy na nakadilat." Reklamo ni Giselle.

 

"May mummy bang hindi nakabalot yung ulo?" Tanong ni Ryu. 

 

"Ewan caption nalang natin bulok na yung ulo di na kailangan i preserve." Sagot ni Win. Mga LT HAHAHA.

 

"Pakyo ka gurl pag ako naka ahon dito bubudburan kita ng dandruff." Inis na sabi nung nilibing nila. 

 

"Yuck Lia Choi may dandruff ka?" Nandidiri na tanong ni Giselle.

 

"Hindi sakin kay Ryujin meron." 

 

"Walang bukingan hayop nayan." Reklamo ni Ryu. Tumawa lang silang apat tapos nagpicture ulit. May mga taga mental pala dito. Di ko talaga ma imagine na sila yung kinakatakutan sa school. I mean parang ang sarap nila kasama. Dati di ko makita sarili kong kasama sila ngayon natutuwa pa ako. Galing talaga ni tadhana. 

 

"Huwag ka na magtaka ganyan talaga sila pagwalang ibang tao." Biglang nagsalita etong nasa tabi ko. Kaya nga nakakatuwa din makakita ng ibang sides ng mga to.

 

"Ning may pagkain na ba?" Tanong ko sa isa pang parang ewan.

 

"Wala pinauwi ni Gigi si manang kahapon dahil gusto niya solohin natin yung bahay." Sagot niya habang naka pikit at nag iinhale exhale. 

 

"Kaya naman pala baka nalipasan lang to ng gutom. Magluluto ako." Babalik na sana ako sa loob nung nagsalita ulit siya.

 

"Pakiramihan." Bilin niya.

 

"Ha? Kagagaling mo lang mag exercise." 

 

"Ay di to excercise nireready ko lang yung sarili ko." kalmado niyang sagot. 

 

"Para saan?" 

 

"Para mamayang walwal." She grinned. 

 

"Sino sabe?" 

 

"Giselle. Plakado na pagbroken hearted isa." Ay may ganun.

 

"Mukhang alam na alam mo gawain nila ah." 

 

"Of course kahit hindi ako palaging sumasama sa kagagohan nila ako yung taga hatid kina Winter pag wala yung mga boylet." Aw bait talaga neto kahit sabog minsan. 

 

"Naging yaya ka pala noon?" Natatawa kong tanong.

 

"Heh! Shoo luto ka na baby sarapan mo ah." Pangiinis niya. Loka talaga. Ngumiti nalang ako at bumalik na sa loob para nga magluto. Nagugutom narin ako di ako sanay walang breakfast. Dahil mukhang feeling ko mga patay gutom yung tatlo sa kanila dinamihan ko na. Si Ryu tahimik lang pero ang lakas din kumain parang si Win. 

 

 

...

 

 

"Rina thank you sa pagkain." Masiglang sabi ni Lia matapos maubos yung pagkain niya. Kakatapos lang namin mag agahan and believe it or not naubos nila yung isang malaking rice cooker. Tanong niyo nalang kay Ryu kung paano niya naubos.

 

"No problem. Ano na gagawin natin?" 

 

"Beach tayo." Suggest ni Ning.

 

"Di ko dala swimsuit ko." Reklamo ni Giselle.

 

"Napasobra din naman kain ko ayoko mag swimsuit nagmukha akong buntis." Usal ni Ryu habang naka sandal sa upuan at hinihimas yung tiyan. Nilingon ko si Win na busy sa phone niya. Ayoko sanang basahin pero nakita ko na. Si Lucas panay yung message sa kanya. May maraming missed calls din.

 

"Okay lang yan basta maliligo tayo." Excited na sagot ni Lia.

 

"Ikaw lang naman yung hindi." Pangbabara sa kanya ni Giselle. Nagusap lang sila sabay ng konting asaran. Pero yung katabi ko ang tahimik lang. 

 

"You should turn it off." Bulong ko sa kanya. Medyo nagulat siya dahil sa bigla kong paglapit. 

 

"Okay lang ba yun?" Tanong niya na parang nagaalangan.

 

"Gurl we are here to enjoy at para marelieve yang heartache mo hindi para dagdagan." Sabat naman ni Ning na nasa kabila niya. Narinig niya pala kami.

 

"Oo nga dedma mo muna yang ex mo." Dagdag pa ni Ryu.

 

"No phones as long as we stay here para walang istorbo." Nagcross arms lang si Giselle at mataray na tinignan kaming lahat. 

 

"Eh paano boylet mo?" Taas kilay na tanong si Lia. Biglang nasamid si Ningning dun sa iniinom na tubig. Pati ako natatawa. Boyfriend pala huh. 

 

"Ehem* Wala akong boyfriend." Sagot niya. 

 

"Ohhh first!" Amazed na ngiti ni Ryu. Gagi meron yan babae lang. Umirap lang si Gigi. Tinignan ko reaction ni Ning nakatungo lang sa baso ng tubig. Parang ang interesado nito sa kanya. 

 

"Pero di nga tama si Giselle no phone muna." Pagbabalik ko sa topic.

 

"Wala naman akong problema diyan." Kibit balikat na sagot ni Ryu at cool lang na nilapag yung phone niya sa mesa at nilagay sa gitna. 

 

"Same." Gaya ni Lia. In the end limang selpon ang nasa mesa at tanging kay Winter nalang ang wala. Lahat kami nakatingin sa kanya.

 

"Okay this is for you guys." She smiled at nilapag din yung phone kasama nung samin. 

 

"Great! Now shall we change? Maliligo tayo. I'll call someone to ready the speed boat sa gusto sumakay. Meron bang hindi marunong lumangoy dito?" Tinignan kaming lahat ni Gigi nagiintay kung mayroong magtataas ng kamay. Uhm...

 

"Ako." Nahihiya kong sabi. Sorry naman mabilis ako mawalan ng hangin at mapagod. Parang hindi makapaniwala si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺