Chapter 31

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Karina's PoV

 

I don't know pano ko na pull yung ganung surprise. Ningning helped sa pagreserve nung place pero yung sunflowers? Ewan yun talaga una kong naisip ibigay sa kanya. She does remind me of a sunflower. Everything felt so good. Nagpicnic kami at ang ganda ng tanawin namin kita ang mga kahoy sa baba pati yung dagat. Mas naging masaya pa kasi dumating din sina Lia and Ryujin na sobrang kukulit. 

 

It was all happiness and everything until we went home sa bahay nila. Hindi ko ineexpect na dadating si Lucas. Di ko alam kung ano ang irereact ko sa pa flowers niya. Pati narin sa galak na ekpresyon ng mommy ni Win. I know she likes him for her. Mukhang botong-boto si tita kay Lucas. To think na hindi pa pala alam ng mommy niya na naghiwalay sila. Ayokong makita ang kanilang family reunion kaya mageexcuse na sana ako nung hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

 

"No you stay." Papipigil sakin ni Win. Why?

 

"Uhm why don't you talk with your boyfriend Winter?" Sabi ng mommy niya.

 

"No mom. I'm sorry kung hindi ko man nasabi sa inyo agad pero wala na po kami ni Lucas at mahigit dalawang buwan na po." Kalmado niyang pagamin sa mommy niya. Di ko rin alam kung bakit niya to ginagawa.

 

"What do you mean? Ijo hindi mo sinabi sakin-" Naguguluhan na tinignan siya ni tita. Si Lucas ay napayuko pero inangat niya rin agad yung tingin niya pabalik sa mommy ni Winter.

 

"I'm sorry tita. Yes po naghiwalay kami pero I still love her po. Gusto ko sanang hingin yung permiso niyong ligawan siya ulit para mapatawad niya ako." Bakas ang sinsiredad sa kanyang tono ng pananalita. 

 

"Ano bang dahilan at naghiwalay kayong dalawa?" Tumingin si tita kay Win.

 

"He cheated mom. For three months." Bilib na talaga ako sa pagiging honest niya. This is what I mean nung sinabi kong ang genuine niyang tao. Napakunot ang noo ni tita sa nalaman. Muli niyang dinako ang tingin kay Lucas. 

 

"Tita I was tempted. Nerealize ko po na hindi ko kayang mawala si Winter. Please give me a chance to court her again." Medyo umigting yung panga ko sa sinabi niya. The audacity of this man. 

 

"Lucas it's not my place to decide kung bibigyan ka pa ng chance dahil hindi ka sakin nagkasala kundi sa anak ko." Aw. Now I understood saan galing ang pagiging straight forward ni Winter. Nakikita ko na ang resemblance niya sa mommy niya. Mula sa ngiti hanggang sa kanyang pananalita. 

 

"I'll go back to tend sa mga bisita natin. You two talk. Jimin ija let's go?" Tatango na sana ako at sasama sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin sa sitwasyon na to pero pinigilan siya ni Win.

 

"Mom she's staying." Matapang niyang sabi sa mommy niya habang nakatingin parin ng masama kay Lucas. Napatingin sakin si Tita kaya wala akong nagawa kundi mag kibit balikat. Ayoko din naman maiwan kasama nila. Ang awkward kaya baka may sasabihin pa sila na ikakasakit ng puso ko. Napabuntong hininga si Tita at tuluyan na ngang lumabas. Sa garden nila hineld yung party at nauna na sina Giselle at Ning doon. Malaki naman kasi ang bahay nila Win mala mansion nadin.

 

Naiwan kaming tatlo na nakatayo. Walang nagsasalita kaya mas lalong nakakapressure yung paligid.

 

"Lucas just go home." Nasabi nalang ni Win. Aalis na sana siya nung hawakan siya ni Lucas sa balikat.

 

"Winter please give me a chance." Pagmamakaawa niya. Gusto ko alisin yung pagkakahawak niya.

 

"Hey off." Inalis niya yung kamay ni Lucas. Good. 

 

"I left to give you some time to think and I swear to God hindi ko kakayanin ang isa pang linggo na hindi ka makita. Please don't you love me anymore?" Inabot niya ulit ang kamay ni Win. This time nakita ko ang pagiba ng mga mata ni Winter. The anger turned into guilt almost like pity. 

 

"Sorry Lucas but I can't. Wala na akong tiwala sayo." Humigpit yung hawak niya sa kamay ko. Mukhang napansin ito ni Lucas nung dumapo ang tingin niya sa mga kamay namin.

 

"Why is Rina here again? Pwede bang magusap tayo na tayo lang?" Parang naiinis pa siya sa nakikita niya.

 

"No. It's my choice kung sino ang gusto kong kasama kung gusto mo akong makausap Jimin must be here." 

 

"Why? Hindi kita maintindihan. Karina." Tumingin siya sakin. Those kind eyes na tinuring akong kaibigan at tinuring ko na rin na kaibigan somehow nakaramdam ako ng konsensya. I fell in love kay Win way back nung sila pa.

 

"Please can you give us time alone?" 

 

"Bakit mo ba pinapaalis si Jimin? I told yo-" 

 

"Dahil labas siya dito!" Medyo tumaas na yung tono ng pananalita ni Lucas. Alam kong nagpipigil lang siya ng inis. Natigilan si Win pati ako. Oo nga naman labas ako sa away nila. I shouldn't be here. Ano ba ako para sa kanya? 

 

"Lucas mahirap ba na intindihin na wala na tayo?" Kunot noong tanong ni Win sa kanya. 

 

"Hindi ko matatanggap Winter. Why can't we just fix it? Yung isang taon itatapon nalang ba natin basta-basta?" 

 

"Lucas huwag na huwag mong isumbat sakin na ako ang dahilan ng lahat ng ito. You cheated on me. Sana naisip mo yan bago mo ako ginawang gago." Galit at inis yan yung mararamdaman mo sa mga pananalita niya. Nakikita kong nagbabadya nanaman yung luha niya tumulo. No I can't let her cry because of this. 

 

"Oo alam ko kasalanan ko. Alam ko na ako ang mali pero kaya nga ako andito diba? I am willing to be responsible for my mistake. I gave you time. I wanted to do everything para lang maging akin ka ulit. Winter ganun na ba ako naging kasama sayo para hindi ko madeserve yung isang chance na hinihingi ko?" Matapos sabihin ni Lucas yun hindi na makasagot si Win. Ako yung naaawa sa kalagayan niya. 

 

"I can. I can forgive you pero ayoko nang bumalik sayo Lucas." Mahinahon niyang sabi habang tahimik na pumapatak yung mga luha niya. 

 

"Why? Meron na bang iba? Rina tell me meron na bang ibang lalake sa puso niya?" yung tanong na yun ang hindi ko pwede sagutin. 

 

"I don't know-" Sasagot na sana ako pero pinutol ito ni Win.

 

"There is." Finally after niyang sabihin yon nakita ko ang pagguho ng mundo ni Lucas. Yung mukha niya nanlumo. Naramdaman ko rin yung sakit kasi yung konsensya ko tinatamaan. 

 

"W-who?" 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺