Chapter 19

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

"Good day everyone! Salamat sa pagtulong niyo." Masayang bati samin ni ate Taeyeon. Success naman yung first day ng Udays. Wala masyadong aberya kung meron man manageable naman. Lumabas na kami ng office ni Yuqi. Nagpaalam na din sina Sol na mauuna nang umuwi. Tinignan ko yung phone ko kung may reply. No reply kaya napasimangot ako. Kahit thank you man lang tch. 

 

'Congratulations Win! I have your video with me papakain ko to sayo mamaya.' yan yung text ko. Hindi naman kasi ako sweet mag message pagdating sa kanya. Ayokong mapaghahalatang may feelings ako no. Oo nga pala nanalo sila kanina. Ang ganda ng sa kanila promise. Neat at clean yung mg execution ng stunts at sayaw. Nakakaproud nga na department namin yun. Gusto ko sana siyang lapitan kanina kaso andun si Lucas ayoko naman estorbuhin. After nun naging busy kami sa office kaya hindi na ako nakahanap ng paraan na personal siyang icongrats.

 

"Oh bakit ganyan mukha mo?" Tanong ng katabi ko. Papunta na kami sa department building namin para tumambay. Maaga pa din naman.

 

"Wala. Nga pala kamusta kayo ni Lucas?" Baling ko sa kanya. Hindi na namin to na open since friday pero I think okay lang naman namin pagusapan. Kahit hindi ako support sa plano niya, I still care. 

 

"Hindi niya na ako pinansin simula kahapon." Sagot niya. Halatang malungkot siya sa ginawa ni Lucas.

 

"Win told me na okay na sila kahapon." Narinig kong medyo natawa siya.

 

"Hmm kaya naman pala." Ngumiti lang siya pero hindi abot sa mata. Yung ngiting alam niya na ganun ang mangyayari. 

 

"You can stop. I won't judge you pero hindi pa naman siguro huli na tumigil ka. After kong makilala si Winter ng halos dalawang buwan hindi naman siya ganun ka samang tao Yuqi. Yung ginagawa niyong dalawa ni Lucas makakasakit kayo ng inosenteng tao." I hate it sa tuwing nakikita kong umiiyak yung babaeng yun dahil sa kanila. Lucas should do a better job on taking care of her. Kung pwede lang gagawin ko lahat di lang yun magdrama kaso hindi naman kasi ako enough para pasayahin siya. 

 

"Alam ko naman. Kaya as long as hindi ako tinataboy ni Lucas magiintay ako. Di ako kikilos pero hindi ako lalayo. Hanggang kailangan niya ako sorry pero hindi ko magagawang iwan siya." Somehow ineexpect ko na yung sagot na yun galing sa kanya. Hindi naman masamang tao si Yuqi pero yung uri ng pagmamahal niya ngayon, yun yung mali. Naiintindihan ko din siya.

 

"Okay fine. Still sinasabi ko na sayo na hindi ko supportado tung ganito Yuqi. Magiging masama akong kaibigan kung susuportahan kita sa maling gawain na yan. But I won't tell anyone for the sake na magkaibigan tayo. Please lang fix this problem habang hindi pa kumakalat yung apoy." Pagpapaalala ko. Maybe si Lucas nga talaga ang dapat kong kausapin tungkol dito. 

 

"Yeah thanks Rina." Ngumiti lang siya sakin ng malungkot. 

 

"Hmm cheer up." I patted her shoulder. Tumango lang siya. Magsasalita pa sana ako pero biglang nag ring yung phone niya. Sumenyas siyang sasagutin yung phone kaya hinayaan ko na. Lumayo muna siya at sinagot nga ito. Napatinging ako sa paligid. Marami paring mga estudyante kahit na labasan na. Tumingin ulit ako sa phone ko. This time may notif na new message kaya agad ko itong inopen. Disappointed kong binasa yung sender. Si Lucas pala.

 

'Hey Rina sama ka sa victory party ng cheerdancers mamaya sabi ni Winter.'

 

Kumunot noo ko. Bakit kailangang si Lucas yung magtext? 

 

'No thanks nakakahiya naman. Just tell her congratulations' Simple kong reply. Ayaw niya pala magparamdam ha. After kong tumakbo ng ganun hindi mo papansinin text ko. Sige lang matira matibay.

 

'She said okay and thanks daw.' reply ni Lucas. Okay fine. Hindi nako nagreply nawala na ako sa mood. Plano ko kasing sabihin sa kanya na okay nakong lumipat ngayon o bukas. Akala ko ba magkaibigan kami. Ganito niya ba itreat yung mga kaibigan niya? Matapos niyang makuha ang gusto niya binabalewala na. Well wala naman ako sa lugar para magalit.

 

"Ohh ang sama nanaman ng mukha mo. Nangyari?" Bungad ni Yuqi nung makabalik siya.

 

"Wala wala uuwi na pala ako. Paki sabi nalang kina Yerms congrats at sa ibang classmates natin." 

 

"Hala bakit? Maaga pa naman ah." Sumimangot siya. 

 

"Maynaalala akong gagawin. Sige na see you nalang bukas." Ngumiti ako at tumakbo na paalis. Baka marami pang itatanong wala naman akong maisasagot alangan namang sabihin kong maygusto ako kay Win.

 

Ang bigat pala sa pakiramdam na ganito. Yung wala kang malalabasan ng hinanakit mo. Wala naman kasing may alam maliban sakin. Ang mga best friends ko ay nasa ibang lugar. For sure mamaya pa yun magoonline. Umuwi nalang ako sa dorm at mabigat na inihiga ang sarili sa kama. Wala pa yung iba dahil for sure ineenjoy pa nila yung ibang activities sa school. Tumingin nalang ako sa itaas. Double deck kasi yung bed namin at ako yung nasa lower bunk. Sa dingding ko puno ng sticky notes about formulas at calculus. 

 

Feeling ko napagod ako ng husto. Mentally, physically and emotionally. Ewan gusto kong matulog kaya pumikit nalang ako at hindi nagtagal ng isang minuto dinalaw nga ako ng antok. 

 

 

...

 

Winter's PoV

 

 

Panay yung tingin ko sa phone. Kung bakit ba naman ngayon pa to na lowbat. Buong araw parang hindi ako mapakali. Kahit nung chinecheer ko si Lucas sa second game nila parang may something o may kulang. Nagtext si Minmin kanina na congratulations daw nung magrereply nako biglang namatay yung phone ko. I don't have my charger on me kaya hindi nako nakapagcharge. I was going to ask Lucas for his phone pero sabi niya his phone is lowbat din pero may charger nama

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺