Chapter 38

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Pinark ko na yung sasakyan sa isang simbahan. Ewan ko kay Jimin at dito niya napiling makipagkita. Isang oras din byahe mula samin at dito sa kanila. Bumaba na ako ng sasakyan at ginala ang paningin sa paligid. Malinis at maganda naman yung simbahan pero mahahalata mo talaga na may kalumaan na. Wala rin akong nakikitang ibang tao kaya pumasok nako. Sa pagpasok ko nakita ko ang isang pamilyar na pegura na nakaupo at nakaangat lang ang tingin sa altar. Kahit siguro kahit saan makikilala ko siya mula sa likod niya lang. 

 

"Bakit tayo andito sa simbahan?" Bungad kong tanong sa kanya. 

 

"This is my secret place or at least dito ako pumupunta pag may problema ako." Sagot niya ng hindi parin lumilingon sakin. Alam kong mabait si Jimin kaya di na nakakagulat na madasalin din siya. I don't often pray kaya medyo nakakakonsenysa din. Tahimik lang akong umupo sa tabi niya. 

 

"May problema ba?" Pansin ko kasing malungkot yung tono ng pananalita niya. 

 

"Nothing nadala lang ako sa pagdadasal." Ngiti niya kahit halata sa mga mata niyang umiyak talaga siya. Ganun ba yun?

 

"Sure?" I don't know parang iba kasi yung pakiramdam ko. 

 

"Yeah kamusta si tita?" Pagiiba niya ng topic. Mukhang ayaw niya rin naman pagusapan kaya hinayaan ko nalang. 

 

"She's good. Tumaas lang dugo niya pero stable na naman." Ngumiti lang ulit siya sa sagot ko. 

 

"That's great." Di ko maiwasang mapatitig sa kanya. 

 

"I'm sorry."

 

"Para saan?"

 

"Sa pagalis ng walang paalam. Nagpromise ako sayo na sabay tayong uuwi sa inyo." Napayuko ako kasi nahihiya talaga ako. Feeling ko ang sama kong tao. I hate breaking promises. Hindi siya sumagot kaya napaangat ulit yung tingin ko sa kanya. Nakangiti lang siya sakin pero hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dito kasi parang ang lungkot ng ngiti niya.

 

"It's fine. Para kang tanga. Medyo hindi rin kami okay ni mama ngayon kaya blessing in disguise narin siguro." She patted my head at patuloy nga ngumiti.

 

"Why? What happened?" Kaya pala ang lungkot niya tignan.

 

"Just family problems but enough about me. Come on cheer up baby pup. Mukha kang tuta na pinagalitan ng amo." Natatawa niyang sabi kaya napanguso ako. Nagawa pa akong asarin. Pero habang nakatitig ako sa kanya di ko maiwasang maalala nanaman yung sinabi ni mommy. Should I tell her? I only have a week to decide kaya mas mabuti siguro kung sabihin ko ng mas maaga.

 

"Jimin what do you think about long distance relationship?" Medyo nabigla naman siya sa tanong ko.

 

"Hmm bakit?" 

 

"Sagutin mo nalang." 

 

"Ewan hindi ko pa natatry kasi ayoko din." Aray naman.

 

"Aalis ka ba?" Pahabol niyang tanong.

 

"Paano kung sasabihin kong oo?" Malungkot kong tanong. Hindi siya sumagot at patuloy na nakatitig lang sakin. Until after some more seconds kinuha niya ang dalawa kong kamay at pinisil ito.

 

"Sabihin mo sakin anong bumabagabag sayo." Sa mga tingin niya doon ako nakahanap ng lakas ng loob para sabihin yung totoo. Inhale, exhale.

 

"Minmin I have to go a week from now sa States. My dad needs me kaya hinimatay si mommy kahapon dahil sa balitang inatake daw sa puso si daddy at mukhang na din siya. May heart disease yung father ko Jimin at he was asking me to come see him." 

 

"Babalik ka naman agad diba?" She's awfully calm about it.

 

"I will pero mom said na baka doon ko na ipagpapatuloy yung pagaaral ko habang nagpapagaling si daddy. Pero sabi niya rin nasa sa akin kung magstay ako dito." Ayokong malayo sa kanya kung kailan nasanay nako. Hindi pa nga kami tapos aalis na ako parang ang labo naman. Ngumiti lang ulit siya at hinila ako papalapit sa kanya para yakapin.

 

"It's okay. You can go." Bulong niya. Di ko mapigilan maging emosyonal sa yakap niya. Naiimagine ko palang na maiiwan siya dito parang ang sakit naman. I'm worried for my dad pero nagaalala din ako para sa future namin. 

 

"I will but can you come with me?" 

 

"Nope." Humiwalay siya sa yakap. Sabi na eh.

 

"Why?" I know it's childish pero ayoko siyang maiwan dito. Ngumiti lang siya at pinunasan ang mga nangingilid kong luha.

 

"I can't andito yung buhay ko Win." Napanguso ako bakit ganun ang kalmado niya talaga. Hindi ko mabasa yung iniisip niya. Akala ko pa naman malulungkot siya sa balita. 

 

"Di mo ba ako mamimiss?" 

 

"Siyempre mamimiss. Baka nga sa sobra kong pagkamiss sayo gagawa akong standee mo tas itatabi ko parati." Natatawa niyanag sagot. 

 

"Talaga?" 

 

"Hmm so cheer up. Saka mo na sayangin ang luha mo okay?" Kinurot niya lang ilong ko. Halatang nanggigigil eh. Okay siguro ienjoy na muna namin yung time na magkasama. I still have yet to decide kung magstastay ba ako doon o dito but one thing for sure di ko matitiis na di to makita ng matagal.

 

"Fine. Nga pala why did you call me here?" Alam ko nasagot na niya ito pero hindi talaga tumbok yung sagot niya eh. Lumapad lang yung ngiti niya at inakbayan ako habang excited na humarap sa altar.

 

"Papa God I want you to meet Winter. Siya po yung lagi kong kinukwento sa inyo." She's smiling habang nakatingala dun sa malaking krus. Bakit ka ganyan Jimin kinikilig ako. Instant na nawala yung lungkot ko. Sorry po God kung maharot hehe pero di nga iba yung impact pag pinapakilala ka sa diyos. Ang sweet promise It's like she's praying for me without me knowing.

 

"Hello po thank you po sa pagbigay niyo po ng isang taong katulad ni Jimin. Iingatan ko po siya." Sincere kong usal sa harap ng altar. Kung nakikinig ka man po, I'm sorry for being a bad child. Kahit ganito ako you still gave me this blessing na hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit ano man. I never prayed for this pero binigay niyo po kung ano yung kailangan ko.

 

"Dati pagmayproblema ako pumupunta ako dito ng magisa at umiiyak. This became my comfort zone at after kong mailabas lahat ng hinanakit ko gumagaan agad yung pakiramdam ko. But now I just want his blessing sa relasyon natin. I would like the heaven to permit us kahit in a sense bawal sa mata ng simbahan. Pero hindi naman tayo ipaglalapit at iibig sa isa't-isa kung hindi yun kahilingan niya diba. I believe in him at alam kong hindi niya tayo pababayaan. Let's pray for your father's health." She smiled at feeling ko something deep inside me got stirred. Na touch ako sa sinabi niya. I really really want this girl to stay in my life. Maybe it's too early para sabihin to pero nakikita ko yung sarili kong kasama siyang tumanda na kahit kay Lucas hindi ko naimagine. Napabuntong hininga ako at tumingin ulit sa harap.

 

"God I love her." Malinaw kong sabi. Parang dinedeklara ko sa maykapal yung feelings ko. Kinuha ko yung kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit.

 

"Narinig niyo po yun? Nabaliw na po siya sakin." Tugon niya habang lokong nakangiti at nakatingin lang din sa altar.

 

"Ako lang?" Taas kilay kong lingon sa kanya.

 

"Syempre ako rin." Tumawa lang siya and somehow I felt light nung nagconfess kami. We shared a smile. Bawal man sa mata ng ibang tao alam naming wala kaming inaapakan. If there is faith sino ba ang iba para husgahan kami. Tanging ang nakakasaksi lang sa mga oras na ito mula sa itaas ang may karapatan na hatulan kami.

 

I'll be a better daughter so please let me keep her.

 

...

 

 

So ayun na nga we went back to our home. Mga isang oras ulit ang byahe dagdag pa sa pier mga isa't kalahati din. Pagbukas na pagbukas pa lang namin ng pinto bumungad samin si Ningning habang may kung anong hawak na butiki sa kamay. Si Yooji naman nakatingala lang sa kanya.

 

"Yooji bad dog. Kawawa naman yung lizard." Pangangaral niya sa aso namin. 

 

"Uhm what happened?" Taka kong tanong sa best friend ko. 

 

"Naputol yung buntot niya dahil nilaro nina Yooji." Reklamo niya at pinakita samin ng mal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺