Chapter 32

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Kakarating ko lang sa tinext na lugar ni Win nung makita ko ang mga mukha ng mga kabigan niyang kala mo nalatang gulay at yung mga mata dinaig pa si panda. Maliban nalang kay Ning at Win, ang fresh tignan ng dalawa. 

 

"Hello baby!" Bungad ni Ningning sakin na nakatanggap ng masamang tingin mula kina Gigi at Win. 

 

"Hi anong nangyari sa inyo?" tanong ko sa tatlo.

 

"Laspag sa rizal nila." Ngisi ni Win. Palibhasa na turuan ko siya kahapon. 

 

"Bakit di mo tinuruan Ning?" Jowa niya yung isa tapos di man lang tinulungan. 

 

"Di naman lumapit sakin." Sagot niya habang busy sa librong binabasa niya. This is Yizhuo sa school. Ito yung una kong nakitang side niya bago pa yung kalog na Ningning.

 

"I need food." Matamlay na sabi ni Ryu. May kinuha naman sa bag si Lia. Isang malaking pack ng chippy at hinagis kay Ryujin. 

 

"Thank you." Ang lapad ng ngiti niyang sinalo yung pagkain. Pansin ko lang super magkasundo silang dalawa. Alam na alam ni Lia kung ano ang gagawin para sa isang matakaw na Ryujin. May something akong nasesense sa kanila simula pa nung outing o guni-guni ko lang?

 

Umupo ako sa tabi ni Win at agad naman niyang pinulupot yung kamay niya sa braso ko. Ang clingy talaga eh. It's been a week since nung birthday niya. Akala ko makikita namin si Lucas pero wala siya nung Monday. Naaawa ako sa kanya pero I think kailangan niya rin ng time para tanggapin yung katotohanan.

 

Anyway, after nung birthday ni Win we somehow became more intimate. She's extra sweet din. Di ko alam kung ano kami. Para kaming magjowa pero walang label. Hindi naman sa ayaw ko actually gusto ko nga kaso lang hindi ko maiwasan mag wonder din. 

 

"What about gimmick later?" suggestion ng katabi ko. 

 

"Akala ko ba may plates kang gagawin?" Kunot noo kong tanong sa kanya. 

 

"Ay oo nga pala. Friday?" 

 

"Game. I need a break din." Pagsangayon ni Giselle. 

 

"Seconded. How about girls night naman? Nakakasawa din mag club." Dagdag pa ni Lia. 

 

"Kina Win tayo." Excited na sabi ni Ryu na nakatanggap naman ng hampas kay Winter. 

 

"No way magkakalat lang kayo sa condo. Kina Ningning na tayo." Mataray niyang pagreject. I remember ayaw niya nga nagugulo condo niya. Maypagkaclean freak din to almost OCD na.

 

"Okay lang basta kayo bahala sa food." Nagkibit balikat lang siya habang focus parin sa libro na binabasa. 

 

"Ako bahala diyan." Nagtaas ng kamay si Ryujin. Of course pagdating sa pagkain maaasahan talaga siya. 

 

"Then uwi na tayo?" Tumayo na si Lia.

 

"Let's go I want to take a nap feeling ko naubos yung nagiisang brain cell ko." Sinuot ni Giselle yung bag niya at tinapik si Ning tsaka lang nito sinara yung libro at pinasok sa bag. 

 

"Sabay kayo uuwi?" Tanong ni Ryu. 

 

"Yeah?" 

 

"Nanonotice ko ang close niyo na ngayon ah dati halos itulak niyo na ang isa't-isa sa kumunoy." Nagsmirk si Lia na parang mayibig sabihin yung sinabi niya. 

 

"Magbest friend na kayo?" Dadag na tanong pa ni Ryu. Medyo na caught off guard si Gi halata yung paglunok niya. 

 

"No way si Winter best friend ko." Tinaas ni Ning yung dalawang kamay at ginawang X. 

 

"Hmm don't tell me magjowa kayo?" Naniningkit na tanong ni Lia. Kita ko talaga yung kaba ni Giselle habang si Yizhuo ayun chill lang. Etong katabi ko naman mukhang natatawa.

 

"Sabihin niyo na kasi." Pagkukonsinte ni Win kaya nanlaki ang mga mata ng dalawa. 

 

"Hoy umayos ka Giselle seryoso?!" Di makapaniwalang napanganga si Ryu.

 

"Ano kasi-" Sasagot na sana si Gigi nung naunahan siya ni Ning.

 

"Yup mag t-three months na kami next week." Ngiting sagot ni Yizhuo kaya ayun si Gigi parang mahihimatay. Diretsohin ba naman. 

 

"Ikaw? Yung hindi magkandauga-ga at papalit-palit ang lalake tapos ngayon jowa mo si Yizhuo? How? Kaya ba natigil yung panglalalak-" Di natapos ni Ryu yung sasabihin niya dahil sinamaan na siya ng tingin ni Giselle. Kala mo talaga papatay ng tao.

 

"I'm good now okay pwede ba past na yun."  Mataray niyang komento.

 

"So totoo nga?" Pagtatanong ulit ni Lia.

 

"Yeah sorry for not saying anything baka kasi hindi kayo comfortable sa ganitong relasyon." Pagbubuntong hininga ni Gigi. 

 

"Gago ka gurl lamang kami sayo." Nakahalumbaba na sagot ni Ryu. Wait ano raw? 

 

"What?" 

 

"One year and three months na kami ni Jisu." Halos magulantang ang mundo nina Win at Giselle sa nalaman. 

 

"The hell? Seryoso kayo?" This time it's their turn para magulat. Bakas sa mukha nilang hindi talaga nila ineexpect. Ako naman parang nasense ko narin. Akala ko hindi na gumagana gaydar ko. Sabi na eh kaya iba talaga pakiramdam ko sa kanila parang may lukso ng dugo HAHAHA.

 

"Yeah di namin ma amin dahil akala namin against kayo sa lgbt. Hello si Gigi mukhang adik sa lalake tapos si Win obsessed sa ex niya. Who would have thought na mababali ka rin pala Giselle." Ngisi ni Lia. Oo nga kahit ako nung nalaman ko parang prank lang.

 

"Kaya pala hindi kayo mapaghiwalay I thought you two are just best friends." Manghang sabi ng katabi ko.

 

"Yes we are best friends pero at the same time lovers nadin." Proud na sagot ni Ryu. That's cute. Gusto ko rin ng ganyang relasyon kung saan nasasabi mo halos lahat ng bagay sa jowa slash bff mo. 

 

"Wow congrats sa inyong dalawa." Walang ka gulat-gulat na ngiti naman ni Ning. Maybe na sense niya narin. Matalas din pakiramdam nito eh. 

 

"Thanks how about you two?" Baling samin ni Lia habang nakasmirk. 

 

"What about us?" Mataray na tugon ni Win. 

 

"Mas sweet pa kayo kesa samin eh. Winter magkaibigan tayo since senior days pero never kita nakitang ganito ka clingy samin o sa iba mong kaibigan sa taong gusto mo lang." Natatawang sagot ni Lia. Napansin pala nila yun kung sa bagay halata nga din kasi. Kahit si Ning nga nanotice. 

 

"Well we're friends." Simple niyang sagot. Hmm may friends ba na kagaya samin? Nagpapakiss sa forehead, apaka selosa, at posessive? 

 

"Just friends?" Pangaasar ni Ning. 

 

"Well you can ask Jimin." Binaling niya pa sakin yung tanong gago ka Win. 

 

"Ha? Bakit ako?" Kunot noo ko siyang nilingon. 

 

"They are talking about us so may say ka din. Ano ba tayo?" Ngisi niya. Ano nga ba kami? Yun nga rin tanong ko sa sarili ko. Tinignan ko silang apat at yung mga tingin nila tutok na tutok sakin. Di naman nakakapressure no. 

 

"uhmm friends?" Di ko sure na sagot. 

 

"Weee?" Maang ni Ryu. Ayaw pa maniwala.

 

"Friends with benefits?" Natatawa na tanong ni Yizhuo. Tangina to.

 

"Hindi eh kasi kakabreak lang nila ni Lucas kaya ayoko munang gumawa ng move?" Hindi naman kasi ako yung nagrequest ng kisses eh. Siya yun. 

 

"Hmm sabagay pero pretend na hindi nageexist si Lucas do you have feelings for Win?" Parang asong ulol yung ngiti ni Ningning eh. Tinignan ko muna si Winter na nakatingin lang sakin habang ang lapad din ng ngiti. Alam mo talagang may ineexpect na sagot mula sakin eh pero ayoko sabihin ngayon. Kung aamin man ako gusto ko kami lang kaya I decided to just shrug it off. 

 

"I do like someone but it's a secret." Tumayo na ako at sinuot yung bag ko. 

 

"Hoy ang daya!" Reklamo ni Winter. Siya pa talaga 

 

"Anong madaya dun?" Taas kilay kong balik.

 

"Tch." Nagcross arms lang siya at umirap. Galit na yan. 

 

"Suss pa suspense pa. Sa friday gigisahin ka namin." May kung anong masamang binabalak talaga tong si Giselle eh. 

 

"Same!" Pagsangayon ni Ryu.

 

"Gaga kayo rin may utang pa kayong kwentong worth of one year." Baling niya sa kaibigan kaya natawa ako. 

 

"Nu ba yan. Fine basta libre mo pagkain." Ngiti niya. Wala talagang kinakatakutan to basta may pagkain susulong sa gyera. 

 

"Akala ko ba ikaw bahala doon." Nakakunot noong sagot ni Gigi.

 

"Oo ako pipili pero di ko sinabi ako gagastos." 

 

"Lia di mo sinabi nagjowa ka pala ng baboy." Irap ni Giselle kaya natawa si Jisu. Akalain mo yung grupo nila puro din pala babae makakatuluyan. 

 

"Ning seryoso ka ba dito kay Gigi? Mala Winter din to eh may lahing dragon." Bulong niya kuno kay Ningning na rinig na rinig naman namin. 

 

"Ryujin naririnig kita." komento naman ng jowa ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺