Chapter 45

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's PoV

 

"I want you to meet my parents." Naglag yata bigla yung utak ko sa sinabi niya. 

 

"Your parents?" 

 

"Hmm" Tumango lang siya at hinawakan ang kamay ko. 

 

"Will it be fine?" Last time I checked she left because of them. 

 

"Yeah they already accepted me two years ago and open na sina mama kung maguuwi man ako ng babae. Siya pa nga yung atat na magka jowa ako." Natatawa niyang pagkukwento. Looks like okay na sila. Medyo na ease yung worries ko. Isa kasi sa kinakatakutan ko yung about sa parents niya. What if she has to choose between us again. Parang di ko na kaya mawala siya ulit.

 

"I'll go." Hinigpitan ko yung pagkakahawak ng kamay namin. 

 

"We're going straight from here papuntang bahay ah." Hinila na niya ako papuntang sasakyan. 

 

Okay I did said na pupunta ako pero ramdam ko yung kaba. Buong byahe akong lutang. Biglaan ba naman pero I really want to go kasi gusto ko rin idaan sa tamang proseso para wala nang sasabit pa sa relasyon namin. Nakahilig lang yung ulo ko kay Jimin habang nakapulupot yung mga kamay ko sa braso niya. I am still clingy okay wala namang nagbago. 

 

"Matulog ka muna. Mahaba-haba pa yung byahe." Sambit niya habang inaayos ang jacket ko. Tulog na yung iba dahil sa pagod. 

 

"Ano bang meron sa inyo ngayon?" out of nowhere kong tanong. 

 

"Birthday ni mama." Sa sagot niya instant na napaupo ako ng maayos.

 

"Birthday ng mama mo tapos wala akong dalang regalo." Kunot noo kong tingin sa kanya. 

 

"Duh no need na yun-" 

 

"Minmin no kailangan nating bumili ng regalo." Nakakahiya naman kung pupunta ako sa future biyanan ko ng hindi handa. 

 

"Ano bang plano mong bilhin?" Yan ang hindi ko alam. 

 

"Ano bang gusto ng mama mo?" 

 

"Hmmmmm" Nagisip naman siya. Nagiintay lang ako ng sagot.

 

"Hindi naman mahilig sa materyal na gamit si mama eh. Ayaw niya nga na gumagastos kami ng mga kapatid ko ng sobra para sa kanya. Si papa naman mahilig sa relo kaya yun ang binibigay namin." Uhm parang hindi naman nakatulong yung sinabi niya. Paano ako makakaisip ng ireregalo ngayon. Chineck ko yung oras may isang oras pa kami bago dumating.

 

"Pagkain?" 

 

"She don't like sweets. Ang alam ko she's into tea these days." That's it. 

 

"Okay nice." I smiled at bumalik sa pagkakailig sa balikat niya. 

 

"So yun yung ireregalo mo?" Tanong niya at inayos yung posisyon namin. 

 

"Hmm wake me up pagdating natin." Kinuha ko yung phone ko at tinext si mommy. We don't have much time kung ako pa mismo yung bibili baka magsara na yung mga store. Medyo late na din kaming makakarating. I'll ask someone nalang isa pa si mommy yung may alam sa mga herbal tea. I think she can choose a good one. May tiwala naman ako sa taste ng nanay ko kahit minsan may pagka weird yun.

 

"Okay sleep well." 

 

...

 

 

Here it is andito na kami mismo sa tapat ng bahay nila. Gosh akala ko wala na masyadong tao dahil medyo late na nga pero mukhang nagkamali ako. May inuman din yata sa kanila. Pumasok kami sa gate at sumalubong samin ang isang cute na babae. 

 

"Ate bear!" Sinalubong siya ng yakap ni Jimin. 

 

"Rinaaaa" Pagyakap din sa kanya ng isa. I guess magpinsan sila ang cute nila tignan. Kumawala na si Jimin ng may ngiti parin sa mga labi bago bumalik sa tabi ko.

 

"Ate I want you to meet Winter." Proud siyang umakbay sakin kaya medyo nahiya naman ako. 

 

"Hello po." I bowed slightly. 

 

"Hi I'm Kang Seulgi cousin ni Karina." Sabi na nga ba. "Are you her girlfriend?" Makahulugan niyang ngiti samin.

 

"Hindi pa ate pero soon." Si Jimin na ang sumagot. 

 

"Ang confident ah." Baling ko sa kanya. Tumawa lang samin si ate Seulgi. 

 

"Sasama ka rin ba sa reunion Winter?" Reunion? Taka ulit akong napatingin sa katabi ko. Hindi niya nabanggit.

 

"Hala bukas na pala." Mukhang nagulat din siya. I see nakalimutan niya nga. Hays.

 

"Oo pupunta si gf ko. Sama ka din Winter. It'll be the first time na may dadalhing plus one si Rina. Siya yung always na walang ka partner eh kaya for sure magugulantang buhay ng iba naming pinsan." Natatawa niyang sabi kaya napangiti narin ako. So ako yung unang ipapakilala niya sa family nila. 

 

"Si ate nangbubuko. Diyan ka na nga si mama asan?" 

 

"Andun sa taas puntahan mo lang kanina pa yun nagiintay sayo." Nguso niya sa ikalawang palapag. Nagpaalam nalang kami ni Jimin at nagtungo sa direksyon kung nasaan yung mama niya. Biglang bumalik yung kaba ko. Napansin niya siguro dahil napatingin siya sa gawi ko.

 

"Win don't worry. Alam ko magugustuhan ka ni mama." Sana nga talaga Jimin. Kumatok na siya sa pinto. "Ma andito na kami." 

 

"Pasok!" Rinig kong tugon ng mama niya mula sa loob. Binuksan na nga niya yung pinto at yung kabaka ko parang nagsky rocket na. Feeling ko lalabas na sa dibdib ko yung heart ko. Sumalubong samin ang nakangiting mukha ng mama niya pero nung makita niya ako bigla itong nagsoften. I think nakuha ni Jimin yung mga mata niya mula sa mother niya pero sa height siguro sa papa. Medyo may kaliitan si tita pero I can see her younger self na super attractive siguro. 

 

"Ma sinama ko na yung nililigawan ko." She grinned at parang batang pinakilala ako sa mama niya. 

 

"Anak bat di mo naman sinabi na ngayon mo siya dadalhin hindi tuloy ako nakapagprepare." Napasimangot si tita kaya napangiti na ako. Yung kaba ko dahan-dahan na nawawala. Her gesture and the ways she moves I can really see kung bakit siya ang mama ni Jimin. 

 

"Ma di na surprise pag sinabi ko diba?" 

 

"Ikaw talaga. Pagpasensyahan mo na anak ko ija ah. Ano nga pala ang pangalan mo?" Malambing lang yung tono ng pananalita niya. 

 

"Winter Kim po." Nung sinabi ko ang pangalan ko medyo natigilan si tita at napatingin ulit sa anak niya. Nawala yung ngiti niya at napalitan ng pagkunot ng noo kaya ayun yung puso ko kumakalabog nanaman sa kaba. Did I said something wrong? Did I messed up? Oh God. 

 

"Anak bakit di mo sinabi si Winter pala ang dadalhin mo." Napahawak siya sa magkabila niyang bewang kaya medyo naguluhan ako kung nagagalit ba siya o nagbibiro lang. 

 

"Ma halata naman na siguro diba?" Napayuko si Jimin at parang nahihiya pa. 

 

"Leche ka talaga umalis ka dito. Maguusap kami shoo." Tinulak niya palabas ng kwarto yung anak niya. Ako naman parang na estatwa sa kinatatayuan ko. I don't know why pero parang di ko magawang magreact o more like hindi ko alam kung paano. 

 

"Ma naman sosolohin mo lang-" 

 

"Shh inagy mo Karina. Doon ka asikasuhin mo yung mga pinsan mo." 

 

"Ma di ko naman birthday-" 

 

"Isa Karina Yoo." Strikta siyang tinignan ng mama niya. Nakakatakot. Help.

 

"Okay fine pero babalik ako agad after twenty minutes." nakabusangot niyang sagot. Tinignan ko siya nagsusumamong huwag niya akong iwan ng magisa kaso ang baliw nagwink lang argh! Wala nakong nagawa kasi sinara na ni mama niya yung pinto. Naiwan kaming dalawa ng mama niya. Nung bumalik yung atensyon niya sakin na ang seryoso parin ng mukha napalunok ako. Lord naman. 

 

"Pff ija huwag kang matakot di ako nangangain ng tao." Natatawa niyang sabi bago ako hilahin papunta sa couch ng kwarto nila. Naguguluhan na talaga ako. Kanina lang ang seryoso niya tapos ngayon.

 

"O-okay lang po ba sa inyo?" I tried to swallow the nervousness in me.

 

"Ang alin about sa inyong dalawa?" 

 

"opo." Ngumiti lang siya sa sagot ko. 

 

"Mahal mo ba ang anak ko?" 

 

"Yes po." Diretso kong sagot kaya medyo natawa si tita. 

 

"Alam mo akala ko talaga hindi na magkakalove life ang anak ko after nung sa inyo. Sabi niya pa, hindi nga talaga naging kayo diba?" Habang nagsasalita si tita may kinuha siya sa drawer. Isang photo album. Nakikinig lang ako habang nakatingin sa ginagawa niya. She opened the cover page. Nakita ko ang isang baby picture.

 

"Karina is our middle child. Bata pa siya nung nagbuntis ako sa nakababata niyang kapatid kaya, hindi ko siya nasasamahan sa mga school events niya. Ni hindi ko siya nahahatid sa skwelahan, pero alam mo yung sinabi ng little Karina? sabi niya 'Ma okay lang ako. Dito lang kayo ni babys sister ko.' She was I think four at that time. Hindi kami mayaman at yung papa niya kakasimula pa lang sa abroad. She grown up without her father by her side din. Everytime na uuwi yung tatay niya, she really made the most out of it. Hindi siya nagrereklamo. Kahit na sa tuwing babalik sa labas yung papa niya at umiiyak siya, she still tried her best to smile and kiss him goodbye. Medyo malayo ang agwat nila ng mga nakakatanda niyang kapatid kaya di sila ganun na nagkiclick. Highschool na sila tapos siya kinder pa lang." Iniimagine ko yung batang Jimin. I didn't know na may ganun pala siyang experience. Habang nagkukwento si tita she flipped through the pages na parang nagstostory telling sa buhay ng anak niya.

 

"Naalala ko pa nung may palibreng bigas sa deped, she proudly came to me at sinabing. 'Ma may dala akong dalawang kilong bigas.' Sabay pakita sakin ng bag niya. Sa paghawak ko ang bigat pala para sa isang batang apat na taong gulang. Hindi siya nagreklamo, pero isang araw lumapit siya sakin at nagtanong ng 'Ma bakit raw ako lang yung walang parents na sumusundo sakin sa school' kakapanganak ko palang nun kaya di ako makaalis-alis ng bahay. 'Anong sagot mo?' tanong ko sa kanya. 'Sabi ko I'm a big girl na. I need to help mama.' Doon ko napagtanto kung gaano ka independent ang anak ko. Hindi niya sinasabi samin kahit nahihirapan siya. Ni hindi nga siya nagpapatulong sa mga kapatid niya dun sa mga assignment. She really follows what we told her. Hindi siya nagrereklamo and as a parent tinry naming ibigay yung love sa kanya. She's really a loving child. Siya lang yung anak namin na open na nagi-iloveyou kasi yung tatlo niyang kapatid mahiyain. Until for the first time, six years ago our obidient child stood up against us." Napatingin sakin si tita pero may ngiti parin sa mga labi niya. Naiiyak ako sa kwento pero pinigilan ko. Kaya pala ang mature ng aura ni Jimin nung una naming kita. 

 

"Lahat ng sinabi niya totoo naman. Alam ko na mali sa mata ng diyos o ibang tao pero wala namang ibang ginawang masama yung anak ko, nagmahal lang siya. Sa totoo lang naguilty kami ng papa niya, sa pagpilit naming paglayo sa kanya mula sayo. Yung dati naming anak na malambing, naging tahimik na parang walang kabuhay-buhay. She still do her best pero sumusobra na minsan na pati yung health niya di na niya pinapahalagahan. Naawa ako sa anak ko. Anong klaseng ina ako diba? Yung nagiisang hiling ng anak ko di ko man lang maibigay. Hindi naman kasi siya nagbago, siya parin yung anak na mahal namin. Mali ako nung inuna ko yung iisipin ng iba, nakalimutan kong dapat pala yung iisipin ng anak ko ang dapat kong unahin, kasi siya yung may kwenta. Yung iba wala naman silang ambag sa buhay namin. Alam kong marami akong pagkukulang bilang ina." Napangiti ako dun sa sinabi ni tita, na totouch ako kahit hindi naman para sakin yung mga salita niya. Binaba niya yung album at hinawakan ang mga kamay ko. Naluluha na din si tita huhu.

 

"I want to see that same smile. Gusto naming makita ng papa niya yung ngiting nagpapabuo ng araw namin, and so we decided to gift it to her on her graduation day. That was one of the best decisions na ginawa ko sa buong buhay ko. Yung makita siyang umiyak hindi dahil sa sakit kundi sa saya. We saw that kid Karina at that moment. Niyakap namin siya ng sobra. Akala ko after nun makakahanap na siya ng makakatuwang niya. Ayoko naman tumanda yung anak ko ng walang kasama. Yung mga panganay ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺