Chapter 21

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Ang tahimik ng paligid. Tangina ba't parang may dalawang magkaibang titig yung nararamdaman ko sa likod ko. Yung isa talaga parang papatayin ako. Tinapos ko nalang iarrange yung mga kakainin namin at lumapit ulit sa kanila. Si Jae ngiting-ngiti sakin to the point na kikilabutan ka. Kay Win naman ibang kilabot. Ang sama ng tingin niya sakin lalo na kay Jae.

 

"What are you doing here?" Suplada niyang tanong sa pinsan niya. Di ko talaga alam kung bakit ang init ng dugo niya kay Jaemin.

 

"Just visiting you. Bawal ba?" Sagot naman nito na hindi parin inaalis yung tingin sakin. Nginitian ko nalang din siya.

 

"Oo kaya umuwi ka na. If I know inutusan ka ni Lucas." Nagcross arms lang siya. Nung banggitin niya yung pangalan ni Lucas, doon na siya binalingan ng tingin ni Jae.

 

"Can't I check on my cousin? Besides walang sinabi si Lucas. He only told me na kasalanan niya. Andito ako para malaman ang side mo." Naging seryoso bigla yung aura ni Jae. Feeling ko tuloy may Winter na boy version sa harap ko. Mukhang seryosong usapan to. 

 

"Teka may aayusin lang pala ako sa kwarto. Maiwan ko na-" 

 

"No you stay here." Utos ni madam at tinapik yung upuan sa tabi niya. Nagaalangan naman akong tumingin kay Jae. Baka kasi gusto nila ng space na sila lang at makapagusap?

 

"It's okay Rina." Malumanay niyang sabi sakin. Bakit pag ako ang kausap ang lambing niya. 

 

"O-kay." Naupo ako sa tabi ni Win. 

 

"Now what do you want to know?" Mataray niyang tanong sa pinsan niya. 

 

"Yung nangyari. Totoo bang nagcheat si Lucas sayo?" This is the first time na nakita kong seryosong-seryoso si Jae. Ang layo dun sa usual gentle at warm niyang expression. 

 

"Yeah he did." Kalmadong sagot ni Win.

 

"Gago pala siya. Do you want me to tell tito about this? Para naman magtanda yung lalaking yun." Halata sa tono niya yung inis. Kaya napangiti ako. May ganito din palang protective na pinsan si Win.

 

"No ayokong masali si Dad. Alam mo naman yun mas malala pa sakin. Kahit na may kasalanan sakin si Lucas di ko naman gugustuhing may mangyaring masama sa kanya." 

 

"Tch asan na ba yung maldita kong pinsan? Akala ko ba babalatan mo siya ng buhay kung magloloko. Ano na nangyayari ngayon?" Medyo natawa ako sa brutal niyang pananalita. Indeed ganung yung Winter na kilala ko noon. Mapanakit lalo na pag binangga siya.

 

"Sino ba nagsabi na hindi ako gaganti?" Napatigil naman kami ni Jae at sabay na tumingin sa kanya. 

 

"May balak ka?" 

 

"Not now pero natural meron. Lintik lang talaga." Nagsmirk siya na parang may naiisip na masamang ideya. Naku naman minsan nakakalimutan ko yung pagka demonyita niya. Kamakainlan lang ako yung target sirain yung buhay.

 

"Hmm that's good enough. Tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong. I'll be more than happy to do that." Napabuntong hininga siya na parang nabunutan ng tinik sa puso. Jaemin is really a great guy. Halata naman na caring siya at mabait ewan ko lang talaga bakit ayaw ni Win ipagpares kami. 

 

"Yeah you should go. Ginugulo mo girls night namin." Balik nanaman siya sa masungit na Winter kaya natawa lang si Jae. 

 

"Fine nga pala." Lumapit siya sa taenga ni Win at may binulong. Uhm okay? 

 

"I can't guarantee." Sagot ni madam. Ano ba sinabi ni Jae? Shuta tung dalawa nakakacurious.

 

"Why????" Whine ni Jae na parang bata. Hala bahala kayo. Kumuha ako ng pizza at nagsimulang kumain.

 

"It depends on her. Do your moves wala kang maaasahan sakin." Ngisi niya at tumayo. 

 

"Ang sama mo talaga sakin cous." Reklamo niya. Inoobserbahan ko lang sila. Para tuloy akong nanonood ng movie. 

 

"Let's go hatid kita sa pinto." Masungit na tugon niya. Lumingon naman is Jae sakin. 

 

"Rina nanalo kami at finals na this thursday. You said you'll go diba?" Okay sinabi ko yun? tangingah Karina oo nga pala dun sa field. 

 

"A-ahh oo nga no. Sige I'll go what time ba?" Tinaasan ako ng kilay ni Win. Nagkibit balikat lang ako. Alangang tanggihan ko eh nasabihan ko na. Inirapan lang ako ni madam. Sarap dukutin ng mata.

 

"Sabi mo yan ah. Three magsisimula at insan sama ka narin." Ang lapad ng ngiti niya. Tsaka ang cute nung smile. Kung hindi ko lang alam na magpinsan sila aakalain kong magkapatid. 

 

"Whatever chupi na." Hinila na siya ni Win papuntang pinto. Nakatingin parin sakin si Jae habang kumakaway. Kaya kumaway narin ako.

 

"Bye Rina! See you tomorrow!" Natawa nalang ako sa itsura nila. Parang timang lang. Matapos niyang ihatid or more like kinaladkad si Jae sa pinto bumalik din naman agad si Winter sa tabi ko. Nakasimangot parin. 

 

"Oh nangyari sayo?" 

 

"Wala baliw na yata yung pinsan ko sayo. Ano ba pinakain mo dun?" Reklamo niya. Gagi.

 

"Hmm wala naman. Bakit inis na inis ka sa kanya? Ang cute nga nung pinsan mong magalala sayo." Naningkit yung mata niya sa sinabi ko kaya napaiwas ako ng tingin. Scary.

 

"Cute pala ah." Pagbubuntong hininga niya. Para talagang bata.

 

"Yeah? ano namang meron kung nakukyutan ako sa pinsan mo? selos ka?" It's supposed to a joke dahil nakakatawa talaga yung itsura niya. 

 

"H-hindi no. Bakit naman ako magseselos?" Nautal pa talaga. Bakit ang cute mo Win? Tumawa ako at lumapit ng upo sa kanya.

 

"Don't worry madam. Ikaw naman pinakacute sakin." Pinisil ko yung cute niyang pisngi. Di ko talaga mabasa yung takbo ng utak niya dahil bigla nalang siyang sumigla at ngumiti. heart kalma. 

 

"Dapat lang." Proud niyang sagot. Tumayo muna siya bago kinuha yung ibang mga pagkain. Tinuro niya yung kwarto at nauna nang pumasok. Bakit ganun parang ang bakla lang nung sagot niya. Akala ko hahampasin nako eh. Ganun na ba straight ngayon? Pafall.

 

"Minsan iniisip ko bipolar ka talaga!" 

 

...

 

 

In the end sa kwarto niya ulit ako natulog at as usual naging unan nanaman ako. Di naman sa ayaw ko actually gusto ko nga kaso ayokong masanay. Baka hanap-hanapin ko. More than 24 hours na kaming magkasama it's good na hindi kami masyadong nagbabangayan. Parang wala lang, yung alam mong comfortable kayo sa isa't-isa. 

 

Kagabi umiyak nanaman siya pero hindi na kagaya nung gabing dumating siya. Tahimik na iyak nalang kaya tahimik ko lang ding pinapahiram yung balikat ko kahit ang sakit puta nakakangalay. Hindi nako nagrereklamo kinocomfort ko lang siya dahil yun naman yung kailangan niya. Patuloy rin ang pangangamusta ni Lucas. Sinagot ko din naman ng maayos ayoko ring magalala yung tao pero medyo naiinis ako kasi ang kulit. Like alam niyo yung ganung feeling. Back to Winter, mabait naman ang pakikitungo niya sakin. Mostly utusera pero ngayon medyo nasasanay nako. 

 

"Minmin tara road trip." 

 

"Saan?" 

 

"Gusto ko magpuntang dagat." Nakanguso niyang sabi. Kakatapos ko lang hugasan yung pinagkainan namin. Konti lang naman. 

 

"Anong gagawin natin dun?" 

 

"Magmamountain climbing." Wala talagang kwenta kausap.

 

"Ano nga para kang sira."

 

"Wala maglalakad lang?

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺