Chapter 39

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

 

Today is her last day bago siya pupunta ng states. Kasalukuyan kaming nasa isang club. Nagpadespedida party sina Ning sa isang resort club. Yung barkada lang naman ang kasama tapos andito rin si Jaemin. Kanina pa kami naguusap kasama ng onting asaran narin. Nung mapagdisisyunan nilang sumayaw sa dance floor naiwan kaming apat sa table. Ang Ningselle parang nasa sarili nilang mundo kaya inaya ko nalang yung katabi ko.

 

"Tara sa labas?" Hindi ko na siya hinintay na sumagot at dahan-dahan na hinila sa exit.

 

"Hindi ba tayo magpapaalam?"

 

"Wala namang pake yata yung dalawa." Natatawa kong sagot kasi mukhang ang seryoso ng usapan nila. Kala mo talaga totoo eh sa narinig ko yung butiki lang pala ni Ning yung topic. Nagtungo kami sa may dalampasigan dahil malapit lang naman mula sa club. Napansin niya sigurong nakasleeveless lang ako kaya hinubad niya yung cardigan niya at pinasuot sakin. Ang sweet naman. She really turned out different months ago. 

 

"Nilalamig ka pa?" Malambing niyang tanong. Umiling naman ako habang nakatitig parin sa kanya. Tanging ang ilaw na nagmumula sa malapit na poste ang nagbibigay liwanag sa amin at ingay mula sa club kasama ng mahihinang alon ang maririnig. Makulimlim ang langit parang uulan yata. Feeling ko tuloy nagkakadejavu ako.

 

"Alam ko natanong ko na to pero anong gagawin mo pagalis ko?" Bigla niyang tanong ng may malaking ngiti sa mga labi. Magkahawak kamay lang kaming naglalakad. 

 

"Probably magmumukmok" at iiyak.

 

"Aw don't worry isang linggo lang naman ako dun. I'll be sure to comeback for you." Humarap siya sakin at kinurot yung pisngi ko. 

 

"Hmm baka makakita ka ng mas maganda o gwapo dun ah" Pagbibiro ko kahit alam kong malaki yung chance na yun ang mangyayari.

 

"Nah bakit pa ako maghahanap eh ang ganda ng future jowa ko." Ang saya ng mga ngiti niya. Gusto kong ibaon sa isipan ko ang mga ngiting to dahil bukas di ko na to masisilayan.

 

"Alam mo ang cheesy mo na. Nahawa ka na ba sa sweetan ko?" Natatawa kong sagot kaya natawa narin siya. 

 

"Sweet in actions ka lang ang harsh mo kaya sakin." Sumandal siya sa balikat ko kaya inakbayan ko siya. Automatic na pumulupot yung kamay niya sa bewang ko. Ang clingy namin ngayon buti nalang walang masyadong tao.

 

"Ugaling berna ka naman kasi dati. Apaka sakit mo sa ulo."

 

"Ikaw naman ang sungit mo kaya. Kala ko nga guidance counselor ka eh." Nagbiruan lang kami tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa...

 

"Minmin pagalis ko huwag kang titingin sa iba ah." Napakunot naman noo ko dun sa sinabi niya. Magagawa ko pa ba yun?

 

"Edi para akong bulag niyan. Paano ako titingin sa kausa-" Nakatanggap naman ako ng kurot sa tagiliran. Ayan nanaman siya. 

 

"Seryoso kasi." Tumawa nalang ako at mas hinapit siya sakin. Tumigil kami sa paglalakad para yakapin ko siya. I think nagwoworry nanaman to. Feeling ko mas dumoble yung bigat ng pakiramdam ko. Overthinker kasi si Winter nasabi na niya to sakin noon and I think wala naman akong magagawa kung nagooverthink siya kasi minsan yung pagiisip natin hindi talaga natin mapipigilan. What should I do? Alam kong masasaktan siya sa gagawin ko. She don't deserve it. Di ko siya deserve. I'm a coward.

 

"Win titingin pa ba ako sa iba eh ang swerte ko na sa manliligaw ko?" Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang pisngi. 

 

"Sus pero yeah I trust you." Ngumiti siya kaya mas lalo akong naiiyak. Yung trust na yun mababasag din. naman.

 

"Bakit ang cute cute mo?" Nanggigigil ko siyang niyakap ulit. Nahahawa nako sa pagiging clingy ni Win. Pero hindi ko inaasahan na bigla nalang papatak ang ulan. Humiwalay ako sa kanya at nakita ko yung pagpanic niya dahil unti-unting lumalakas yung ulan.

 

"Patay Minmin umuulan takbo bilis." Hihilahin na niya sana ako paalis kaso di ako nagpahila. Ang galing talaga ng timing. 

 

"Have you tried dancing in the rain?" Tinignan niya lang ako ng may pagtataka. 

 

"Sagot baby pup." Inalog ko siya. Nababasa na talaga kami. HAHAHA

 

"Nope." Mukhang nagets na niya naman yung ibig kong gawin kaya napangiti nalang siya. 

 

"Aw ang saya kaya." Hinawakan ko yung bewang niya at hinapit sakin. Napahawak naman siya sa batok ko pero bigla siyang natawa.

 

"Mukha tayong basang sisiw." 

 

"Ikaw basang tuta." Balik ko sa kanya. 

 

"Ang panget naman kung walang music." Reklamo niya kaya mas lalo akong natawa. 

 

"Kanta ka bilis." Excited kong paguutos. Sumimangot naman siya. 

 

"Ang weird nun teka nasa phone ko." Umalis siya sa pagkakakapit sakin at kinuha yung phone sa bulsa.

 

"Di ba masisira yan?" 

 

"Bagong model to water proof. Basain ko na para may kwenta naman yung feature na yun diba." Tinaas baba niya lang yung kilay niya at patuloy na kinukulikot yung phone. Natawa lang ako kasi ang dami niya talagang alam. Di rin nagtagal tumugtog ang pamilyar na kanta. (Audio)

 

"Seriously? Binibini?" 

 

"Ang ganda kaya. Eto na seryoso na." Nilapag niya yung phone at biglang yumuko. Pff. Ngumiti siya ng nakakaloko.

 

"Binibini pwede ba kitang maisayaw?" Sa totoo lang ang ganda niya parin tignan kahit ang basa na niya. 

 

"Ayoko nga." Pangaasar ko. Sumimangot naman siya. 

 

"Dali na kasi." HAHAHA ang cute. Ewan ko lang ah kahit umuulan di ko talaga ramdam yung lamig.

 

"Oh eto na. Ikaw lang talaga yung manliligaw na ang demanding." komento ko. Nagsmirk lang siya sus. 

 

"Well you can't say no to me." Confident niyang sagot at kinuha ang kamay ko bago ito nilagay sa bewang niya at ang isa'y pinagintertwine niya sa kanya. Nasa balikat ko naman yung isa pa niyang kamay. Magkatitigan lang kami habang parehong may mga ngiti sa mga labi. Mahina lang kaming nagsesway. Sinasayawan lang ang ulan. Sana ganito rin kadali ang pagsayaw sa problema.

 

"Ikot ka." Utos niya na ginawa ko naman. Mukha siguro kaming mga bata na nagsasayaw sa ilalim ng ng ulan ngayon. Pagnakita kami ng iba pagkakamalan kaming mga lasing pero wala naman akong pake. Gusto ko lang sulitin yung oras namin. Gusto kong itigil yung moment. Gusto ko siyang itago para sa sarili ko lang. Gusto kong itakas siya sa mangyayaring alam kong masasaktan siya. Hays naiiyak nanaman ako.

 

"Minmin pagbalik ko gusto kong marinig yung sagot mo." Napatigil ako sa sinabi niya. 

 

"Ha?" 

 

"I said I'll ask you again after kong bumalik. So you better prepare your answer." Ngumiti lang siya sakin ng may sobrang sayang tingin. I can't imagine how much pain ang macacause ko sa babaeng to. Pinilit ko takpan yung kalungkutan sa mga mata ko at ngumiti. Laking pasalamat ko na medyo madilim at umuulan. Hindi niya makikita ang pagpatak ng mga luha ko. Sorry Win.

 

"Yeah let's do that." 

 

"Good! Don't worry marami akong bibilhin na pasalubong para sayo." Masaya niyang hinawakan ang dalawa kong kamay at inilapit sa kanya bago ito hinalikan. Can I really leave this woman? Kaya ko bang mawala to sa buhay ko? Can I let her go? Iniisip ko palang yung gagawin ko ang sakit na sa dibdib. Bakit ang sama ni universe sakin?

 

"Win." 

 

"Yes?" 

 

"I love you." Alam ko I am being selfish for saying this pero I need to say it. Kasi baka wala nang ibang pagkakataon. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil biglang nanlaki mata niya.

 

"wait wait teka lang parang ang lakas ng ulan nabingi yata ako. Ano ulit yun?" This time nakangiti na siya. Napangiti narin ako pero ramdam ko parin yung pangingilid ng luha ko. 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺