Chapter 12

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Naglalakad ako sa hallway nung biglang may tumawag sakin mula sa likod. Agad akong napatigil at lumingon. Si ate Yuqi pala.

 

"Rinaaaaa~" Bungad niya sakin na mukhang sayang-saya. 

 

"Oh bakit? San ka galing? para kang tumakbo ng ilang kilometro." Kunot noo ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. Pawisan si madam. Nga pala this is Yuqi Song isa ko pang klasmate. Maliban kay Yeri sa kanya lang ako comfortable. Ewan same vibes eh. Siya din yung pinagselosan ni Win last time sa NBS. Transferee si ate Yuqi mas matanda siya sakin ng dalawang taon. Kalog din to sarap kasama daming trip eh.

 

"Tara sa USG volunteer." 

 

"Hala dating gawi?" Napangiti ako sa sinabi niya. Sarap kaya mag volunteer. May pa free foods.

 

"Oo lika sulat natin pangalan mo." Hinila na niya ako papunta ng student government office. Since kilala na din namin yung ilang mga tao dito madali lang namin nasulat yung mga kailangan. Saktong andito din pala si Lucas para magpalista.

 

"Uy ." Bati niya. Gwapo padin ng nilalang na 'to. 

 

"Hi Lucas magvovolunteer ka?" 

 

"Oo since wala naman akong ibang sasalihan maliban sa basketball. Kayo ba?" Dinako niya ang tinging sa kasama ko. Oo nga pala andito pa si ate Yuqi.

 

"Yeah wala naman kaming sasalihan tsaka kailangan ng complete attendance kaya why not?" Sagot niya naman at nagkibit balikat. 

 

"Sabagay yun din naman habol ko." Natatawa niyang sagot. "Nga pala Rina salamat sa paguwi kay Winter last friday ah." Oh now that he mentioned that.

 

"No problem kahit mabigat gf mo at sakit sa ulo." Sabay buntong hininga ko. Naramdaman ko naman ang pagtatakang tingin mula kay ate. Narinig ko lang tumawa si Lucas sa reaction ko.

 

"Let me guess ginawa kang unan no? Pagpasensyahan mo na ganun talaga yun malasing ang clingy pero cute niya diba." Ngiti-ngiti niyang sabi na parang kinikilig pa na inaalala si Win. Jusko.

 

"Cute na parang ewan." Walang gana kong sagot kaya maslalo siyang natawa.

 

"It's good to see na magkaibigan na kayo." 

 

"Hirap niya parin kausapin. Di lilipas oras ng hindi aandar kaartehan o kamalditahan niya." Pagbubuntong hininga ko. Naalala ko tuloy yung nangyari nung Monday. Gusto yata bilhin buong infinitea sa dami ng binili kesyo di niya alam anong gusto ko kasi sabi ko kahit ano. Ending sumakit tiyan ko sa pinaghalo-halong milktea na ininom ko. Para kaming nag milktea mukbang. Sayang din naman kasi. Binigay ko na nga lang din sa roommates ko yung ilan. 

 

"That's actually makes her different and it's really admiring na kahit ganun may good and soft side siya." The way ng pagkakasabi niya malalaman mo talagang in love na in love sa jowa niya. Edi wow sila na. 

 

"Tsk. Oo na sabi mo eh. Mauna na kami Lucas." Pagpapaalam ko. Ayoko na makarinig ng kung ano man tungkol sa babaeng yun mas lalong nagiging complicated utak ko. Alam ko naman na may physical attraction ako sa kanya but again I don't want to entertain it baka lumalim pa.

 

"Okay sige ingat kayo kitakits later." Pumasok na siya sa loob. Nung wala na siya nakaramdam ako ng pagakbay.

 

"Ehem may hindi ka sinasabi sakin ah." makahulugan niyang ngiti. Heto nanaman tayo sa story telling time. 

 

"Tara sa woods kukwento ko." 

 

 

...

 

 

"Ohh so are you saying na yung tinuturing mong mortal enemy ay friend mo na ngayon? Aba ay di ka ba naman marupok." Natatawa niyang usal matapos kong sabihin ang lahat ng nangyari. 

 

"Ewan narealize ko lang na di naman pala siya ganun kasama. Sadyang spoiled lang talaga." 

 

"Hmm yun ba yung nagkita tayo sa national book store? Yung time na feeling ko talaga may papatay sakin paghindi ako aalis." Sabay yakap niya sa sarili na parang kinikilabutan. Talim nga naman ng tingin ni Win nun.

 

"Oo akalain mo yun buhay ka pa." Pagbibiro ko at tumawa din siya. See same vibes.

 

"Akala ko talaga matutuluyan nako dun eh. Salamat sa pagdefend ah isa kang tunay na kaibigan." Pagdadrama niya. Tuluyan na akong natawa. 

 

"Libre mo na ko niyan?" Pagbabakasakali ko.

 

"Hindi wala ako pera next time libre kita ice cream kay manong." 

 

"Uutangin mo lang yan eh." 

 

"Parang gago to pwede ba yun dito?" 

 

"So uutangin mo nga kung pwede." Iba din to si ate. Tumawa lang siya at di sumagot. Nagkwentuhan na lang kami hanggang sa nagbell. Opo may klase pa ako panglast sub.

 

"Te mauna na ako kita nalang tayo sa office mamaya." Sinuot ko na ulit yung backpack ko. 

 

"Huwag mo na nga ako tawaging ate masyadong nakakatanda." Pagrereklamo niya. 

 

"Matanda ka na din naman talaga." 

 

"Hoy grabe ka sakin. Yuqi nalang kasi." Pagpupumilit niya. Natawa ako kasi mukha siyang bata nanghihingi ng candy. Maganda si ate Yuqi as in mala anghel yung beauty. Naging crush ko din to dati kaso narealize ko mas maganda kung tropa nalang kami. She's straight too.

 

"Fine mauna na ako Yuqi." 

 

"Yey ingat ka kitakits mamaya." 

 

...

 

 

Pumasok nako sa room. Kokonti palang ang andito wala pa din naman si sir. Umupo ako sa bandang unahan sa tabi ng bintana. Naalala kong magkakaroon ng oral recitation kaya nagsimula na akong magbasa ng notes. 

 


"Minmin" Isang pamilyar na boses ang biglang bumulabog sakin. Wala namang ibang tumatawag sakin ng Minmin dito. Tumabi siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

 

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tinignan ko siya. 

 

"Resched akalain mo yun magkaklase tayo." Ngiti-ngiti pa siya na parang sayang-saya sa nalaman. Jusko naman kalma heart. Same effect parin yung ngiti niya. Kailan ba ako masasanay dito.

 

"Bakit sa tabi ko? Doon ka sa squad mo tumabi." Pagsusungit ko. Magaaral ako eh.

 

"Ayoko di ako nakakapagaral ng maayos pagsila katabi ko." Pagrereklamo niya. Ako naman ang di makakapagaral ng maayos kung dito ka. Nako naman talaga Winter.

 

"Nagaaral ka ba?" taas kilay kong pangiinis. 

 

"Tsk I told you I take my study to heart." 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺