Chapter 33

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Nagising ako mula sa liwanag na tumatama saking mga mata na nagmumula sa bintana. Tirik na pala yung araw. Napatingin ako sa babaeng mahimbing ang tulog sa tabi ko. Di ko mapigilan mapangiti sa maamo niyang mukha. Tinitigan ko lang siya. Kahit kailan mukhang hindi nako magasasawa sa itsura na ito. Ilang minuto lang na alimpungatan siya at nagising. Mula sa pagkunot ng noo hanggang sa unti-unting pagbukas ng kanyang mga mata nakatingin parin ako sa kanya. Ang creepy na siguro ng itsura ko ngayon. 

 

"Jimin?" 

 

"Hmm?" 

 

"Matutunaw ako" Ngiti niya bago nagtago sa ilalim ng kumot. Ang cute. 

 

"Harap ka Win." Utos ko. Sumilip siya mula rito. 

 

"What?" Hinila ko paalis yung kumot na nakatakip sa kanya at hinawakan ang pisngi niya bago tinukod ang isa kong braso para pumaibabaw sa kanya. I leaned down to kiss her lips. Smack lang naman and it's for her morning kiss. Yup sa lips na HAHAHA she pleaded for it. 

 

"Good morning." I smiled bago tuluyang naupo at umalis sa kama. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya habang sinusundan ako ng tingin. 

 

"Di ka pa babangon? Uuwi ako samin ngayon." Pagkasabi ko noon ay sumimangot siya. 

 

"Can you just stay? Ang empty ng condo pagwala ka." Totoo naman ang tahimik nga sa tuwing ako lang magisa dito. Two weeks narin akong hindi umuuwi samin simula ng nagconfess kami sa isa't-isa pano ba naman last saturday hindi rin ako pinauwi. 

 

"Hmm give me a valid reason para hindi umuwi sa bahay." 

 

"Because I need you here?" naupo na siya. 

 

"What for?" 

 

"Uhm your presence?" 

 

"Para saan nga?" Napacross arms ako. 

 

"Eh? Kailangan ba talaga super specific?" 

 

"Yeah." 

 

"Mamimiss kita pagumuwi ka wala akong katabi." Sumimangot ulit siya. Nagpapacute yata to eh ganito rin ginawa niya last week. Eh alam niyo naman weak ako sa kacutan ng nilalang na ito.

 

"Hmm andito naman si Yooji siya na muna itabi mo kasama yung dalawang tuta." 

 

"Gusto kita katabi." Reklamo niya kaya natawa nako. Napatingin ako sa oras. It's already seven kailangan ko nang magluto at pakainin sina Yooji.

 

"Let's talk about it after breakfast." Lumabas nako ng kwarto at agad akong sinalubong ni Yooji. Ang cute talaga ng asong to. Binuhat ko siya at nagtungo sa kusina. Tulog pa rin naman yung dalawang puppies niya. Inuna ko na siyang pakainin saka nagayos bago nagsimula magluto ng breakfast. Lumabas na din ng kwarto si Win at mukhang nakapang hilamos na.

 

"Good morning again madam." Bungad ko sa kanya at nilapag ang hot choco niya. Kinuha niya naman ito at masayang ngumiti. 

 

"Good morning too Minmin." Sagot niya at dahan-dahan na ininom yung inumin niya. Toast bread with egg ang ginawa ko. Nakahanda na lahat sa mesa kaya kinuha ko na yung kape ko at uminom. Naging routine na namin ang ganitong eksena.

 

"Ano ba gagawin mo ngayong araw?" 

 

"Hmm may plates pa ako na tatapusin."

 

"Then uuwi ako samin." Kumagat ako sa pagkain ko.

 

"Ehhh bakit?" 

 

"Anong bakit? Kailangan ko ba ng rason para umuwi? Tumawag si mama kagabi hinahanap ako. Isa pa babalik din naman agad ako bukas." Pagbubuntong hininga ko. Miss ko narin yung mga aso ko sa bahay. 

 

"Fine just one night you better comeback early." She pouted. Tumango naman ako. 

 

"Yes madam." 

 

"Hahatid na kita sa pier." Tumango lang ulit ako at nagpatuloy lang kami sa pagkain. Inayos ko na yung mga gamit ko at naligo. Pagkatapos ko ay nagaantay na pala siya sa may pinto. Kiniss ko muna sina Yooji bago kami umalis. Hinatid niya nga ako gaya ng sabi niya. Pagdating namin bakas sa mukha niyang ayaw niya ako paalisin. Parang tanga lang isang araw lang ako aalis eh. 

 

"Balik ka agad." Sabi niya ulit kaya napangiti ako. Ang cute talaga. Binuksan ko yung mga kamay ko at sinenyasan siyang lumapit. Agad naman siyang yumakap sakin. I inhaled her familiar scent na gustong-gusto ko rin. Parang ayoko tuloy umalis. I pulled away at kiniss siya sa noo.

 

"Here since hindi kita makikiss bukas ng umaga." 

 

"Isa pa dito." She pointed her lips.

 

"Abosado na Win." Tatawa-tawa kong sagot at binuksan na yung pinto ng sasakyan. 

 

"Damot mo talaga." 

 

"Aba nanliligaw ka sakin no. Magtiis ka." Nagsmirk lang ako at bumaba na.

 

"Tsk kaasar ka." Nagroll eyes lang siya. Taray talaga di na siguro to mawawala.

 

"Drive home safely okay?" 

 

"Hmm ingat sa byahe." Finally ngumiti rin. 

 

"See you tomorrow." Nagsend ako ng flying kiss pero pinitk niya lang. Gago talaga. 

 

"I only accept real ones." Mataray niyang sagot kaya natawa lang ako. Ito lang ang manliligaw na demanding. Well she did admit nung nag girls night kami na di siya marunong manligaw pero nakikita ko naman na tinatry niya and that is more than enough.

 

"Fine bukas na bye bye!" 

 

...

 

Winter's PoV

 

 

Umuwi ako sa condo at sinalubong ako ng katahimikan. Natutulog si Yooji kasama yung puppies niya. Nakakapanibago na ngayon na magisa lang ako dito sa condo. Nasanay nako na kasama palagi si Jimin at kinukulit ko siya. Well I should savor this alone time para gawin yung mga dapat kong gawin. Maybe I'll ask her out tomorrow. I mean nanliligaw ako sa kanya pero minsan parang siya pa yung may suitor feel samin. Well Jimin is just sweet I guess? 

 

Inayos ko na yung drawing table ko at nagsimula na gawin yung plates na kailangan kong ipasa ngayong lunes. Nakikinig lang ako ng music habang nag dadrawing. Sa sobrang focus ko sa ginagawa ko hindi ko na namamalayan yung oras. Natigil lang ako sa paggalaw nung marinig ko si Yooji na tumatahol. Pagtingin ko sa oras it's already past twelve. Nagsimula ako ng nine almost three hours na pala akong nakayuko.

 

Nagunat muna ako at tumayo. Kinuha ko ang phone ko at lumabas ng kwarto. Nakita ko si Yooji nakaharap sa pinto at tumatahol parin. Medyo na weirdohan ako kasi hindi ko pa siya nakitang ganito. 

 

"Hey Yooji calm down." Kinuha ko siya at kinarga. Nakatingin parin siya sa may pinto. Tinignan ko yung monitor ko meron bang tao wala naman. 

 

"Yooji are you hungry?" After ko sabihin yun tumigil siya at tumingin sakin. Ohh gutom na pala si baby namin. Pinakain ko na muna siya at saka na ako kumain. Nagiwan ng pagkain si Jimin para ngayong tanghalian maybe magoorder nalang ako mamayang gabi. 

 

Habang kumakain nagsoscroll lang ako sa social media. Nagchat ang mga gurlah sa gc. 

 

Gigi: Hey how about we have an outing after finals?

Jisu: Sure but May pa naman antagal pa gurl.

Ryu: Oo nga baka drawing nanaman.

Winwin: Hindi yan sama natin sina Jimin.

Jisu: Yiee baliw na sa Minmin niya.

Winwin: Wag ako Lia.

Ryu: Sama natin si Rina masarap yun magluto.

Winwin: Ginawa mo pang cook akin lang yun.

Gigi: Lagot ka sa dragon may matutustang baboy mamaya.

Ryu: Pakyu ka Gi. Ako lang ang baboy na y.

Winwin: y ba Lia?

Jisu: Okay na. 

Ryu: Bal ang sama mo.

Gigi: Tinatakwil ka na.

 

Tawa lang ako sa kakulitan ng mga to. Mas naging close kami simula nung nalaman namin yung sekreto ng isa't-isa. I found myself being more comfortable hindi lang sa katuwaan kundi doon sa weak side ko. Dati kasi I can't bring myself to trust them that deep. I don't know dahil nadin siguro they don't trust me as much? Pero after spending more time with Ning and Jimin they losen up too. Parang may nagclick lang at mas naging open kami. 

 

After kong kumain nagtimpla ako ng juice at dinala sa kwarto. Nakipaglaro muna ako kina Yooji para magrelax. Habang naglalaro ay nakatanggap ako ng text mula kay Jimin.

 

Minmin: Pinakain mo na si Yooji?

 

Wow naman si Yooji pa talaga ang inuna niya ah.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺