Chapter 3

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Napatingin ako sa limang shots sa harap. Parang masusuka na ako iniisip ko palang. Gumawi yung tingin ko kay Lucas at parang kinakabahan siya na nakatingin kay Winter nung marealize niya kung ano yung dare. Yung itsura naman nung gf niya parang di maipinta ang mukha. Lagot talaga ako neto kung gagawin ko.

 

"Uy sino ang number six?" Paguulit ni Jeno. Napapikit  nalang ako at tinaas ang kamay ko. 

 

"Karina? Ikaw!!" gulat na tanong ni Chae. Loko ka! Mukhang gulat din si Lucas at yung ilang nakakakilala sakin. Pati si Jae parang nahibang. Alam naman kasi ng lahat kung gano ka selosa si Winter.

 

"Uhm punishment nalang." Dismayado kong tinignan yung limang baso. Naging awkward bigla yung atmosphere. 

 

"Why?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Si Winter parang tangang naka ngiti. Jusko di ko talaga alam kung matutuwa ako sa ngiti na yan. 

 

"Rina ako nalang iinom." Inabot ni Lucas yung baso. Ang ilan naming kasama nakikiramdam lang. Iba na pakiramdam ko dito sa katabi ko. Feeling ko napapalibutan siya ng masamang enerhiya. Baka magtransform to ako pa mamatay. Di na ako tumanggi sa alok ni Lucas dahil di ko din naman talaga kaya inumin yung lima ng straight. 

 

"It's fine to kiss my bf laro lang naman." Tumingin siya sakin pero yung mata niya parang nagbabanta. 

 

"No babe it's not. Sayo lang naman ako." Pagpapakalma ni Lucas. Binalingan ko ng tingin si Chae at pinanlisikan ng tingin. Nagpeace sign lang ang loko. 

 

"Oo nga. Di ko naman ugali humalik sa taong may girlfriend." Pagsangayon ko sa bf niya. Kahit mas matangkad ako sa babaeng to di ko parin ugali makipag away no. Knowing how warfreak at madami siyang alagad, lugi na lugi ako.

 

"Sabi mo eh." nagkibit balikat lang siya at humilig sa balikat ng jowa niya na kakatapos lang inumin yung limang shots. Napalunok ako at di nalang sila pinansin. Buti nalang talaga gentleman si Lucas kundi bangag na ako ngayon.

 

Nagpatuloy lang yung laro. Di na naulit yung nangyari kanina. Natawa ako sa pinaggagawa ng iba. Yung mga inuutos kasi ang dudumi. May kiss sa paa, sampal at confession pang naganap. Lasing na nga yata yung ilan dahil kanina pa naubos yung sampung bote ng tequila. Kasali ako at sila Lucas mga twenty din kami. Medyo malakas din yung tama ng tequila na iniinom namin. Napatingin ako sa relo ko. Mageeleven na pala lagot kami ten minutes nalang curfew na.

 

"Mukhang di na tayo makakauwi." tapik ko sa babaeng mukhang lasing na. 

 

"Karina huwag muna kayong umuwi." sambit ni Chae na narinig pala ang sinabi ko. 

 

"Oo nga ate! Dito muna tayo." Pagsangayon naman ni Yuna. Confirmed nga lasing na to lumalakas na boses eh.

 

"Lasing ka na tama na." inagaw ko yung baso sa kanya. 

 

"Hala Lucas oh si Rina ayaw ibigay sakin yung baso." Pagrereklamo niya at pilit na inaabot yung baso sa kamay ko. Si Chae naman tawa lang ng tawa. Wala na wasted na tung dalawa.

 

"Yaan mo na Karina. Dito nalang kayo matulog may guest room naman." Nakangiting ani ni birthday boy. Napatingin ako sa mga kasama namin. Di ako sure kung makakatulog kami ng maayos dahil marami na ang may tama. 

 

"Oo nga." Isa pa to si Chae.

 

"Akala ko ba uuwi tayo." Baling ko sa katabi ko. Okay lang naman sakin magsleep over kasi wala naman akong maagang klase bukas kaso itong isang to alam ko meron.

 

"Ate absent nalang ako first sub." Ngiti niya at kumindat. Loko to di pa papasok. Pero sabagay feel ko di nga siya makakapasok dahil for sure magkakahangover to bukas. Medyo tipsy nadin ako pero di pa naman gaya ng sa kanila na nagsisimula nang mag sasayaw sa gitna. 

 

Si Yuna sumali pa at nakipagsabayan ng twerk dun kay Michael na bakla. Pati si Chae nakisali nadin. Lakas ng tugtug sabayan pa ng nakakaduling na disco lights. Seryoso nga, yung bahay nila ginawang club. Medyo nahihilo nadin ako kasi patuloy parin ang ikot ng baso. Nakaupo lang ako sa gilid at binabantayan yung dalawa kong kaibigan. Di ko close mga tao dito baka mapano pa tung dalawa.

 

"Bat di ka sumali sa dalawa?" Tumabi naman sakin si Jae. Umalis na kasi sina Lucas at Winter para magsasayaw din. Mga lasing nadin siguro. 

 

"Di ko bet." Ani ko at ininum yung shot. Napamaang yung mukha ko sa tapang. 

 

"Kaya pa?" natatawa niyang tanong. Sinalinan naman siya ni Jaehyun, yung gunner namin. 

 

"Tch ano akala mo sakin weak?" Nadapo naman tingin ko sa dalawang couple. Si Winter naka hawak sa batok ni Lucas at si lalake naman sa bewang niya. Napailing nalang ako. Nakangiti lang si Kim habang magkalapat ang mga noo nila. Labas yung dimple niya at sabayan pa nung lights mas lalong nabibigyan ng hustisya ang kanyang beauty. Siguro kung ugali nito matino baka nagkagusto nako sa kanya. Kasi naman halos lahat yata ng gusto ko sa babae physically nasa kanya na. Yung cute but beautiful smile at the same time. Matangos na ilong at mapungay na mga mata. Red lips at sobrang flawless ng mukha. y din siya at may magandang boses.

 

Kung hindi lang talaga to bad girl at sobrang maldita baka n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺