Chapter 10

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Pagdating namin agad bumungad sakin ang maraming pamilyar na mukha. Mga schoolmates namin to. Ang crowded ng club dahil Friday night ngayon. Kasabay ko ang magjowa na pumasok. Sumalubong naman sila Giselle, Ryujin and Lia kay Win. Nakalimutan ko, kasali nga pala siya sa grupo nila. Si Lucas naman ay nag paalam na pupunta sa table ng barkada niya.

 

nakakaout of place ah. Ginala ko nalang tingin ko at hinanap sila Yuna. Para naman hindi mapanis yung laway ko. Saktong nakita ko sila sa gilid.

 

"Win lilipat muna ako ng table-" magpapaalam na sana ako kaso hinawakan niya kamay ko at tinignan ng masama.

 

"No you stay here." Ayun wala akong nagawa. Ano namang gagawin ko dito? Di niya naman ako kinakausap.

 

"By the way girls I want you to meet my friend, Jimin." Pagpapakilala niya sakin. Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko sa sinabi niya. Kailan pa kami naging friends?

 

"Oh really? I didn't know may ibang friend ka pala maliban samin at Ning." Nakangiting binaling ni Giselle ang tingin sakin. Ang judger ng mga mata niyang nang hehead to toe ah.

 

"Of course I have but you can't call her Jimin. Ako lang pwede tumawag nun so you could call her Karina or Rina." Inangkin niya na talaga first name ko. Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanila. Di ko naman kasi type yung mga friends niya. Halatang alagad ni Berna at Angelica Tumang.

 

"Hi Rina. I'm Giselle and this is Lia and Ryu." Una niyang tinuro si Lia na long hair din and then si Ryu na mid length ang taas ng buhok at may kulay gray sa tip. They wore the usual sassy clothes nila. Not here to judge though. Pwede naman nating suotin kung ano gusto natin. Overall, maganda sila. Hindi ko maitatanggi na kahit mga bullies tung friends niya, may ibubuga talaga sa itsura.

 

Nakipagshake hands nalang ako sa kanila para matapos na ang convo. Dinala nila kami sa table nila and as expected may boys silang kasama. Pero wala akong time para i appreciate ang mga mukha nila dahil busy ako sa pagiisip kung bakit hawak hawak parin ni Win yung kamay ko. Hindi naman sa nahihiya ako pero di ako sanay sa skinship parang sasabog na puso ko kung hindi niya bibitawan. Kaya nung inabutan ako ni Giselle ng inumin agad kong binitawan kamay niya at inabot ito. Kumunot naman noo niya bago lumingon sakin. Instead na hawakan ulit kamay ko pinulipot niya yung kamay niya sa braso ko. Ang clingy talaga hays.

 

Matapos ko ma discover sa sarili ko na may little crush ako sa babaeng to, pinilit kong patayin. Ayaw ko kasing ientertain dahil baka lumalim. Isa pa masmabuting doon siya dumikit sa bf niya. Bakit nga ba siya nakakapit sakin?

 

Nagsimula na nga ang inuman at may kanya-kanyang kausap yung mga friends niya. Si Lucas din busy na nakikituwaan kina Jeno. Infairness at di masyadong clingy at pda sila ngayon.

 

"Jimin kwento ka." Bigla niyang usal at uminom ng beer. 

 

"Anong ikukwento ko sayo?" Ginawa pa akong story teller.

 

"Hmm bakit ka nagengineering?"

 

"Kasi yun gusto ni papa." Simple kong sagot. Tumaas naman kilay niya dun.

 

"Hindi mo gusto?"

 

"Gusto ko naman kaso hindi talaga Engineering first choice ko." Pagpapaliwanag ko.

 

"Ano ba gusto mo?" Kung normal na kaibigan ko lang to biniro ko na to ng sagot na 'ikaw' kaso hindi kami close baka mag assume talaga. Ang feeling pa naman neto.

 

"Psychology sana kaso nung nalaman ko na gusto ni papa magka anak na graduate ng engineering nagbago isip ko. Hindi kasi natapos ni papa yung pagaaral niya sa kolehiyo sa kursong ito kaya parang fulfilling sakin na anak ang magpapatuloy para sa kanya. Hindi naman din option yung nakababata kong kapatid dahil walang interest sa math yun. Isa pa, nagugustohan ko na din yung kurso ko kaya wala namang problema." Pagkokwento ko. Tumango-tango naman siya.

 

"Ang bait mo namang anak." Komento niya. Napailing nalang ako.

 

"Ikaw ba? Architecture talaga gusto mo?" Pagbabalik ko ng tanong.

 

"Yeah since high school yun na talaga gusto ko. My parents wants me to pursue business pero ayaw ko talaga kaya in the end napapayag ko sila." Nakangiti niyang sabi na parang bata. Agad naman akong umilag ng tingin dahil feeling ko gumaganda siya lalo. Sabi ko nga ayaw kong itolerate yung pagkakaroon ko ng crush sa kanya.

 

"That's good. Sa tigas ba naman ng ulo mo sinong hindi bibigay? " Pagbibiro ko. Medyo nawala yung ngiti niya sa sinabi ko. May nasabi ba akong mali?

 

"Kaya nga eh. Lahat naman sila bumibigay agad." Mapait niyang usal na parang ang lalim ng pinaghuhugotan.

 

"Anong-" magtatanong na sana ako nung bumalik na si Lucas at tumabi sa kanan niya. Kasama niya sina Jae and Jeno.

 

"Girls tara laro." Masayang bungad ni Lucas at pinulupot ang braso sa balikat ni Win. Medyo na awkward naman ako dun. Si Jae umikot para maupo sa kaliwa ko. Bale napapagitnaan kami ni Winter ng dalawa. Si Jeno naman kumuha ng upuan para dun sa gitna maupo.

 

"Game! anong laro ba yan?" Excited na tugon ni Giselle.

 

"Drink or dare lang naman spin the bottle." Si Jeno na sumagot. Akala ko naman kung ano. Kumuha ako ng bagong inumin dahil ubos na pala yung iniinom ko. Naglapag sila ng limang shot ng tequila na wala man lang chaser, lemon o asin. Papatayin yata kami. Ang lakas kaya ng tequila na yan thirty percent yata.

 

"Game what's the dare ba?" Bagot na sagot ni  Ryu. Ngumiti naman ng nakakaloko si Jeno. Ito talaga pasimuno ng mga kalokohan.

 

"I dare you to tell your ex na mahal mo pa siya."

 

"Gago ka? ikaw nga ex ko." Sabay irap niya na parang nandidiri. Ay magex sila? Di ko yun alam. Tumawa lang si Jeno.

 

"Kaya nga come on babe tell me." Ngising asong ulol niya. Kaya pala lumipat sila dito dahil dito.

 

"Asa ulol. Iinom nalang ako." Matapang na kinuha ni Ryu yung shot glass at sunod-sunod na ininom. Tangina ang lakas. Naghiyawan naman ang lahat sa ginawa niya. Si Jeno nanlumo sa pwesto niya habang si Jae at Lucas tawa lang ng tawa.

 

"Next na nga ang kj ng isa dito." pagmamaktol ni Jeno. Nagsmirk lang si Ryu sa kanya at tumingin sa babaeng katabi niya sa left. Siya na pala magbibigay ng dare.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺