Chapter 20

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Finally nakatulog narin siya. I don't know what actually happened pero I'm sure this is related to Lucas. Walang sinabi si Win. Umiyak lang siya ng umiyak sa harap ko kaya hindi ko nalang tinanong mukhang mas kailangan niya ng katahimikan. Tumingin ako sa oras. It's already eleven. More than one hour din siyang umiyak kaya mugtong-mugto yung mga mata.

 

Tumayo nalang ako at hinayaan siyang makapagpahinga sa kwarto. Buti nalang naisipan kong pumunta sa condo niya. Actually nagtatampo ako sa kanya dahil sa ginawa niya pero nung magising ako doon ko na realize na wala naman akong dapat ipagtampo talaga. I mean she's Winter. I should know na may time na ganun ang ugali niya. So I dedcided na magintay nalang sa condo niya dahil for sure lasing yung uuwi pero hindi ko ineexpect na ganun yung dadating na Winter.

 

I looked for my phone at dinial yung number ni Yuqi na agad niya namang sinagot. Bumungad sakin yung paghikbi niya.

 

"Rina I'm sorry a-alam na niya." Okay that explains a lot. Napapikit nalang ako. Alam kong dadating ang araw na malalaman niya pero ang bilis. 

 

"How? Anong ginawa niyo?" Naiinis ako pero kailangan kong makinig at kumalma. 

 

"Tinawag ko si Lucas dahil gusto ko nang itigil ang lahat pero hindi namin inaasahan na maririnig niya yung usapan namin." Halata sa boses niya yung guilt. You reap what you sow. 

 

"Where is Lucas?" 

 

"He left sabi niya susundan niya si Winter. He look so devastated nung sinabi ni Winter na pwede na siyang bumalik sakin. Lumuhod siya sa harap niya Rina. Doon ko napagtanto na mahal na mahal niya nga si Winter s-sumira ako ng relasyon." Humihikbi siya sa kabilang linya. Di ko alam kung anong gagawin ko. 

 

"Kailangan mo yang tiisin. Consequence yan ng actions mo Yuqi. Live with it." Yun nalang ang sinabi ko. Wala namang dapat gawin ngayon kundi ang humingi ng tawad kay Win. Ayoko man nakikitang nasasaktan siya pero mas mabuti narin siguro na napaaga kesa patagalin pa.

 

"I know I'm sorry. Dapat nakinig ako sayo ng mas maaga." 

 

"Hmm hwag ka nang umiyak. Stop dealing with regret. Nangyari na Yuqi ang tanging magagawa mo ay ang tanggapin ang kamalian mo. Magpahinga ka don't think too much. Sa ngayon tulog na si Win at safe siya." 

 

"Thank you Rina." Sincere niyang sabi kaya ngumiti nalang ako. Once again, sasabihin kong hindi masama si Yuqi. Mali lang yung way na ipakita niya yung pagmamahal. Pero kung iisipin wala talagang mali sa pagibig. Minsan may nagagawa tayong kamalian dahil yung pagibig ginagawa natin addiction at alam naman nating ang kalabisan ay nakakasama. Love is not toxic. It's your way of expressing it.

 

"Yeah sige na." Binaba ko na yung tawag. Mabigat kong inupo yung sarili ko sa couch. Kanina lang ang chill ng paligid ngayon ang bigat. Pinikit ko yung mga mata ko. Itutulog ko nalang siguro muna to. Bago pa ako dalawin ng antok biglang tumunog yung ringer. Tumingin ako sa oras maghahating gabi na.

 

Mukhang kilala ko na kung sino ang nasa kabilang pinto. Tumayo nako at lumabas. Sinigurado ko munang sinara yung pinto bago harapin ang lalaking gustong-gusto kong sapakin ngayon. Dahil sa kanya nasasaktan yung dalawang babaeng importante sakin. He look so wasted. 

 

"Hey Rina! Si Winter? gusto ko makausap si-" Lasing pa talaga siyang dumating.

 

"Natutulog na si Winter Lucas. Bumalik ka nalang bukas." Pagpipigil ko sa sarili ko. Baka makasapak ako ng lasing ngayon. 

 

"Please let me talk to her?" humina yung boses niya. 

 

"Lucas please just go. Bigyan mo naman ng oras na makapagpahinga yung girlfriend na sinaktan mo." Tiis lang Karina. Inhale, exhale.

 

"I want to explain please." Bigla siyang umiyak sa harap ko. Tangina bakit trip nilang umiyak sa harap ko?

 

"Sa lagay mo na yan? Umuwi ka muna. Fix yourself. Kung gusto mong magexplain sa kanya yun namang presentable ka. Hindi yung idadaan mo sa awa Lucas. Hindi lang si Winter ang nasasaktan ngayon. Dalawang kaibigan ko tinalo mo." Napakuyom ako habang sinasabi yung huling parte. Nanggigigil ako sa kanya swear. Hindi na siya sumagot at napayuko nalang. Napasandal siya at napaupo sa hallway. Di ko alam kung maaawa ba ako. Kasalanan niya rin naman to. Maling mali yung inentertain niya si Yuqi. 

 

"I'm sorry Rina. It's just ayokong mawala si Winter sakin." Napahawak siya sa ulo niya na parang nayayamot. Ano bang dapat kong gawin? He's my friend too. Ang gulo ng mundo di ko alam anong gagawin ko. May problema na nga ako sa punyetang feelings ko kay Win dagdag pa silang dalawa ni Yuqi. 

 

Tumabi ako sa kanya at naupo narin. Kung may makakakita samin pagkakamalan kaming baliw. 

 

"Bakit mo naman kasi nagawa yun?" Maybe I need to listen to his side too. 

 

"Naguluhan lang ako Rina. Y-Yuqi was my first love. Iniwan niya ako noon without personal closure. All I know is that she has to go dahil sa family niya. Nung nakita ko siya alam kong may something pa. But at that moment I'm already dating Win. Winter was the one who made me what I am today. Tinulungan niya akong bumangon. She's the reason why I am Lucas Wong na kilala ng lahat. I love her. I really do. Sadyang na tempt ako nung isang pagkakataong nagkasama kami ni Yuqi. Biglang nagfaflash back yung feelings. Hindi ko alam kung bakit pero nadala ako. I want her but I need Winter. Di ko alam kung anong magiging buhay ko kung wala siya." He cried. This is the weakest na nakita ko si Lucas. 

 

"Then fix your mind. Let go of Yuqi. You can't choose both of them and clearly sa ginagawa mo ngayon you realized  na mas mahalaga si Winter but Lucas you hurt her. Nagtaksil ka sa taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka. Ang tiwala hindi naibabalik ng isang gabi lang." Tumayo nako pero bago yun ay tinapik ko yung balikat niya. Tumingin naman siya sakin. Yung mga mata niya sobrang lungkot. 

 

"What should I do Rina?" Parang bata niyang tanong. Bakit sakin sila tumatakbo ng ganito? Kung hindi lang ako matinong tao kukunin ko talaga si Winter sa kanya. She don't deserve this .

 

"Di ko alam Lucas. Figure it out but ang alam ko lang ngayon give Winter some time. Pahupain mo muna yung bagyo dahil sa tingin ko kahit anong pilit mo ngayon hindi siya babalik sayo. Kayo ang gumawa ng gulong to. Kayo rin dapat ang umayos. Go home." Napabuntong hininga nalang ako. Hindi na siya sumagot kaya papasok na sana ako ulit nung bigla siyang magsalita.

 

"How was she?" 

 

"Umuwi siyang umiiyak. It took me more than an hour para patulugin siya." 

 

"Thank you Rina." Di ko alam bakit pero parang di ko gusto yung pagpapasalamat.

 

"No need to thank me. I'm her friend." Ngumiti ako ng mapakla kahit di niya nakikita. I'll be the friend tutal yun naman ang kaya kong gampanan. Di ko alam kung makakaahon pako sa hukay na ako rin mismo ang gumawa.

 

"I'm really glad na andito ka." He added. I don't know about that Lucas. Ako yung naiipit. Kung alam mo lang na may gusto ako sa jowa mo masasabi mo pa kaya yan. 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺