Chapter 8

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Exam week. Ibig sabihin araw ng pagpasa ng mga requirements. Napass na din namin ni Winter yung sa amin sa ConWorld and medyo nashock si sir nung makitang kaming dalawa yung nagsubmit. Kasi nga diba di naman kilala yung babaeng yun na gumagawa ng project maliban sa plates niya. Kinausap nga ako ni sir magisa kung paano ko nagawa yun. That was on monday and two days na since last usap namin. Parang normal lang naman. Back to the usual routine ang buhay ko.

 

"Hey malapit na Udays ano sasalihan mo Rina?" Tanong nitong katabi ko. Nasa woods kasi kami nagiintay ng susunod na klase.

 

"Hmm siguro sasama ako sa aya ni ate Yuqi na mag volunteer ulit. Free food is life." ngiti-ngiti kong sagot. Maliban sa tumulong gumawa ng props, may libreng kain din kasi dun. Para naman maka save sa allowance bakit di ko igrab opportunity diba. Isa pa, masarap yung mga ulam nila at mababait din yung mga members.

 

"Ganun? wala kang extra points niyan?"

 

"Di ko naman kailangan. Ikaw ba? ano sasalihan mo?" Baling ko sa kanya ng tanong.
 

"Medyo kailangan ko makabawi sa calculus natin. Buti ka pa hundred points na wala ka nang poproblemahin. Siguro sa mass dance na lang ako tutal andoon din sina Haechan at Mark." Pagbubuntong hininga niya. Medyo natawa naman ako sa plano niyang sumama dun sa dalawang magjowa. For sure third wheel nanaman siya for a more than a week.

 

"Kailan ba simula ng praktis?" Sumipsip ako dun sa iced coffee ko.

 

"After exam daw para makapagfocus tayo sa pagstudy. Diba si Lucas ay volunteer din? Iwasan mo na yun baka makita ka ng dragon." Natatawa niyang sabi. Kalmadong tumingin ako sa kanya.
 

"Di yun okay na kami ni Win." Tumaas naman agad kilay ng bruha.

 

"Okay ka lang? anong okay pinagsasabi mo eh last week lang kulang nalang saksakin mo yun ng T-square at saka anong Win? close na kayo!?" Halatang di siya makapaniwala sa sinabi ko. Sabagay kung naririnig ako ng past week self ko baka sinapak na ako nun.

 

"Well nagkausap kami di naman siya ganun ka demonyo. Oo masungit, maarte at madamot pero di niya naman ako inaway ng over gaya ng sinasabi nila."  Pagrarason ko at tinignan siya sa mata.

 

"To think na galing yan sayo ha. Ano ba nangyari?" Pagtataka niya.
 

"Eto kasi yun..." Nagsimula na akong magkwento mula nung inuman hanggang sa realization ko sa kanya at tinapos ko nung pinasa na namin yung project. Grabe ang haba feeling ko napanis laway ko kakadaldal. Yung mukha talaga ni Yeri parang batang nakikinig ng bed time story.

 

"So ano yun friends na kayo?" Pagtatanong niya. Friends nga ba kami?


 

"Ewan di ko sure." Kibit balikat kong sagot.


 

"Ha? labo mo naman ano yun nawala lang yung misunderstanding mo sa kanya?" Napaisip ako sa sinabi niya. Parang ganun na nga.
 

 

"Baka naman di mo na siya hate dahil like mo na?" Pangaasar niya sakin. Eh kung iuntog ko siya no.


 

"Saang lupalop mo naman nakuha yang conclusion mo? Hindi ko siya hate pero di din siya like." Pagdedeny ko. Hindi naman talaga eh.


 

"Asus kilala kita no. Bet mo na si Winter." Tatawa-tawa niyang usal. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. Kung ano-ano nalang talaga pumapasok sa kokote nito.

 

"No thanks. Oo maganda siya pero di ko talaga ugali ma attract sa taong straight." Sabay irap ko. Tumawa lang siya at hinampas ako ng notebook. Oo nga pala magrereview sana kami pero heto nanaman puro chikahan lang.

 

"Joke lang ito naman super defensive." Wow ha kailangan may hampas?

 

"Tsk ewan ko sayo magaral na nga lang tayo." Tinuon ko nalang atensyon ko dun sa notebook ko at libro. Nakinig naman siya at nagfocus na nga kami sa pagsosolve ng sample problems.

 

Pero habang nagbabasa ako di ko pa rin maiwasang isipin yung sinabi niya. Aminado naman akong medyo naiisip ko nga yung babaeng yun kahit di ko man gusto. Ewan ko ba at nagpopop out nalang yung image niyang nakangiti sakin. Tapos automatic na napapangiti narin ako ng magisa. Ugh tangina ayaw kong ientertain yung ganito.

Napailing nalang ako ng wala sa oras. Tinapunan naman ako ng weirdong tingin ni Yeri. Nginitian ko lang siya at di pinansin. Ayoko man aminin pero tangina parang may crush ako sa smile ni Winter.
 

...


 

Winter's PoV

 

Exam namin ngayong araw. First period ang ConWorld. I don't know kung may maisasagot ba ako kasi di naman ako nakapagreview dito. Konting scan lang sa notes ni Lucas and done. I hate putting much efforts on minor subjects. Exam is only 30 percent of our grades and I'm pretty sure pasado nako sa seventy since napass ko na yung requirements.

 

Speaking of requirements, yun yung project na ginawa namin ni Jimin and that woman happened to sit in front of me. Si Lucas naman sa kanan ko. Wala naman kasing proper sitting arrangement sa college lalo na pag exam. Paunahan nalang sa pagdating at pagpili kung saan pupwesto.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺