Chapter 23

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Malayo ang pupuntahan namin kaya matagal yung byahe. Gaya nga ng sinabi ni Win kami lang anim ang sakay ng van. Akala ko talaga magdadala ng mga boylet yung squad niya. May driver din kami medyo middle aged na.  Ganito yung setting naming sa loob nasa second row sina Giselle, Ryu and Lia. Kami naman sa likod ni Win at Ning. Napapagitnaan naman nila akong dalawa.

 

Speaking of katabi, tulog po ulit siya at ginawa nanamang unan yung balikat ko. Feeling ko talaga hindi na to akin. Lakas maka arbor ng balikat. Two hours narin yung byahe medyo malayo pa talaga. Kanina ang ingay nila ngayon tulog.

 

"Clingy no?" Bigla bulong ng nasa kaliwa ko. Gising pala.

 

"Yeah" Napabuntong hininga ako.

 

"Gusto mo help?"

 

"Sa alin?"

 

"Sa bff ko. Lakad kita?" Ngisi niya kaya natawa ako. Ang comfortable ko kay Ning dahil narin siguro sa alam ko na same kami?

 

"Kakabreak lang nila ni Lucas. Isa pa straight best friend mo." 

 

"So ano yun wala kang gagawin? Si Gigi nga na baliko eh sa straight pa sa hundred eighty yan dati." Kunot noo niyang tanong. 

 

"Naririnig kita Ning." Sagot naman nung nasa unahan. Hala.

 

"Totoo naman babe. Dati ang mo nga sakin." Wow may pa babe pang nalalaman. Pano nalang kung gising yung iba edi na bisto sila.

 

" ka din naman sakin." 

 

"Pero love mo na ko ngayon?" Ngisi ng katabi ko. Mga gago mag lalandian pa sa harap ko. Pero infairness ang cute nila. Di ko talaga ineexpect na may other side si Giselle na ganito. Ang dakilang queen bee ng school. 

 

"Tch." Hindi na siya sumagot kaya kinilig naman yung katabi ko. Parang tanga lang pero di nako magtataka kung alam ni Giselle. Magjowa nga naman sila ni Ning diba.

 

"Pero balik tayo sayo. Di nga talaga bang wala kang gagawin?" Nakapokus nanaman siya sakin.

 

"May magagawa ba ako?" 

 

"Ang weak neto." Nagcross arms lang siya at sumandal. 

 

"Hindi naman sa ganun ayoko lang irisk yung friendship." Nakakatakot kaya yung close na kayo tapos masisira at magiilangan dahil nagconfess yung isa.

 

"Help ka nga namin ni Gigi diba babe?" 

 

"Ning stop calling me that baka magising sila." Paninita ng shota niya. 

 

"Sorry so ano G na Gi." 

 

"I'm good kung saan mapapabuti si Winter." Sagot niya naman. Wow she's really really different dun sa nakasama ko sa inuman. Iba talaga pag na inlove. Pero di nga seryoso ang swerte ni Win na naging friends niya to.

 

"Game ano Rina?" 

 

"Ayoko." Pagtanggi ko. Kasi naman parang ang labo talaga. 

 

"Hmm so maspipiliin mong maging martyr?" Pagbubuntong hininga niya. 

 

"Okay nako kung masaya siya." Hindi na sumagot si Ning. Ilang sandali lang nakaramdam ako ng tap sa balikat ko kaya nilingon ko siya. Ang seryoso ng mukha niya. 

 

"You know may limit ang isang tao. Rina may hangganan ang pagiging tanga." Ngumiti siya sakin ng makahulugan. Parang pinapayohan niya ko at the same time sinasabing nasa likod ko lang siya. Alam ko naman yun. Gusto ko lang lasapin yung mga moments namin na magkasama. 

 

"If you don't want our help. Suit yourself but remember Winter has her feelings too. Kapag na attach siya sayo at dumating yung pagkakataon na nasa limit ka na masasaktan din siya. That girl keep her friends on an arms length pero ikaw iba ka sa kanya. Kung di mo kayang panindigan kaibigan namin kami makakalaban mo." Ang seryoso din ng pagkakasabi ni Giselle non. Sangayon ako sa sinabi niya. Si Winter na mismo ang nagsabi na special ako sa kanya pero bakit ganun nakakatakot pagsiya nagbabanta? 

 

"Gigi hwag mo namang ipressure si Rina." Awat ni Ning. 

 

"Just saying Ning." 

 

"Basta Rina lahat ng sobra nakakasama. If you hide your feelings for too long masakit diba? mabigat din sa pakiramdam. Masakit na mareject pero at least you tried. At least you have the affirmation para makapag move on. Iniisip mo yung friendship niyo when you yourself thinks of her more than that. I mean hwag kang tumanggi alam ko deep inside umaasa ka." Tama nga naman ang sinabi ni Ning. Am I really okay sa friendship lang?

 

"Habang maaga pa sort that feelings. Talk to her about it hindi naman judgemental si Winter. Hindi ko sinasabing ngayon dahil mas kailangan talaga niya ng kaibigan ngayon pero hwag mong patagalin sa puntong sasabog ka na. Masasaktan kayong dalawa dun sa outburst. Nagiiba ang tao pagnasobrahan sa sakit Rina. Minsan di naman masama magpaka selfish kung alam mong makakabuti sayo." Malumanay niyang sabi. Napangiti ako lahat ng sinabi nila may point. 

 

"Hmm I'll bear that in mind. Thank you Ning and Giselle." 

 

"No problem. Kaibigan ka narin namin. Tropa tayo dito." Siko niya sakin. Isa pa to mapanakit.

 

"Nga pala anong gagawin natin doon Gigi?" Pagiiba ng topic ni Ning. 

 

"Bukas na natin pagusapan. Di ko na rin pinagplanuhan. May atat kasi dito agad-agad nagdidisesyon ng di nagpapaalam." Pagpaparinig niya. 

 

"Malay ko bang papayag sila." Kibit balikat niyang sagot. LT rin tong magjowa nato. Nagbangayan lang sila hanggang sa may magising naring isa sa tatlo. 

 

"Anong meron?" Nagunat si Ryu sabay kusot ng mata at tumingin samin. 

 

"May nagaaway na magjo-" Di ko na natapos sasabihin ko dahil nakaramdam akong umapak sa paa ko. Gagong Ningning to masakit.

 

"Naguusap kami tungkol sa hayop." Sagot niya. Natawa ako pff. 

 

"Hayop? Anong hayop?" 

 

"May ostrich kasing nakawala nung nakaraan." Teka yun ba yung nagviral sa daan.

 

"Tapos?" 

 

"Kinatay ni Gigi." Pota tong si Ning HAHAHA.

 

"Pakyo ka di ako kumakain ng ostrich hindot." Sagot naman ni Giselle.

 

"Oo nga pala kalahi mo yun." Bawi ni Ning. Pinagtitripan talaga jowa niya kaya natawa na talaga ako. Long legs kasi to si Giselle tapos y. Alam mong may lahi kasi yung mata singkit din. She's half japanese sa pagkakaalam ko. Average height pero ang lakas ng dating. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺