Chapter 37

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Nakabalik na kami mula sa rest house nina Win. Ang usapan magkikita kami mamayang uwian at didiretso na kami pauwi sa amin. Kakatapos lang din ng quiz kaya lumabas nako ng room. Last sub ko na siguro magiintay nalang kay Win doon sa woods. Kanina ko pang lunch yun tinetext pero hindi parin nagrereply baka busy sa klase nila. Sakto namang nakita ko si Lucas magisang nagbabasa ng libro. Lalapit ba ako? Hmm pero parang ang awkward. Aalis na sana ako kaso bigla niya akong tinawag. 

 

"Rina." Nakangiti niyang tawag sakin. 

 

"Uhm hi Lucas." Medyo nahihiya kong sagot kasi naman hindi masyadong okay yung huli naming paguusap. 

 

"Great timing pwede magpaturo?" 

 

"Saan?" 

 

"Sa calculus kasi." Napakamot lang siya sa batok niya. 

 

"Ahh sure sure asan ba?" So ayun nga tinuruan ko siya. Matalino si Lucas pero dahil narin siguro sa hindi niya pagsipot sa mga klase kaya nabebehind siya. About lang naman sa identities yung tinanong niya kung anong pwede gamitin sa anong function. 

 

"Thank you Rina." Sincere niyang pagpapasalamat. Medyo namiss ko rin yung friendship namin. 

 

"Welcome sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong." 

 

"Yeah happy birthday nga pala." May inabot siya saking box. "Kala ko hindi ko na maibibigay to pero as expected pupunta ka dito." So ako pala rason kung bakit siya andito ngayon.

 

"hmm? Pano mo nalaman?" Inabot ko ito at tinignan. Mas hindi ko ineexpect na may matatanggap ako mula sa kanya. Hindi naman kasi ako active sa social media. Di rin kami friends dun.

 

"Secret." Ngumiti lang siya at nagsimula nang maglipit ng mga gamit. 

 

"Uhm thank you dito Lucas." Hindi ko alam anong sasabihin ko. 

 

"Your welcome. Ako nga dapat magpasalamat sayo. Oh siya mauna nako ah thank you ulit sa pagturo. May klase pa kasi ako. See you." Nagmamadali siyang umalis dahil tumunog na yung bell for next class. It seems like he's back to his old self. Ang sarap sa pakiramdam na makitang willing siyang magmove forward. Mukhang hindi ko na kailangang mabawasan ng kaibigan.

 

Saktong dumating naman si Ning with her specs and books. Kala mo talaga ang tinong babae eh.

 

"Oh bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" Mukha kasi siyang walang tulog yung isang ihip lang matutumba. Padabog siyang umupo sa harap ko at nilapag yung mga libro niya.

 

"Si Gigi kasi." 

 

"Oh anong meron kay Giselle?" 

 

"Nagaway nanaman kami." 

 

"Bakit?" 

 

"Dahil sa ka groupmate ko." Nakahalumbaba niyang sagot. 

 

"Selos parin siya dun?" 

 

"Oo sinabi ko nang wala namang namamagitan samin. Groupmate ko lang yun." 

 

"Baka naman super clingy nung lalake sayo?" Napaisip naman siya sa tanong ko. 

 

"Well he's indeed clingy pero iniiwasan ko naman." 

 

"hmm alam niya ba na kayo ni Gi?" 

 

"Hindi." 

 

"Did he gave you a motive na may something siya sayo?" Natigil ulit siya at nagisip bago tumango. 

 

"Ano naman ginawa mo?" 

 

"I told him I like someone else."

 

"Hindi mo sinabing taken ka?" 

 

"Hindi should I?" 

 

"Oo naman baka pagsinabi mong taken ka magbaback off siya." 

 

"I think malabo yan mangyari. May sinabi siyang habang hindi natatali sa kasal may pagasa." Pagbubuntong hininga niya. Mukhang may problema siyang kasama. Ayoko talaga sa mga persistent na kahit isang rejection o dalawa go parin. Yung tanga type o dense ba. In short ayoko sa kagaya ko.

 

"Why not be straight forward?" 

 

"I would like to pero ayoko kasing magka awkward kami dahil may project pa kaming ginagawa." Sabagay ang hirap makipag salamuha sa ganung sitwasyon. Knowing this girl acads din inuuna niya. 

 

"Edi after pero just do your best para umiwas and always mo lang ireassure si Gigi kasi sa tingin ko kahit ganun yun ka confident sa sarili may insecurities parin siya." 

 

"yeah what do you think I should do?" 

 

"Go take her out for dinner?" Ngumiti naman siya at tumango. 

 

"Okay  I'll do that thank you and happy birthday nga pala." May hinagis siya saking libro. 

 

"Asylum?" Mukhang pang horror yung cover. 

 

"Yeah it's good I heard you like mystery stuffs right." 

 

"Kanino mo nalaman?" 

 

"Sa ex mo." Kaswal niyang sagot. Napakunot naman noo ko kasi hindi ko alam kilala niya pala ex ko.

 

"We?" 

 

"Oo nga we used to be neighbors. Sa kanya ko rin nalaman na biual ka." Ayus din naman ng tadhana at konektado pa talaga sa ex kong yun tung babaeng to. 

 

"Hindi ko alam. uhm thanks for this babasahin ko next time." Mukhang maganda naman yung libro. 

 

"Now you know and welcome. Nga pala bakit ka pa andito? Sino hinihintay mo?" 

 

"Si Winter may usapan kaming uuwi kami samin ngayon." 

 

"Ha? Akala ko umuwi na yun nakita ko siya kanina nagmamadaling umalis hindi nga ako napansin." Nagtataka niyang sabi.

 

"Wala naman siyang sinabi hindi pa nga sumasagot sa mga text ko." 

 

"Try mo kayang tawagan." Tatawagan ko ba? Baka nasa klase pa yun. Napansin niyang nagdadalawang isip ako kaya yung phone niya binigay sakin. Siya narin nagdial ng number.

 

"Sige na." Gusto ko rin malaman kung asan si Win. Okay naman kami kanina ah. Bakit hindi man lang siya nagiwan ng text na may lakad pala siya. Tinanggap yung call pero cannot be reached.

 

"Ayaw sumagot." Tinawagan ko ulit pero out of coverage parin. Naka off ba phone nun?

 

"Baka lowbat?" 

 

"Siguro." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko magaalala o malulungkot kasi hindi man lang niya naisip sabihin sakin na aalis siya.

 

"Cheer up may rason naman siguro siya." Tinapik niya ako sa balikat. Oo nga hindi naman ganung klaseng babae si Win baka may emergency lang. 

 

"Hmm sige uuwi nalang ako sa condo. Pagnakita mo siya sabihin mo nalang doon ako magiintay ah." 

 

"Sure sure ingat ka Rina." 

 

"Thank you ulit dito Ning una nako." Pagpapaalam ko. Kumaway lang siya at ngumiti kaya umalis na nga ako. Chineck ko muna yung parking kung andun pa ba sasakyan ni Win pero wala nga. Siguro umuwi? o baka may binili lang. 

 

Nagcommute nako pabalik sa condo niya pero sinalubong ako ng katahimikan. Tanging si Yooji yung sumalubong sakin. Mukhang hindi rin na galaw yung mga gamit at wala rin yung bag niya. So hindi nga siya umuwi dito. Asan na kaya yung babaeng yun. 

 

Pumasok ako sa kwarto para magbihis at ayusing yung mga gamit ko. Iintayin ko nalang siya. Nagtext narin si mama kung anong oras kami uuwi sa bahay pero hindi ako makasagot kung kelan. Humiga nalang ako sa couch at sinimulang basahin yung librong binigay ni Ningning habang nakahiga sa lap ko si Yooji. Hindi ko na namalayan yung oras at nakatulog nako. 

 

Eksaktong six ng hapon tumunog yung sinet kong alarm. Mukhang hindi pa siya nakakabalik kasi ang dilim parin ng condo. Tinignan ko yung messages ko kung nagtext siya pero wala. Hindi naman pwedeng hindi ako uuwi kasi iniintay ako ng pamilya ko. Tinawagan ko siya ulit kaso di parin ma reach yung phone niya. Bigla akong nalungkot. Nagexpect kasi ako na sabay naming tatapusin yung birthday ko gaya ng pagsalubong namin kanina. Maybe that was too greedy for me. 

 

"Yooji uuwi na muna si mama ah. Paki hug nalang si mommy Winwin para sakin." Kiniss ko yung aso pati narin yung cute niyang mga tuta at nagiwan ng note sa table. Napabuntong hininga nalang ako na lumabas ng condo niya. Ewan parang ang bigat ng mga yapak ko. Parang gusto ko parin siyang intayin pero hindi na pwede dahil hanggang seven lang yung last trip sa pier. 

 

Magsisinungaling ako kung hindi ako disappointed ngayon pero malaki narin naman nagawa niya para sa araw na ito. I was planning on asking her to be officially mine today pero mukhang bulilyaso. 

 

 

...

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺