Chapter 27

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Karina's PoV

 

Napahiga ako sa couch matapos maibaba yung mga bag namin sa sahig. Nakaupo lang kami for almost five hours pero parang nakakapagod ng sobra. Tinignan ko yung kasama ko na nilalaro yung si Yooji. Nilagay na muna namin yung puppies sa isang kumpol ng towel dahil wala naman siyang lalagyan. Naalala ko tuloy nung inexplain niya ang pangalan ni Yooji. Sakin niya raw pinangalan dahil ako daw dahilan kung bakit siya napunta dun. Sinisi pa ako pero ang cute nga parang anak namin yung aso.

 

"Win anong gusto mong dinner?" Tanong ko habang nagsoscroll sa phone for update. Ngayon ko lang ulit machecheck kasi ngayon lang din binalik ni Giselle yung mga phones namin.

 

"Lalabas tayo diba." Sagot niya. Oo nga pala ngayon sila maguusap ni Lucas. Bakit ba kasi kailangan ko pang sumama? Sa pagtitingin ko sa notif nakita ko yung message ni Jae. Binigay ko pala yung number ko. Wala pa naman akong load di ako makakareply. Bukas ko nalang siya kakausapin kung magkikita kami.

 

"Alam ba niya na sasama ako?" Baka magulat yun may chaperon pang kasama. Parang pinatawag lang ng titser yung magulang naging guardian pa ako.

 

"Hindi." Simple niyang tugon. 

 

"Kayo na nga lang magusap magiibang table lang ako. Ayoko magmukhang third wheel para lang tanga." After nung nangyari kahapon narealize kong huli na para umatras. Hindi lang ako ang na aattach sa relasyon na to. Kahit iba yung love niya sakin ipagkakasya ko na yun. I can't want for more but at least I can stay by her side. Be someone she can run to kung kailangan niya ng makakausap. I realized I am important for her too and tama yung sinabi ni Giselle at Ning na masasaktan kami kung itatago ko kaya simula ngayon I'll express my love on my own way.

 

"Okay fine basta sasama ka." 

 

"Good magbihis ka na may tulo ka pa ng laway." Nguso ko sa bibig niya kaya nakatanggap nanaman ako ng hampas. Ayan nanaman siya.

 

"Mapanakit ka talaga." Reklamo ko habang hinihimas yung braso ko.

 

"Che magbihis ka narin aalis tayo ng seven." Umirap lang siya at pumasok na nga sa kwarto. Bumaba yung tingin ko sa aso. Nagtilt lang siya ng ulo na para bang hindi niya rin alam kung bakit ganun ugali ng amo niya. 

 

"Come." Binaba ko yung kamay ko at lumapit naman siya. Niligo namin to kanina kaya ang bango na. Buti nalang may aso sina Giselle dun kaya may mga dog food at shampoo. Binuhat ko siya ay tinignan sa mata. Nakatitig lang din siya sakin. I'm actually a cat person pero may aso din naman kami sa bahay. 

 

"Yooji bakit ganun mommy mo?" Tanong ko sa aso. She whimper and again nagtilt siya ng ulo. Ang cute talaga ng asong to.

 

"Di mo rin gets no? Maliligo muna si mama ah." Kiniss ko si Yooji dahil na kukyutan talaga ako bago siya binaba ulit. Naligo nako dahil feeling ko ang lagkit ng katawan ko. Tinignan ko yung oras six fourty five na pala. Nagmadali na akong magbihis. Pagkatapos ko ng lahat lumabas nako ng kwarto. Paglabas ko wala pa si Win.  Antagal talaga.

 

Simple lang soot ko. Kakain lang naman kami kay nagshorts lang ako tapos the usual hoodie. Sinuot ko rin yung glasses ko tapos naka bun lang yung buhok ko. Nagpabango nadin ng kaunti dahil public place yung kainan. Ready to go nako kaya naupo nalang ako sa couch habang nagiintay sa babaeng yun. Si Yooji andun sa mga babies niya natutulog. Napakain narin namin naman sila. 

 

Finally after five minutes lumabas narin siya. Bumungad sakin ang fresh na fresh na Winter. Yung shoulder length hair niya bagay na bagay sa kanya. Light make up, as usual yung unbottoned oversized flannel niya. Di naman halata na mahilg siya no. Simple lang din suot niya. Naka shorts at tank top. Maliit na sling bag and then naka white rubber shoes. To sum it up she look so pretty kahit sa simpleng damit.

 

"Oh nakatingin ka baka mahulog kana niyan ah." Pangaasar niya. Ngumisi naman ako. Gago di mo pa sinabi hulog na.

 

"Duh but yeah you look great. Para sa isang taong maykikipagusap sa ex para tapusin ang lahat nice choice." Tumango-tango lang ako at nagthumbs up.

 

"Dapat lang na di ako masyadong nagprepare. Baka isipin niya pang ganun siya ka importante. No way." Mataray niyang sagot. Well this is Winter. Tumayo nako at sinuot yung sapatos ko. 

 

"Arat kanina pa ako nagiintay magseseven na." Nauna na ako sa pinto. Sumunod naman siya. 

 

"Yooji we'll be back be a good girl okay?" Bilin niya sa aso. Ewan ko lang kung maiintindihan niya yun pero mukhang matalinong aso naman si Yooji. Lumabas na kami ng condo at nagtungo sa parking lot. 

 

"Hindi ka naman kinakabahan?" Tanong ko nung nakapasok na kami sa kotse niya. 

 

"Siyempre kinakabahan." Sagot niya at pinaandar na yung sasakyan. Nasimula na siyang magdrive. Ang cute niya pala tignan ng nakadrive. 

 

"How do you think he'll receive my decision?" Bigla niyang tanong. Napaisip ako.

 

"Hindi niya yun tatanggapin. Worst luluhod pa yun sa harap mo." Knowing Lucas I can picture out na gagawin niya lahat di lang mawala si Winter. Well kung hindi lang siya nagpakagago edi sana sila parin ngayon. 

 

"Pano kung lumuhod nga siya?" 

 

"Aba ewan ko sayo. Kung marupok ka baka bumigay ka nga." Hindi na siya sumagot pero halatang mas lalo siyang kinabahan. 

 

"Don't worry if you need me andun naman ako. Just give me a sign." Pagpapakalma ko sa kanya dahil halata talaga sa mukha niyang di niya alam yung gagawin.

 

"Thank you Minmin." She smiled kaya panay kabog nanaman yung puso ko. Hindi nako sumagot at nagpatuloy lang siya sa pagdadrive. Not less than ten minutes nakarating kami dun sa restaurant na pagkakainan namin. Pinark na niya yung sasakyan.

 

"Mauna ka na lumabas. Susunod nalang ako." Sabi ko at bumaba na. Lumanghap muna siya ng hangin bago nagbuntong hininga. Bumaba narin siya at nilock yung sasakyan. 

 

"Kaya mo yan." Tinapik ko siya dahil mukha na talaga siyang natatae na parang ewan. Tumingin lang siya sakin na parang batang di alam yung gagawin. Kahapon lang sobrang disidido niya na eh. 

 

"Hug?" Inopen ko yung dalawa kong kamay. Hindi na siya sumagot at agad na yumakap sakin. Sabi niya kumakalma siya kapag kasama ako kaya might as well gampanan ko yung role ko. Isang minuto rin siguro bago siya tuluyang kumalma at humiwalay. This time okay na yung expression niya. 

 

"Thank you again Minmin. Di ko talaga alam gagawin ko kung wala ka." 

 

"Gaga umayos ka pasok na." Ngumuso ako dun sa entrance. Tumango naman siya. She's having that Winter's face kaya medyo natawa ako. Nabaliw na nga yata ako sa kanya at maging yung maldita niyang side na kukyutan nako. Naglakad na nga siya papasok. Tumingin ako sa relo ko. Pumasok lang ako after five minutes. Palihim kong hinanap kung saan sila nakapwesto buti nalang nakatalikod si Lucas sa direksyon ko kaya success yung pagupo ko sa table na katabi lang nila. Bale nakatalikod ako kay Lucas. 

 

May lumapit na waiter kaya nagorder nako. Nakakagutom rin kaya seven nadin. Sa tingin ko nagorder na si Lucas para sa kanilang dalawa. Sinuot ko yung dalawa kong earphones tapos nilabas ko yung phone ko para naman hindi masyadong halata na nakikinig ako no.

 

"Thank you sa pagpayag na makausap ako Winter." Bakas ko sa boses ni Lucas na masaya siya. 

 

"I just want to hear the whole thing nothing more Lucas." Cold na tugon ni Win. Dumating na yata yung order nila and thankfully sumunod yung akin.

 

"Let's eat first. Inorder ko yung paborito mo." Nakikinig lang ako. 

 

"Thanks." Tipid niyang sagot. Iba talaga vibes ni Winter pagganito siya. Noon hindi ako natatakot sa paganito-ganito niya. Pano ko nagawa yun? 

Kumain nalang muna ako dahil kanina pa ako gutom. Kumakain lang din sila habang si Lucas kinakamusta si Winter habang yung isa naman ang titipid ng mga sagot. Busy ako sa pagkain dahil masarap yung chicken. 

 

"Stop asking me stuffs like how I am. Sa tingin mo magiging okay ako dun sa ginawa mo?" Nakarini

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺