Chapter 15

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Pinark na ni Win yung sasakyan niya. Sabay na kaming pumasok wala din naman masyadong ganap ngayon dahil busy ang lahat sa Udays. No class din para maka focus ang lahat sa praktis. Pupunta ako sa USG dahil need ang mga volunteers para sa ibang decoration for Monday. Uuwi kasi ang ibang officers this weekend.

 

"Saan ka ngayon?" Tanong ng katabi ko. 

 

"Office. Ikaw? Wala ka bang praktis?" 

 

"Hmm mamaya pang nine. Seven pa kaya ang aga mong mangising." 

 

"Malay ko bang sira pala yung relo ko." 

 

"Tara na nga pupuntahan ko nalang sila Giselle." Pareho kaming lumabas na ng sasakyan niya. 

 

"Ayaw mong makigpagusap kay Lucas?" 

 

"Not yet lalapit naman yun kung trip niya nang manuyo." 

 

"Pabebe ka rin eh." Nilock na niya yung car kaya nagsimula na kaming maglakad papunta sa pupuntahan namin. If I were right, sa cafeteria ang daan niya kaya same direction lang kami.

 

"This time kasalanan niya." 

 

"Well relasyon niyo yan. Bahala kayo." Habang naglalakad may biglang tumawag sakin mula sa likod.

 

"Rina!" Sabay naming nilingon ni Win kung sino. Si Jae pala.

 

"Uy Jae Good morning." Bati ko sa kanya. Nung nasa harap na namin siya ang lapad ng ngiti. Si Win naman poker face lang.

 

"Good morning at sayo din insan." 

 

"Morning aga-aga pawisan ka. Ano meron?" Tanong ni Win sa kanya. Oo nga, naka sports attire. Tadtad ng pawis yung mukha at hinihingal.

 

"May morning practice kami sa soccer team. Cheer niyo naman ako same department tayo ah." Ay hala oo nga pala. Hanep din tong magpinsan na to ang tatalented. Si Win sa cheerleading si Jae naman sa sports. Ang alam ko si Lucas nasa basketball din eh. Representative sila ng college namin. Nakakaproud na somehow maykaibigan akong ganito at the same time nakaka out of place. Though I know may talent din ako pero di ako ganun ka confident.

 

"Kailan ba laro niyo?" Tanong ko.

 

"Monday after ng opening." 

 

"Eh yun yung oras na magsisimula ang cheerdance." Sagot naman ng katabi ko. Oo nga naman. 

 

"Sayang ikaw nalang manood Rina. I promise mananalo kami pagmanonood ka." Ngumiti siya ng matamis. Alam niyo yung hopeful na ngiti. Cute din ng lalaking to kaso sorry one crush at a time eh. Pero why not take on his offer? 

 

"Manonood si Minmin samin." Putol ni Win. Maysinabi ba akong ganun?

 

"Really?" Sumimangot si Jae.

 

"Uhm I'll try to go at panoorin ka." Ngumiti ako. Wala namang masama kung pupunta ako since I am thinking of redirecting this so called attraction. Naramdaman kong may kumurot sa tagiliran ko. Iinda na sana ako nung magsalita ulit si Jae. Ang lapad ng ngiti eh. 

 

"Thank you soooo much Rina. I promise pagdadating ka di mo pagsisisihan." Siniko ko yung kumurot sakin ng palihim. Gago ang sakit.

 

"Yeah no pressure pagigihan mo ang pagsasanay. Sige na tinatawag ka na ng coach niyo." Tinuro ko yung malaking lalaking nakatingin sa direksyon namin. Nilingon naman ni Jae.

 

"Oo nga. Sige see you on monday." bumalik na siya sa direksyon papuntang field.

 

"Tsk." Padabog na naunag maglakad si Win nung wala na sa harap namin si Jae. Agad ko naman siyang sinundan.

 

"Oh anong pinuputok ng nguso mo diyan." 

 

"Landi niyo." komento niya at nagcross arms. Natawa ako.

 

"Nagaway lang kayo ng bf mo nakalimutan mo nang hayop din kayo magharutan." Balik ko.

 

"Magjowa naman kami. Kayo may label ba?" 

 

"Magjowa lang ba ang may karapatang mag landian? Isa pa malay mo magkatuluyan kami." Hindi ko naman talaga minimean yung sinabi ko. Ginagatungan ko lang siya. Sarap niyang inisin eh.

 

"So gusto mo nga siya." 

 

"bakit parang ayaw mo sakin para sa pinsan mo?" Pagtataka ko.

 

"Wala lang. Pero di nga gusto mo siya?" hmm ang labo niya sumagot.

 

"Pano kung sabihin kong oo? Ilalakad mo ako?"

 

"Dipende." Napatigil ako dun sa sagot niya. Awts pinapamigay nako ng crush ko.

 

"Bakit dipende?"

 

"Kung makikita kong bagay kayo why not." 

 

"Yiee so okay lang sayo magkatuluyan kami?" Di ko gusto si Jae sa ganung aspect.

 

"Yeah mabait naman yun kahit uhugin minsan." 

 

"Hmm sige lakad mo ako." Siya naman yung napatigil.

 

"So gusto mo nga?" 

 

"Ikaw na nagsabi na mabait pinsan mo. Why not?" Hindi siya sumagot at tumitig lang sakin.

 

"Ano?" Nakakakonsyus yung tinging niya.

 

"Wala ewan ko sayo." Nauna nanamang naglakad. Bipolar talaga si snowball. 

 

"oh saan ka pupunta?" Hindi yun yung papunta sa cafeteria.

 

"Pupuntahan si Lucas." 

 

"Akala ko ba magpapabebe ka?" Pagbibiro ko.

 

"May kukunin ako nasa kanya. Samahan mo muna ko" Pinulupot niya yung kamay niya sa braso ko. Ayan nanaman ang clingy side niya. Di ko naman siya nakikitang ganito kina Giselle.

 

"Bakit kasali pa ako?" Kunot noo kong tanong. Kaharap ko na yung office eh. 

 

"I don't want to go alone. Baka bumigay ako at halikan siya." Ramdam ko yung lungkot sa boses niya. Alam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺