Chapter 6

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Napakasalaula talaga nang Kim na yun. Hanep at nanonood pala siya ng bago niya pinahiram sakin yung laptop. Kaya pala masama talaga pakiramdam ko sa mga ngiti niya kasi may binabalak pala. Tawa lang siya ng tawa sa reaksyon ko. Nakakainis buti nalang talaga tumulong siya sa paggawa ng proj kundi lumayas nako. Ang bastos eh.

 

Sabado na po ngayon at nakauwi na ako samin. Kung gusto niyo malaman kung anong nangyari kahapon? tinulugan lang naman ako ng manyak na babaeng yun. Pero malapit nadin naman matapos yun kaya pinabayaan ko nalang siya at umuwi nalang ako. Gagawin namin ulit yun bukas pagbalik ko galing dito samin.

 

"Jimin saan ka pupunta at bihis na bihis ka?" Tanong ni mama na nanonood ng tv. 

 

"Ma kakain kami sa labas kasama nila ate bear umuwi kasi si ate Wan." Sagot ko sa kanya bago nagsuklay at tumingin sa salamin. Di ako mahilig sa make up kaya di ako naglalagay. 

 

"Ah oo nga no. Ingat kayo." Nagkiss lang ako sa cheek niya at kumuha ng pamasahe. 

 

"Bye ma." Lumabas na ako ng bahay. 

 

"Huwag papagabi!" Habol niyang bilin.


 

"Opo!" Sagot ko naman kahit alam kong magagabihan talaga kami. Napansin kong nag vibrate yung phone ko kaya tinignan ko kung sino. Si ate Irene nagtext andun na daw siya sa terminal. Si ate Seulgi wala na akong pagasang dadating yun on time. Palagi naman yung late. May isa pang message galing sa unregistered number.


 

'Ano oras ka babalik bukas?' 

 

'Sino to?'

 

'Ako to si Natoy na mahal na mahal ka' Tangina. Sinong bobo ang nangtitrip sakin.

 

'Magpapakilala ka o iboblock kita?'

 

'Sungit. Ako to si Winter' Napataas naman kilay ko nung mabasa ang text niya.

 

'Paano mo nalaman number ko?'

 

'Kay Yeri. So ano oras ka nga bukas?' Si Yerms? close ba sila nun?

 

'Mga three parin siguro. Bakit?'

 

'May lakad ako bukas ng gabi. Bilisan natin tong tapusin.'

 

'Ha? di ba pwedeng sa susunod na yang lakad mo?'

 

'Tumanggi na ako kahapon. Wag kang paimportante at agahan mo nalang.' Parang naririnig ko yung mataray niyang boses. Nakalimutan ko pagkamaldita niya.

 

'Fine. Ano oras ba?'

 

'Basta maaga.' 

 

'Labo mo kausap.' 

 

 

'Whatever basta agahan mo.'

 

 

Hindi na ako nagreply dahil pumara na ako ng masasakyan. Dumiretso ako ng terminal para sunduin best friend ko sabay na kami pupunta sa kakainan namin. 

 

"Asan na sila? Kala ko ba usapan alas dos mag aalas tres na." Reklamo niya. 

 

"Alam mo naman yun. Kailangan yung oras pa magadjust para sa kanila." Tatawa-tawa kong sabi. Pakilala ko lang isa sa mga best friends ko slash ate. She's Irene Bae and third year na taking pharmacy as a course at malayo school nila ng cousin ko na si Seulgi sa akin. Magjowa nga pala sila nung dakila kong pinsan and almost three years na po sila.

 

Nagusap lang kami tungkol sa kung ano-anong bagay at catch up nadin sa mga namiss namin. Nakwento ko narin sa kanya tungkol sa unusual happenings sa buhay ko. Ang about kay Winter. Iniinis nga ako na baka kami magkatuluyan. Di ko ugali sumira ng relasyon no. Isa pa bakit palagi nila nililink sakin yung tao.

 

"Pero di nga. Kung di mo nga inaasan na mababawasan yung hate mo sa kanya. Malay mo ma fall ka." Tukso niya sakin at ngumiti. 

 

"Tsk wag na. Mafall na ako sa iba huwag lang sa straight." Nakapanghalumbaba kong sagot.

 

"Edi balikuin mo." 

 

"Parang ang dali naman nun? May bf yung tao tigilan mo ko te." 

 

Nagpatuloy lang kwentuhan namin hanggang sa dumating na nga yung iba. Napaisip ako dun sa sinabi niya. Kahapon lang ang tindi ng hate ko sa babaeng yun pero bakit ganun nung nagkausap kami parang nabawasan? maldita parin naman siya. Still the same prankster pero parang naiba tingin ko sa kanya. Wala naman siyang ginawa pero yun nga wala siyang ginawa. Nakakapanibago lang kasi akala ko talaga malilintikan ako. Maliban dun sa small prank niya wala naman siyang ginawang kagaguhan sakin.

 

Maybe di talaga siya gaya ng sabi nila? Baka nga hinusgahan ko siya agad. Eh sa yun din nga kasi nakikita ko pero not knowing the real reason. Maybe may pinagdaanan siya kaya naging ganun siya ka possessive. I don't know but I want to know. Ewan wala naman akong pake sa kanya dati dahil nga naiinis ako sa kanya pero now... feel ko may nagbago.

 

Di ko namamalayan siya na pala laman ng utak ko kahit kasama ko barkada ko. Aish.


 

...


 

Winter's PoV


 

Nagising akong may nakapatong na familiar na jacket sa balikat ko. I know who's the owner. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid pero wala na siya. I checked the time and it's already seven in the morning. Ang dami ding missed calls and texts from Lucas. Naalala ko tuloy yung pagsisinungaling niya kahapon kaya nainis ako. 

 

Puro lang naman sorry yung text niya at sumagot raw ako sa mga tawag niya. Bahala siya diyan manigas. I can understand naman kung ipapaintindi niya sakin gaya ng ginawa ni Karina kahapon. Problema kasi tinatago niya parati kaya di ko maiwasan magisip ng masama. Hindi ko naman ugali mangaway kung hindi ka duda duda. Speaking of Ms. Yoo, may nakita akong sticky note na nakadikit sa mesa. 

 

Tinulugan mo pa ko. Uuwi ako samin ngayon. Bukas na natin taposin ang project pagbalik ko at paki tago nalang ng jacket. 

 -Your beautiful groupmate.


 

Napangiti ako sa handw

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺