Chapter 41

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's PoV

 

Kakarating lang ng dalawang babaita galing cr and seeing them still together after all these years makes me feel jealous. I mean ang cute kaya. Even Ningning and Gigi made it far. Nakakaout of place minsan pag nakikita ko sila. Naaalala ko kasi yung babaeng yun. Well let's not think about her. Maybe next time dahil baka humaba pa to ng humaba.

 

Nasa club kami ngayon to hangout. Chill lang naman na inom kasi may work ako bukas. First day ko pa naman tapos papasok ako ng may hangover. Nakakahiya kay tito at dun sa makakatrabaho ko.

 

"Bes is that Karina?" May tinuro si Ning sa direksyon ng exit. Agad naman akong napalingon doon pero wala naman akong nakita. I will know even if anino niya yata. 

 

"Yieee" Sabay nilang pangiinis nung lumingon nga ako. Ugh. 

 

"Alam na." Panggagatong ni Ryu.

 

"Tangina niyo talaga." Nilabas ko yung middle finger ko. 

 

"Ayaw mo pa kasi aminin eh." Isa pa to si Lia. Napairap nalang ako. Mga isip nila eh.

 

"Pero di nga girls parang si Karina talaga yung nakita ko." Pagtataka ni Ning. Wee?

 

"Bakit naman yung pupunta dito?" 

 

"I don't know pero siya yata yun. Though that girl is really hot." Dagdag niya pa. Kumunot naman noo ko sa sinabi niya. 

 

"Gi yung jowa mo oh." Subong ni Lia. 

 

"Hmm pero that's not impossible." Sagot ni Giselle kaya napatangin kaming lahat sa kanya. 

 

"What do you mean?" tanong ko.

 

"Karina works within the city." 

 

 

...

 

 

Karina's PoV

 

 

"Huy Yuji kanina ka pa nakatulala diyan. Nainlove ka na ba sa pader?" Kinaway-kaway ni Yeji yung kamay niya sa harap ko. Di parin talaga ako makamove on sa nakita ko kagabi. Halos di nga ako makatulog. Ayun tuloy late akong nagising at nakapasok. 

 

After kong makita ulit si Winter dun sa club. I excused myself na mauuna nang umuwi. Hindi ko alam kung bakit. I just want to go. Parang naduduwag ako. Hello? six years na din mula nung huli naming pagkikita at ni hindi nga ako nagpaalam ng personal. Tanging yung sulat lang ang iniwan ko kay tita. I hate to admit it pero natatakot ako sa irereact niya pagnagkita kami ulit. Mukhang okay na naman siya. Maybe nakamove on na siya sa tagal ba naman nun. Maslalo rin siyang gumanda. Bagay sa kanya yung blonde-

 

"Earth to Yuji~" Malakas na bulong ng katabi ko. Agad naman akong napalayo sa kanya. Shuta.

 

"Yeji ano ba." Saway ko at hinawakan yung taenga. 

 

"Gaga kanina pa ako tawag ng tawag sayo di ka man lang sumasagot." Nagcross arms lang siya at naupo sa couch. Nasa lobby kasi kami ng firm. Di ko nga napansin ubos na pala yung americano na binili ko. 

 

"Ohh masarap naman yung ice?" Pansin niya pa. Hays. 

 

"Yej." Tawag ko.

 

"Yes?" 

 

"Paano kung makita ko ulit yung naudlot kong pagibig ano sa tingin mong dapat kong gawin?" 

 

"You mean that girl?" Tumango ako bilang sagot. Napaisip siya pero titig na titig parin sakin.

 

"Wait may hindi ka sinasabi sakin." Pangungusisa niya kaya ayun back to story telling nanaman ako. After kong magexplain mula sa nangyari kagabi hanggang sa paggising ko ng late bigla nalang siya napatayo. Kala ko nga kung anong meron.

 

"Yuji that's it. Sign na yan." 

 

"Ng alin?" 

 

"Magkakalove life ka na." Emosyonal niyang tinapik yung balikat ko. Hayp. 

 

"Seryoso nga." Pagbubuntong hininga ko. Tumabi ulit siya sakin bago umakbay. 

 

"Ganito nalang pagnagkita kayo ulit ngayong araw take it as a sign na you need to take that girl back." Kumunot noo ko sa suggestion niya. Ang labo talaga mag advice nito. Puro dinadaan sa sign eh. Pati nga yata pagdedesisyon niya sa buhay ganun din.

 

"Paano kung mag jowa na pala siya? What if galit siya sakin? What if ayaw niya akong maka-" Tinakpan niya bigla yung bibig ko gamit ng hintuturo niya. 

 

"Shhh stop being nega. Di mo pa nga natatanong." 

 

"Okay fine pero paano kung hindi ko siya makita ngayon?" 

 

"Edi magmove on ka. Benta kita sa pinsan kong maganda." Kumindat lang siya. Wala talaga kwenta to kausap. 

 

"Ewan ko sayo Yej. Bahala ka diyan." Tumayo nako para magtungo sa office ni sir. Malapit na din matapos break ko isang minuto na lang. 

 

"Basta yung sinabi ko Yuji yung sign!" Pahabol niya pa. Kumaway lang ako ng hindi lumilingon.

 

Nagtungo nga ako sa opisina ni sir at kumatok ulit bago pumasok. Kaso biglang tumigil yung mundo ko. . Bakit ang galing ng timing ni universe ngayon. Six years ago ang sama niya sakin. Kausap ni sir ang nagiisang babaeng di ko makalimutan. Napukaw ang atensyon nila nung buksan ko ang pinto. Mula sa paglingon niya sa direksyon ko hanggang sa pagsilay ng kanyang mga ngiti. 

 

"Oh Engr. Yoo pasok ka." Bati sakin ni sir. Okay Jimin inhale exhale be professional. Nilunok ko yung kaba ko at pumasok na nga. On all places bakit dito pa. Kanina lang siya yung pinaguusapan namin. Bakit nga ba hindi ko naisip na itanong kay sir yung pangalan ng makaktrabaho ko nung una pa lang. Sinubukan kong gamitin yung poker face ko. Ayoko naman magmukhang tanga. 

 

"Yes sir?" 

 

"I want you to meet Arch. Winter Kim siya ang makakasama mo sa bagong project." Nakangiti lang si sir na pinakilala sakin ang babaeng matagal ko nang kilala. Winter turned to me and smiled. Oh God. Inabot niya yung kamay niya.

 

"Hi long time no see Karina. Didn't know you work here." Kalmado lang yung pagkakasabi niya. I guess ako lang talaga yung naiwan sa nakaraan. Nakipagkamay ako.

 

"Long time no see din." I smiled. I'm glad she made it. Alam ko namang kaya niya eh. To see this successful woman in front of me parang masasabi ko na sa sarili ko na I made the right decision. 

 

"Magkakilala pala kayo?" Pagtataka ni sir habang nakangiti parin samin. Binitawan ko na yung kamay niya. 

 

"Yeah we used to be schoolmate for a year bago ako lumipat dun sa university namin ni Yeji." Ako na ang sumagot. 

 

"That's great. Ibig sabihin mas magiging smooth yung trabaho niyo."

 

"Hopefully" Nakangiti lang siya. Ngayon na mas malapitan ko siyang nakikita, I can clearly see na mas lalo siyang gumanda. She looks more matured, very different sa party girl na kilala ko.  

 

"Very well here is the files. You can contact the client and ask for the specification of the design she wants." Inabot niya sakin yung folder. 

 

"Thanks sir." 

 

"Hmm and for the welcome party of Architect Kim we can do that after work." Pansin ko ang extra gentle ni sir kay Winter. 

 

"Thanks tito. See you later then." Lumawak lang yung ngiti niya bago binaling ito sakin. Eh? So tito niya si sir?

 

"No problem. Karina pwede mo ba siyang dalhin sa magiging office niya?" 

 

"No problem sir. Architect Kim." Sinenyasan ko siyang sumunod lang. Paglabas namin ng office agad kong napansin si Yeji na may pilyang ngiti. Pota talaga alam niya pala. Kaya niya siguro sinabi yung kanina. Palihim ko siyang sinamaan ng tingin bago nagtungo sa office ni Winter. Pumasok na kami sa loob. Actually maganda yung office. Nagretire na kasi yung dating head architect namin kaya bakante yung posisyon.

 

"This will be your new office. You can call me kung may kailangan ka. Nasa kabilang office lang ako- Then... uhm I'll get going." Na awkward ako nung biglang siyang tumitig sakin. Er. Tatalikod na sana ako at aalis kaso.

 

"Wait." Tawag niya. Okay inahle exhale Karina Yoo. Be professional. 

 

"Yes?" Lumingon ulit ako ng kalmado lang. Baka ano pa isipin nito. Kaso di ko ineexpect yung sunod na sasabihin niya.

 

"Mas lalo kang gumanda." Ngumiti lang siya yung genuine na ngiti. Yung ngiting namiss ko. Yung ngiting hinanap-hanap ko. Yung ngiting nagp

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺