Chapter 30

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Napaangat ako ng ulo sa mga kasama ko. Ayun tulog at alam niyo kung saan kami natulog? Sa service van lang naman. Ending hindi ako nakatulog kasi andaming lamok. Buti pa si Yuna hilik na hilik halatang lalim na ng tulog eh. Bakit kami dito natulog? Di ko rin alam tinamad na lumipat ng bahay na pwede tuluyan. 

 

Unti-unti nang lumiliwanag sa labas kaya lumabas nako. Ang daming ganap kagabi masaya naman kasi nakasama ko sila kaso muntik na kami mahuli ng patrol car. Ewan natatawa ako nung maalala ko pinaggagawa namin. Isang bajaj tricycle nagkasya kaming siyam diba ang saya. Tapos mga nakainom pa kaya ang ingay namin. Mga madaling araw narin ng makarating kami dito. Daming paputok at ang ganda nung fireworks display nila. Nalowbat rin ako kaya di ko na nacheck kung may message ba si Win. 

 

"Uy nakatulog ka?" Bungad sakin ni Heejin.

 

"Hindi eh ang ingay ni Yuna matulog." Reklamo ko. 

 

"Oo nga gisingin na natin sila gusto ko na umuwi." So ayun nga ginising namin sila. Buti pa yung natulog sa isang sasakyan mukhang himbing na himbing. 

 

"Uy Jun gising aalis na tayo." Sabay yugyog ko kay Renjun. Pinuntahan ko yung pinsan ko sa front seat at mukhang gising na silang dalawa ni ate Irene.

 

"Musta tulog niyo?" Bungad ko sa kanila. 

 

"Sinong natulog?" Balik niya ng tanong kaya natawa ako. Okay na di lang ako yung napuyat. Nung magising na lahat nagdisisyon na ang ilan na umuwi sa kanya-kanya nilang apartment at bahay. Kumain muna kami sa Jollibee para mawala-wala yung lutang namin dahil nga kulang sa tulog. Uuwi na din sila at ako wala naman akong bahay dito kaya chineck ko na yung phone kong chinarge ko. Pagkaopen palang kita na agad yung mga missed calls at texts ni Win.


 

'Hey where are you?' 

'It's boring talking to my cousins.'

'Jimin saan ka matutulog?' 

'Uy magreply ka.'

'Karina Yoo'

'Di ka talaga magrereply?'

'Bakit naka off yung phone mo?'

'Lowbat ka ba?'

'Call me when you read this message.'


 

Napangiti ako dun parang naririnig ko yung boses niya sa mga text. Agad kong dinial yung number niya. For sure mukha akong sabog ngayon gusto ko na maligo kaso nakailang ring din bago sumagot.

 

'What?' Masungit niyang sagot halata talagang bagong gising.

 

"Good morning snowball." Bungad ko. 

 

'Jimin?' 

 

"Sino pa ba? Sabi mo tawagan ka pagnabasa ko yung text mo. Sorry nalowbat ako kagabi." Nakaramdam ako ng mga tingin sakin kaya nilingon ko yung mga kasama ko. Maypangaasar sa mga ngiti nila.

 

'Where did you sleep?'

 

"Di ako natulog." 

 

'HA? Bakit?'


 

"Long story asan ka? Paligo naman sa inyo." Kakapalan ko na mukha ko kasi di ko na talaga feel yung katawan ko.

 

'I'll ask Ningning to get you. Kagigising ko lang. Asan ka ba?' Halata kong may inis sa tono ng pananalita niya. 

 

"Jollibee yung malapit sa mall." 

 

'okay wait for ten minutes.' 

 

"Okay thanks Win." Ibababa ko na sana yung tawag nung magsalita ulit siya.

 

'By the way good morning.' Aw ang cute.

 

"Hmm see you there." 

 

'Yeah kumain ka na ba?'

 

"Yup." 


 

'Good pupuntahan ko lang si Ning. See you.' at siya na nga ang bumaba nung tawag. Hindi ko namalayang nakangiti pala ako sa buong phone call namin.

 

"Lapad ng ngiti ah." komento ng pinsan ko.

 

"Inlab." Sagot ni ate Tricia. Silang tatlo lang yung kasama ko kumain kasi nagsiuwian na yung iba. Si Minju na katabi ko tinapik ako sa balikat.

 

"Naka move on ka na pala sa ex mo." Nung namention niya yung ex tsaka ko lang naalala na oo nga may ex ako na dati ko ring barkada. Dati kasi nung senior high kami lima kaming parating magkasama. Isa sa kanila ang ex ko pero nung naghiwalay kami medyo nahati na yung grupo. Isa si Minju na nakasaksi mula nung nagjowa kami hanggang naghiwalay. Musta na kaya yun? Kahit na medyo hindi good yung ending namin marami din naman akong natutunan sa babaeng yun. Sayang yung friendship pero after graduation wala na talaga akong balita sa kanya.

 

"Yeah musta naman yun?" 

 

"Panget parin." Sagot niya kaya natawa ako. Nasabi ko na ba na si Minju ay ex din ng ex ko? pero mas nauna siya. Ang weird nga ng past relationships ko kasi yung isa ko pang ex naging sila ni Minju. Exchange nga yung tawag namin dati. 

 

"Gago ka talaga."

 

"Yup but speaking of you. Sino yan? pakilala mo naman samin." Panguusisa niya. 

 

"Next time pakilala ko sa inyo pero walang kami ah." baka kasi ano pa isipin neto.

 

"Ay weak." Komento pa ng pinsan ko sabay nag thumbs down.

 

"Che straight kasi yun well uhm dati?" 

 

"So di na ngayon? Yun naman pala may chance ka na." Pagpupush sakin ng best friend ko. 

 

"Kakabreak lang dun sa ex niya two months palang noh." 

 

"Eh ano naman? May iba nga one week lang may bago na." Dagdag pa ni ate bear. Tumango-tango naman si Minju. Sabagay totoo din dami maharot ngayon.


 

"Kaibigan ko din kasi yung lalake. Respeto ko nalang." Pageexplain ko.

 

"Maganda ba?" Tanong naman ni Min.

 

"Oo naman wala akong ex na panget." Nasabi ko kaya tumawa siya.

 

"Yung ex natin?" Gago talaga HAHAHA. Maganda din naman kasi yung ex 'namin' cute din ngumiti tsaka may dimples din. Sabi ko sa inyo attracted ako sa mga taong cute magsmile. Yung nakakabuo ng araw yung mga ngiti. 

 

"Speaking of maganda, Rina may kumakaway sa direksyon natin." Tinuro ni insan ang isang itim na sasakyan at sa loob tanaw ko si Ning nakangiti samin habang kumakaway.

 

"Yan na yung sundo ko." 

 

"Siya ba yan? Ang cute nga bhie." Nabakla ata kay Ningning si ate Seulgi. 

 

"Hindi best friend niya yan. Isa pa may jowa na yan hala ate Bunny oh yung jowa mo." pagsusumbong ko sa kasintahan niya. 

 

"Nagcompliment lang eh" Simangot niya kaya natawa ako. 

 

"Ang ganda niya nga." Pagsangayon naman ni ate Irene kaya napamaang yung mukha ko. Na pikot yata sa mala pusang beauty ni Ningning. Wala akong mapapala dito kaya nagpaalam nako sa kanila bago lumapit kay Yizhuo na blooming na blooming ang dating. Binuksan ko na yung sasakyan at pumasok. Pagkasara ko ng pinto saka lang siya nagsalita.

 

"Gandang umaga!" Ngiti niya. 

 

"Good mood ah maganda performance?" pangaasar ko. 

 

"Better than A plus. Iba talaga pagdancer yung jowa." Tangina to at nagkagat labi pa. Magbest friend nga sila ni Winter. First nung nakilala ko siya mahinhin eh pero ngayon na mas naging close kami binabawi ko na.

 

"Ano nga pala ginagawa niyo dito?" Pagiiba ko ng topic dahil mukhang kalaswaan lang ishashare niya. 

 

"Tita invited us to celebrate." Sagot niya at nagsimula ng magdrive.

 

"Mommy ni Win?"

 

"Yup and maybe we can start planning for your grand confession." Ayan nanaman siya sa plano niya. Sabi na eh may hidden agenda to.

 

"Ano ba maisusuggest mo?" 

 

"Pinagisipan ko y

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺