Chapter 26

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's PoV

 

I woke up with a very very painful headache. My God ganun ba ako ka lasing kagabi? Feeling ko bloated yung mukha ko sa kakaiyak. Wala nakong maalala after ng seventh shot. Ang lakas naman kasi ng pinili nilang inumin. Napaupo nalang ako habang hawak parin ulo kong feeling ko talaga mahahati na sa dalawa.

 

"Yo good morning madam! Ay mali tanghali na pala." Bumukas yung pinto at bumungad sakin ang nakangiting Ryujin. Mukha siyang dinaanan ng bagyo. Ang gulo ng buhok. Sino kaya nakarambulan nito. 

 

"Walang maganda sa morning." Inis kong sagot. Ang sakit nga ng ulo ko. 

 

"Aga-aga nakasimangot ka. Oh eto gamot." Nilapag niya sa side table yung tubig at pain reliever. Kumunot noo ko at tumingin ulit sa kanya. Tapos ginala ko yung paningin ko sa kabilang kama wala si Jimin. Asan nanaman kaya yun.

 

"Kung hinahanap mo si Rina ayun pinagluto kaming lahat ng mainit na sabaw. Siya nagsabing dalhan kita ng gamot." 

 

"Bakit hindi siya ang magdala?" 

 

"Madam ah ang demanding. Busy nga yung tao sa kakaaruga sa mga may hangover." Tch may hangover din naman ako ah bakit di niya ako alagaan? Spoiled na nga ba ako masyado kay Jimin? I don't even know why I am acting like this to her pero gusto kong exclusive na sakin yung atensyon niya. May mali ba sakin? O nagiging ganito lang ako kasi sanay akong sakin siya nakatingin at nakabantay? Maslalong sumasakit yung ulo ko sa iniisip ko. 

 

Inabot ko nalang yung gamot at ininom ito.

 

"Gurl sunod ka nalang sa baba." Nauna nang umalis ng kwarto si Ryu. Habang nakatunganga ako sa harap ng dingding may bigla akong naalala. Di ko alam kung panaginip ba yun pero sobrang blurry. 

 

I think I was dreaming of Lucas and Jimin? Gets ko na andun si Lucas pero si Jimin di siya mawala sa utak ko. Hindi ko alam bakit naguguluhan nga rin ako. I just want her by my side. Gusto ko nga magtampo dahil ayaw niya sabihin kung sino gusto niya. Parang gusto ko siya sabunutan. 

 

In my dream I was kissing someone and I don't know why pero nasabi kong 'Lucas... thank you for breaking us.' or something like that na parang nagpapasalamat pa ako na ginawa niya yun. Basta di ko maalala kung sino yung hinalikan ko sa panaginip ko. Is it Jimin? Teka bakit si Minmin? Feeling ko umakyat lahat ng hiya ko sa mukha nung imaginin kong si Jimin nga yung hinalikan ko. Napahawak ako sa dibdib ko.

 

"Huy kumalma ka kakabasag mo lang." Lumanghap ako ng sariwang hangin at bumuntong hininga. Pinakalma ko yung mga putanginang iniisip ko. Impossible. Straight ako. Hindi pa nga ako nakakamove on kay Lucas. Speaking of Lucas his name doesn't feel so heavy anymore. Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi pero parang gumaan yung pakiramdam ko. Gumaan ang pakiramdam...

 

"I need my morning kiss." Napapout ako at tumayo na para pumunta sa baba at hanapin yung taong hihingan ko ng halik sa noo. I love her kissing me like that. Feeling ko may spell talaga yung kisses niya eh.

 

"Magandang tanghali gurlah." Bati ni Lia habang sumisigop ng sabaw. Mukha silang galing away. Ang dugyot at parang ilang araw walang tulog.

 

"Hmm" Tugon ko. Katabi niya si Ryu na medyo okay ang kalagayan kesa sa kanya. Katapat nila si Ning na parang mamamatay na. 

 

"Kumain ka na kasi." Pangungulit ni Giselle kay bes. Infairness sa kanila close na. Dati halos may makita akong spark ng kuryente sa tuwing mag kakabanggaan sila. Eh kasi naman etong si Ningning may pagkadaldalera. Putak ng putak eh sa ayaw ni Giselle na pinapagalitan siya ayun puro sila away. Buti nga ngayon good terms na sila. Noon kailangan ko pang pumagitna para patigilin sila sa kung ano mang pinagaawayan nila. 

 

"Ayoko wala akong gana." Matamlay na sagot ni bes habang naka patong sa mesa yung ulo.

 

"Asan si Jimin?" Natanong ko nalang. Bahala sila diyan.

 

"Andun sa kusina." Nguso ni Lia kaya agad akong nagtungo at iniwan sila sa dining. Separate kasi yung kusina nila sa dining. Malaki nga yung vacation house nina Giselle. 

 

Pagpasok ko pa lang ng kusina nakita ko si Jimin nagluluto kaya tahimik akong nagpunta sa likod niya at niyakap siya. hmm I love this warmth nakakakalma promise. 

 

"Anong ginagawa mo?" Para siyang natense sa ginawa ko. 

 

"Getting my morning hug and kisses?" Pagpapacute ko sa kanya. Hindi siya kumibo kaya kinalabit ko siya sa balikat.

 

"Uy Jimin." Tawag ko. Ayaw parin ako pansinin. 

 

"Jimin Karina Yoo." Pangungulit ko ulit. Di talaga siya sumasagot kaya naiinis nako. Sorry naman alam naman ng lahat konti lang talaga pasensya ko. Ayoko sa lahat yung hindi ako pinapansin. 

 

"Huy isa pa pag hindi ka lumingon hahampasin kita ng ng kaldero." Pagbabanta ko kaya finally nilingon niya rin ako. Kaso nagulat ako sa nakita kong itsura niya. Para siyang sinuntok sa mata at namumula ito. Ang hagard niya. 

 

"Oh ano?" Bungad niya. Halatang wala sa mood dahil di man lang ngumiti. 

 

"Nakatulog ka ba?" 

 

"Bakit ba?" 

 

"Sagutin mo yung tanong Karina." Nanggigigil nako. 

 

"Oo nakatulog ako." Simple niyang sagot pero alam kong hindi totoo. Hindi naman kasi marunong magsinungaling to and that's one of the things I like about her.

 

"Sino niloko mo? Kumain ka na?" Hindi ko talaga magets sarili ko. Naiinis ako at the same time nagaalala. Maiintindihan naman din siguro dahil magkaibigan kami?

 

"Hindi pa." 

 

"Matatapos na ba yan?" 

 

"Oo sandali na lang." 

 

"Sige sabay tayong kumain. Bilisan mo diyan." Napacross arms nalang ako at mataray siyang tinitignan. Nagbuntong hininga lang siya at tahimik na pinagpatuloy yung ginagawa niya. Matapos ang five minutes naluto na yung niluluto niyang ulam. Tinulungan ko siyang bitbitin to kasi naaawa nako mukha talagang siya pa yung broken hearted samin. 

 

Kumain lang din kami ng tahimik. Napapansin ko panay ang silip saming dalawa nung apat. 

 

"Nagaway ba kayo?" Tanong ni bes. Sabay kaming sumagot.

 

"Hindi" siya. "Oo" ako.

 

"Gagi san ba dun sa dalawa?" Naguguluhan na tanong ni Ryu na nagsasalin ulit ng kanin sa plato niya. Patay gutom din talaga to. 

 

"Hindi kami nagaway. Pagod lang ako." Sagot ng katabi ko. Wee?

 

"You should rest si Ryujin na bahala magligpit." Mungkahi ni Giselle. Kumunot naman noo ni Ryu.

 

"Hala bakit ako?" 

 

"Ikaw yung matakaw ikaw maglilinis ng pinagkainan natin at Lia yung mga kalat niyo kagabi ah. Mga walangya kayo binaboy niyo yung sala ang gulo." Paguutos ni mayora. Wala nang nagawa ang dalawa kundi umoo. 

 

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Last kaming kumain pero una pa kami natapos. Mga kain pagong din kase tong mga to maliban nalang kay Ryujin. 

 

"Aakyat muna ako matutulog." Pagpapaalam ni Jimin. Ang tamlay niya talaga. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka tamlay kaya hindi ako sanay. Parati kase siyang may balik sakin eh.

 

"Ako rin." Sumunod nako. Hindi ako matutul

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺