Chapter 22

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Dedicated to winter003. Friend I wish your heart well.

 

_____

 

 

"Uhm akala ko ba di ka sasama?" Taas kilay ko lang siyang tinignan nung nasa school parking lot na kami. Kagabi kasi sabi niya ayaw niya tapos kanina tinanong ko ulit ayaw parin pero nung aalis nako nagulat ako naka bihis na pala ang loko. 

 

"Nagbago isip ko." Chill niyang sagot. 

 

"Sure kang okay lang sayo? Medyo mainit pa yung balita tungkol sa inyo." Naka shades lang siya kaya di ko makita yung mga mata niya. Yung get up niya ay ganun parin naman. Winter Kim yung dating.

 

"Oo nga tara na para matapos na to." Hinawakan niya yung kamay ko kaya ayun nanaman yung kuryenteng tagos hanggang puso. Ang korni na pero ganun talaga. Ang lambot ng kamay niya- teka erase erase.

 

"Ha? Bakit saan ba tayo pupunta?" Nagpahila nalang ako. Medyo magkasing tangkad lang kami ngayon kasi naka heels siya.

 

"Outing with friends." Sagot niya lang. 

 

"Friends? bakit wala kang sinabi kanina?" Gagi din to magplano agad-agad.

 

"Giselle texted me. We can have a little trip habang wala pang klase." Si Giselle? Ayoko kung ano-ano pa naman trip nun. 

 

"Sino ba kasama?"

 

"Gigi, Ryu, Lia and Ning." Wee?

 

"Sila lang?" Wala yung mga baby boys nila?

 

"Hmm bakit ba? May gusto ka isama?" Kunot noo niyang tanong.

 

"Si Jaemin." Suggest ko. Biro ko lang naman sana dahil alam kong triggered to sa pinsan niya pero di ko aakalain titigil siya sa paglalakad at humarap sakin.

 

"Umamin ka nga sakin. May gusto ka ba sa pinsan ko?" Seryoso na siya diyan guys nakakatakot. Buti nalang wala masyadong tao.

 

"Hindi no. Natutuwa lang ako pagkasama siya? Parang same vibes lang." Feeling ko kasi mao-out of place ako pagandun sina Giselle. Si Jae lang naman nakakausap ko nung mga inuman days namin.

 

"Promise?" Para talagang bata.

 

"Yeah swear." Sabay taas ko ng right hand ko para manumpa. Loko parang tanga.

 

"Good." Ngumiti lang siya at hinila lang ako ulit. Di ko talaga magets utak neto. Minsan she act like a jealous girlfriend minsan naman pinapamukha niya sakin na straight siya. Ang gulo ng sinasabi sa ginagawa. Pero kahit ganun ang sarap sa feeling na inaangkin niya ko. Yung pinagdadamot ako. Delusional man pero bigay niyo na to sakin dito na nga lang ako kumakapit. 

 

"Kailangan ba talagang kasama ako?" Tanong ko sa babaeng patuloy lang akong hinihila. Aangal pa ba ako? Siya na nga tong humawak sa kamay ko.

 

"Of course. Paghindi ka pupunta malilintikan ka sakin." 

 

"Baka ma out of place ako dun." 

 

"Kasama mo naman ako." May sagot talaga siya. 

 

"Ano bang gagawin?" 

 

"Gi said well be going to their private beach. Unwind daw from my heartache." Hmm sabagay nice idea din. Nabubulok din to sa condo niya.

 

"Ilang araw?" 

 

"Babyahe tayo mamaya pero iisang van lang gagamitin natin. Sabi niya three days so hanggang sunday tayo doon." Nakarating narin kami sa field kaya binitawan na niya kamay ko. Aw miss ko na agad. Medyo maraming tao sa bench dahil nga finals na. 

 

"Rina!" Rinig kong tawag ni Jae. Tumakbo siya papunta samin. Di pa pala nagsisimula yung match. 

 

"Hey magsisimula na ba?" Tanong ko sa kanya.

 

"Yup doon kayo manood sa bench namin para mas kita niyo." Tinuro niya yung direksyon. Nauna siyang maglakad kaya sumunod nalang kami. Ang kasama ko naman sobrang tahimik. Napansin ko rin na nagbubulungan yung mga tao sa paligid nung nakikita siya. Sabi na eh. Naupo na kami sa bench na pinagdalhan samin ni Jae.

 

"Dito lang kayo ah. Rina panoorin mo ko." Masaya niyang sabi sakin. Tumango naman ako. Wala akong alam sa soccer pero for a friend why not support.

 

"Okay galingan mo ah. Goodluck." Ang lapad ng ngiti niya. Umoo lang siya at nagpaalam na babalik sa team dahil magsisimula na nga sila. Naiwan kami ni Winter na sobrang tahimik. 

 

"Hey diba si Winter yan?" 

 

"Oo nga girl akala ko hindi na magpapakita matapos chineat ni Lucas." rinig ko mga chismosa sa taas namin. Mangchichismis na nga rinig pa.

 

"Karma na niya siguro. Ang possessive naman kasi kaya siguro nasakal si Lucas." Sagot pa nung isa. Parang gusto ko manabunot ng madaldal ngayon. Kakausapin ko na sana yung mga nagpaparinig nung pinigilan ako ni Win. Tinanggal niya yung glasses niya at tumingin sa direksyon nung tatlong babae. Natawa ako sa mukha nila parang natatae na ewan.

 

"If you are going to gossip about me. Siguraduhin niyo munang mas maganda kayo sakin. Napaghahalatang insecure and please you don't know a damn what really happened so off kung ayaw niyong pati mundo niyo guluhin ko." Pagbabanta niya. Natakot yung tatlong babae kaya agad na tumayo at umalis. Ay alaws pala sila tapang magparinig di naman pala kaya istand yung ka daldalan nila. Nagroll eyes lang si Win at naupo ulit. Oo nga naman she's Winter palaban to. 

 

"Chill Win sure ka kaya mo? Eh parang bubugwak ka na ng apoy." 

 

"It'll take more than that para magalit talaga ako." Naghuff lang siya sabay cross arms. Ang cute parang bata. Magpinsan nga sila ni Jae. Nilabas niya lang yung phone niya at nagsimulang mag scroll sa social media. Nagsisimula nadin sina Jaemin.

 

"Akala ko ba manonood. Support mo naman pinsan mo." Bakit ba to sumama dito.

 

"Kaya na niya yan." 

 

"Galing mo rin." Natawa nalang ako at nagfocus doon sa laro. Magaling si Jae sa pagkakaintindi ko sikat din siya sa dito. Gwapo din naman kasi ang charming ngumiti. Nung nakascore sila dahil sa kanya nakakaproud. Tumingin siya sa direksyon ko at parang sinasabi na 'ayos ba' kaya napangiti ako at nagthumbs up.

 

Nagpatuloy lang yung laro. Hindi ko na napapansin masyado yung katabi ko kasi nga nakafocus ako dun sa laro. 

 

"Jimin." Tawag ng katabi ko.

 

"Ano?" Sagot ko ng hindi lumilingon.

 

"Inaantok ako." 

 

"Ha?" Medyo di ko narinig dahil ang ingay.

 

"Sabi ko inaantok ako." Lumingon ako sa kanya. Nakasimangot lang siya at halatang inaantok nga. 

 

"Matulog ka muna gusto mong mauna nang umuwi?" Umiling lang siya bilang pagtanggi kaya tumaas kilay ko. Umaandar nanaman yung pagiging childish niya. Bakit nga ba sakin parang ang childish niya? Sa iba naman kulang nang kumain ng tao sa pagiging suplada.

 

"Pahiram." Turo niya sa balikat ko. Luh ginawa na talagang unan. 

 

"Ayoko uwi ka nalang mas masarap pa kama mo dito." Andaming tao nahihiya ako. 

 

"Tch. Sige na." Pangungulit niya. Ang tamlay ng mga mata. Para siyang iiyak. Wait inaantok ba talaga to. Tinitigan ko siya sa mata. 

 

"Ano nangyari?" Natanong ko nalang kaya napabuntong hininga siya. Binigay niya yung phone niya sakin at pinakita yung pic. magkasama nanaman sina Lucas at Yuqi. Mukhang hindi nila alam na pinicturan sila dahil hindi naman sila nakatingin s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺