Chapter 14
Anghel ni Seulgi
Sembreak na next week pero required pa rin silang mag-attend ng on line class ngayong linggo. May mga modules pa kasi silang kailangang ihabol. Yung mga hindi pinalad makatawid sa 2nd sem ay mabibigyan ng chance para sa make up exams.
"Hello, 'tol. Pwede ba kami tumambay diyan?" tanong ni Seulgi kay Byul.
"Sige,' tol. Punta na lang kayo dito. Dala ka merienda ah?"
"Mukha ka talagang libre eh no? Bili na lang tayo kila Hyun ng burger. Ako magbabayad."
"Yan ang gusto ko sa'yo Master Seulgi!"
1 new message from Seulgi
Seul kulit: Hyun, punta ako diyan maaga mamaya mga 5PM? Okay lang?
Hyun: Hi, kulit! Okay lang. :) but please don't bring anything na ah baka gumastos ka na naman.
Natuwa si Joohyun dahil magkikita sila ng mas maaga ni Seulgi. Kanina lang ay gusto niyang papuntahin ito ng maaga pero parang nabasa na ni Seulgi ang isip niya. Tinignan niya ang relo niya, 03:55 PM.
Seul kulit: okay po. Katawan ko lang ang dadalhin ko hehe
"loko loko." sabi ni Joohyun pagkabasa niya ng reply ni Seulgi.
"erp, san si Lisa?" tanong ni Byul sa kanya pagkapasok ni Seulgi ng bahay nila.
"Sunod na lang daw. Biglang inutusan ni Kap eh."
Dumeretso sila sa kwarto ni Byul.
" tol, may problema? Itsura mo kasi bat ganyan?" tanong ni Byul kay Seulgi.
Nagpause si Seulgi ng bahagya. Kumukuha ng lakas ng loob.
"Byul, balak ko nang sabihin kay Joohyun na mahal ko siya."
Napangiti si Byul sa pinapakitang courage ng kaibigan pero may kailangan lang siyang i-check bago suportahan ng todo ang plano nito.
"talaga? Bakit mo naman naisipan bigla?
Baka naman threatened ka lang dun kay bagang kaya ka magko-confess kay Joohyun? Ayusin mo 'tol ah. Di tayo ganun."
"hindi ah. Pake ko dun sa bagang na yun."
"eh bakit nga? Huling usap natin di mo pa alam gagawin mo ah?"
"ayun nga. Simula kasi nun inisip ko talagang mabuti yung sitwasyon namin ni Joohyun. She deserves to know,' tol. Deserve niya malaman kung ano talaga ang intention ko."
Satisfied naman so far si Byul sa mga nakuha niyang sagot mula sa kaibigan pero konting push pa.
"biglaan ba yang desisyon mo?"
"hindi 'tol pinagisipan ko talagang mabuti. Gusto ko kasing bigyan ng assurance si Hyun na palaging may isang Kang Seulgi na nandiyan para sa kaniya. Na meron siyang matatakbuhan kapag malungkot siya, merong taong handang magpasaya sa kaniya, na merong handang saluhin ang galit niya kapag bwisit na siya sa mundo."
Di naman nagdecide si Seulgi overnight eh. Pinagisipan na niya ito mula nung huling usap nila ni Byul at napagsabihan siya na kailangan may plano siya. Tama si Byul kailangan may linaw kung ano ba ang balak niya. Lalo pang nadagdagan yung determination niya nung magvideo call sila ni Joohyun na malungkot at parang balisa ang dalaga.
"ayos 'tol. Ang lalim mo pala ma-inlove." nakangiti si Byul. "oh eh paano kung manligaw si bagang. Balakid yun, 'tol. Sure ako may gusto kay clasamate yun eh."
"edi manligaw siya. Wala naman akong control sa mga taong gustong mapalapit kay Joohyun. Wala akong balak harangin yun. Basta ako sasabihin ko lang ang nararamdaman ko."
"pano kung ma-reject ka?"
"yun na nga 'tol. Aamin ako sa kaniya pero di ko naman siya ipe-pressure na sumagot agad. Nasa sa kaniya yun kung tatanggapin niya ako."
"parang confident ka eh." pangaasar ni Byul.
"Sa totoo lang natatakot ako kasi baka hindi niya pala ako gusto. Bago sa kaniya lahat ng 'to. Baka masira yung friendship na nabuo namin pero alam mo san ako mas takot? Takot akong hayaan ko na lang mawala yung chance na mapasaya ko siya. Nightmare yun 'tol."
"ang romantic! pa-hug nga 'tol bago ka pa maging off-limits!"
"gago! Yoko nga. kay Joohyun lang ako yayakap." pagtanggi ni Seulgi.
"joke lang eh! Kailan mo sasabihin?"
"tulungan niyo ko magplano pero sana soon."
"MGA 'TOOOOOOL! Lisa is in your area!" sigaw ni Lisa pagpasok niya sa kwarto ni Byul.
"Sino nagpapasok sa'yo?!" nagulat si Byul sa pagsigaw ni Lisa.
"Bukas yung gate, erp." nakangising sagot niya.
"Oh sakto tara na punta na tayo kila Hyun." sabi ni Seulgi.
" 'tooool! Kakadating ko lang haba
Comments