Chapter 41

Till My Heartaches...END!

 

2 weeks ng nanliligaw ulit sa akin si Gerald. Noong una pilit kong iniiwasan siya kaya lang ako na rin mismo ang nag-give up di ko rin pala kaya. Hatid-sundo ako ni Gerald, walang palaya. Parang kami na, pero hindi pa. Ang gulo ba? Sa ngayon hindi ko rin alam kung ano na ang status naming dalawa. Malinaw lang ngayon na masaya ako kapag kasama siya at ganun na rin naman siguro siya sa akin.

Nandito ako ngayon sa condo ko, day-off ko kasi pero hindi rin ako makagala sabi kasi ni Gerald hintayin ko daw siya. Pupunta daw muna siya sa site ng bagong tower niya para ma check. Nanunuod lang ako ng tv ng tumunog ang cellphone ko.

“Hello?”

“Kimmy, asan ka?”

“Andito lang sa condo. Bakit?”

“Punta kami diyan ni Kakai ha.”

“Oo ba, boring din dito eh wala akong kasama.”

“Ok. Papunta na kami diyan. See you in a bit.” Pagkatapos ng kwentohan naming ni Tin2 ay tumawag na lang ako sa Shakey’s para makapag-order ng makakain namin.

Gerald’s POV.

“Ano bro, sa tingin mo ok na to’?” tanong ko kay Rayver habang nakatayo at tinitignan ang ginawa naming preparations para sa dinner namin ni Kim.

“Sobrang ok, grabe ibang klase ka bro.” sabay suntok sa balikat ko. “Pag ako nag propose kay Tin2, gawin kitang organizer.

“Gag* ginawa mo pa akong bakla niyan. Siyempre ganyan talaga pag mahal mo ang isang tao, kung ano-ano ang nagagawa mong maganda.”

Nandito kami ngayon sa rooftop ng tower. Kami lang ni Rayver ang nakakapunta dito, at kami lang din ang may hawak ng susi. Sobrang ganda dito kasi makikita mo talaga ang view at feeling mo para kang lumilipad kaya dito ko naisipan mag propose kay Kim. Oo, magpopropose ako hindi bilang boyfriend niya kundi para pakasalan siya.

[FLASHBACK]

“Bro, sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?” tanong sa akin ni Rayver. Nandito kami ngayon sa loob ng office ko.

Tumango ako. “Ilang gabi ko na rin pinag-isipan ito bro. Hindi ko na kayang patagalin kung ano man ang meron sa amin ni Kim.”

“Pero hindi ba masyadong mabilis na mag popropose ka na agad ng kasal sa kanya?”

“Bro, doon din naman ang punta namin ni Kim bakit ko pa papatagalin. I want to spend my life with her. Siya lang ang nakikita kong babae na papakasalan ko at ang maging ina ng mga anak ko.” seryosong sabi ko kay Rayver pero parang natatawa lang siya sa akin.

“Nagmatured ka na talaga bro. Na unahan mo pa ako eh.”

“Siyempre, mabuti na yun kahit ilang taon pa ang hintayin ko atleast sure ako na sa akin lang siya.”

“Eh kung ayaw pa ni Kim, kung hindi pa siya ready.”

“Trust me, she’s ready.”

“Nakz, lakas ng confidence mo bro ah.” sabay tawa. “So what’s the plan? Kelan ang proposal?” tanong sa akin ni Rayver at ngumiti lang ako sa kanya.

“Later this evening.” Nakangiti kong sabi kay Rayver. Bigla naman siya napaayos ng upo.

“Ano?” gulat na tanong ni Rayver. “Paano?”

“Kaya nga pinatawag kita dito eh.”

[END of FLASHBACK]

“So ano itetext ko na ba sila Tin2 na pumunta na dito? Malapit na mag sunset. Hoy, Anderson.” Sabay pitik niya ng kanyang kamay sa harap ng mukha ko.

“Ay, sorry. Ano ulit sinabi mo.”

“Bro, ano? Itutuloy pa ba natin to’? Or tutungaga na lang tayo dito.”

“Kinakabahan ako bro.” natawa naman sa akin si Rayver.

“Aba, first time yatang kabahan ang isang mr. Anderon.” Inakbayan ako ni Rayver. “Kaya mo yan bro. Ok? I’ll text Tin2 na.” tumango na lang ako.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D