Chapter 27

Till My Heartaches...END!

 

“Gerald, sabi ko ano ang ginagawa mo dito?” hindi ako sigurado kung si Ge talaga siya pero hindi ako nagkakamali sa boses niya.

“Kimmy, let me explain.” Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko siya pinansin. Kihuna ko ang bag ko at niyaya si Doc Alex na lumabas na lang kami. “Doc Alex, tara na.” Naiwan siyang nakatayo habang kami naman ay lumakad papalabas ng sinehan. Si Doc Alex naman ay sunod ng sunod lang sa akin hanggang sa makarating kami sa parking lot. Hinawakan niya ang braso ko at hinarap niya ako sa kanya.

“Kim, you don’t need to run. You need to face him, for once and for all. Kung ayaw mo na talaga, then tell him.” Kung makapagsalita ang isang ito parang alam ang lahat. Pero may point naman siya eh.

“Pero hindi yun ganun kadali.”

“Why? Because you still love him?” Seryosong nakatingin sa akin si Doc Alex.

“Get your hands off her.” Nagulat kami ni Doc Alex ng may biglang sumigaw at bigla naman niya akong binitawan.

“Ano ba talaga ang problema mo? Last time I checked, hindi ka boyfriend ni Kim, so why acting like some ****.” Nagulat ako sa sinabi ni Doc Alex. Hindi ko inaasahan na masasabi niya kay Gerald yun.

*BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOGS* Sa sobrang lakas ng pagsuntok ni Gerald napahiga si Doc Alex sa cemento.

“Ano ba problema mo Gerald huh? Pwede ba, kung mainit ang ulo mo or may problema ka wag kang mang damay ng ibang tao.” Tinulungan ko si Doc Alex na makatayo. Pinahiran naman niya ang kanyang labi dahil parang dumugo ito.

“I’m sorry Kim. Nabigla lang ako.” Lumapit siya sa akin pero at hahawakan niya sana ang kamay ko pero nilayo ko ito. “Hindi ko kasi kaya…” Napayuko siya. “Hindi ko kaya na maagaw ka ng iba sa akin.”

“Hindi mo kayang maagaw ako ng iba?” Napasigaw ako. “Sana Ge, noon pa alam mo na yan. Bakit? Ikaw ang nag-bigay ng pagkakataon na mapunta ako sa iba.” Hindi ko namamalayan na tumutulo na ang luha ko. “Bumitaw ka ge.”

“Alam ko Kimmy, at sa maniwala ka man at sa hindi pinagsisisihan ko yun. Hindi pa ba sapat ang tatlong taon na paghihintay ko sa’yo?” Nakita kong parang naiiyak na rin siya.

“Hindi ko sinabi na maghintay ka.”

“Alam ko… pero ginawa ko yun Kim para ipakita sa’yo kung gaano kita ka mahal na handa ako maghintay, umabot man ng 5 years, 10 years, 30 years. Mahal pa rin kita Kim.”

“Marami na ang nagbago Ge. Mahirap mag bigay ng trust ulit sa isang taong sinira lang ito.” Natahimik siya.

“Kim, sa huling pagkakataon itatanong ko sa’yo ito. Pangako hindi na kita guguluhin.” Tinignan niya ako sa mata. “Mahal mo pa ba ako Kim?”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D