Chapter 23

Till My Heartaches...END!

 

“She’s my… EX!” Mabilis na sagot ni Gerald. Parang biglang pinawisan si Gerald sa tanong ko. Wala lang gusto ko lang naman malaman kung sino itong babaeng kaharap ko sa buhay ni Gerald. Para naman hindi ako magmukhang tanga dito.

“Sus!” Tumawa naman si Ashley. “Matatawag bang ex ang isang ka-relasyon kung walang break-up na nangyari?” (A/N: Sabihin mo yan sa Abs-Cbn… ASH! HAHAHA) Sarcastikong sagot ni Ashley habang nakatingin kay Gerald. OK! Parang naguluhan ako sa sagot niya. Kung bakit kasi tinanong ko pa yun.

“What do you mean?” Nagtataka kong tanong sa kanya.

Lumapit naman si Gerald sa akin at pabulong na nagsabi. “I’ll explain everything to you, but I think this is not the right time.” Tapos ay inayos na niya ang pagkaka-upo niya.

“Don’t tell me, hindi man lang naikwento ni Gerald… oh well what can I expect? Right Mr. Anderson?” Ano ba ang pinagsasabi nito? Bakit parang ang bitter naman niya. Hindi na sumagot si Ge at yumuko na lang ito.

Mabuti na nga lang at dumating yung waiter at dala ang mga order naming. Anytime kasi parang magliliyab itong babae sa harap ko. Kumain na lang kaming tatlo at ni-isa sa amin ay hindi nagsalita.

Paminsan-minsan at nagkakatinginan kami ni Gerald habang si Ashley naman ay naka-yuko parati sa pagkain niya. Pagktapos naming kumain ay binayaran na ni Ge ang bill at lumabas na kami sa restaurant.

“Ahh… Ash, hatid ka na namin.” Yaya sa kanya ni Gerald.

“No. No need! Ayan na rin ang sundo ko.” At may dumating na isang sasakyan sa harap namin. Ewan ko ba simula kasi mapag-usapan naming yung tungkol sa kanila ni Ge dati parang nag-iba ang aura niya. “Call me na lang if you already sign the contract.” At pumasok na siya sa loob ng sasakyan niya.

“Kimmy, tara na.” Tumingin lang sa akin si Ge at inalalayan niya ako papasok sa kanyang sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Habang siya ay nagmamaneho ako naman ay nakadungaw lang sa bintana. Iniisip ko pa rin kasi kung bakit naging ganun na lang si Ashley tungkol dun sa tanong ko. Wala naman akong ibang gusting sabihin dun eh. Gusto ko lang malaman kung ano sila dati.

Ilang minuto pa ng makarating kami sa condo ko. Hininto ni Gerald ang kotse niya sa harap at pinagbuksan ako.

“Thank you, Ge.” At pagktapos ay lumakad na ako papasok ng tower. Pero nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko. “Do you want to hear it?” Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi na ako nag salita pero tumango na lang ako.

Lumakad kami papunta sa loob ng tower at sumakay ng elevator. Dumiretso na kaagad kami sa unit ko.

“Uhmm… magbibihis lang ako Ge. Ok lang ba?”

“Sure.”

“Feel free.”

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at naghanap ng damit na maisusuot. Pagkatapos ay nag shower ako at nagbihis. Lumabas ako at nakita kong nakatayo si Gerald sa bintana nakatingin sa labas.

“Ge…?” Sabay abot ko sa kanya ng isang basong may juice. “Inom ka muna.”

"Thank you." Kinuha niya yun at tumingin ulit sa labas. “Kimmy, sorry.” Nagulat ako sa sinabi niya.

“Ha? For what?”

“Dahil hindi kita napanindigan.”

“Teka, Ge… hindi talaga kita maintindihan.”

“2rd year highschool ng naging kami ni Ashley… dahil sa isang dare.”

“Ha? Dare?” Gulat kong tanong.

“Oo. Dati kasi sa school namin si Ashley yung maituturing mo na pinakamatalino, pinaka-mabait, yung parang nerd. Eh gustong-gusto ko dati yung sasakyan ng kaibigan kong si Matt, kaya yun dinare niya ako na kapag daw naging kami ni Ashley at kung gaano daw katagal yung relasyon namin ganun din daw katagal mananatili sa akin yung sasakyan niya.” Paliwanag pa ni Gerald sa akin.

“Eh bakit hindi ka na lang nagpabili sa dad mo.”

“Hindi na! Dahil nung time na yun ng maghiwalay ang parents ko. Nung time na yun, ng magsimula ako mag rebelde.” Nakita ko parang naiyak si Gerald kaya tinapik ko ang balikat niya. “Lahat ng gulo pinasukan ko. Wala akong pakialam sa ibang tao at sa mararamdaman nito kaya pumayag ako sa dare ni Matt sa akin.”

“So naging kayo ni Ashley?”

“Oo, naging kami. Yung normal na mag bf/gf.” Kwento ni Gerald habang nakatingin lang sa labas. Nakikinig lang din ako sa kanya. “Hanggang sa naging 4th year kami, doon nagsimula ang problema. Dahil nga last year na namin na magkakasama ng barkada ko, mas pinipili kong sumama parati sa kanila.”

"Nalaman ba niya yung tunkol sa dare?"

"Oo. Pero nung huli na."

“Pero… natutunan mo din ba siyang mahalin?”

“Siguro… oo? Hindi ko alam. Ang totoo niyan si Ashley ang maituturing kong first girlfriend ko dahil siya lang yung tumagal ng more than 3 months. Alam ko hindi lang dahil sa sasakyan yun. Siguro… hindi rin naman kami tatagal ng dalawang taon kung kahit konting pagmamahal wala akong naramdaman sa kanya. Oo, minahal ko din siguro siya.” Lumakad si Gerald papunta sa sofa at umupo. Sumunod lang ako. “At dumating yung time na gusto niya akong ipakilala sa papa niya. Pero hindi ako pumayag, siguro naguguilty ako sa ginawa ko at hindi ko kayang makaharap ang papa ni niya. Pero dahil sa nagmakaawa sa akin si Ashley kaya pinangako ko sa kanya na after graduation ay papayag na ako na ipakilala niya ako sa papa niya. Ang saya-saya niya nung sinabi ko yun sa kanya. Nag set pa siya kung anong araw at kung saan. Pero…” Nagbuntong hininga si Gerald sabay inom ng juice niya.

“Hindi ka pumunta?” Sabat ko sa kanya. Tumango lang siya. “Eh bakit hindi ka pumunta?”

“Hindi ko rin alam. Dahil hindi ko kaya? Dahil inisip kong laro lang yun? Dahil hindi pa ako ready sa serious commitment? Hindi ko alam Kim.” Tumingin siya sa akin. Ewan ko parang nakadama ako ng lungkot at sakit… Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko.

“Kim… bakit? Why are you crying?” Hawak niya ang magkabilang pisngi ko.

“Nung tayo ba Ge, laro lang din ba sa’yo yun?”

“No kimmy.” Pailing-iling niyang sagot. “Hindi laro ang sa atin. Dahil totoo ang naramdaman ko sa'yo, walang nagdikta at walang dare na kapalit.”

“Then why did you gave up on me?” Tinignan ko siya sa mata habang tumutulo na ang luha ko. Yumuko siya.

“I’m sorry Kim. Kung alam mo lang kung gaano ko pinagsisihan ang araw na yun. Pero nagpapasalamat ako dahil nandito ka na. I’ll prove everything na karapatdapat pa rin ako sa’yo.”

“Pero hindi ganun kadali Ge.”

“I know. I know. And I’m willing to wait. Ok?” Taha ka na. And then he kissed me on my forehead. Tumango-tango lang ako.

“Is she your first love?” Tanong ko sa kanya na ikinagulat naman niya.

“No Kim.” Mabilis niyang sagot. “You!”

Nagulat ako sa huling sagot niya. Ano daw? Ako?

“Paano naman naging ako, eh diba nga siya yung maituturing mo as your first girlfriend?”

“She may be my first girlfriend, but you’re my first love.” And then he kissed me on my nose. “And will be the last.” He looked me deep in my eyes and then he kissed… my lips.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D