Chapter 17

Till My Heartaches...END!

 

Kim’s POV

Maaga ako nagising kasi 7am-3pm ang shift naming ngayon nila Kakai. Hinayaan ko na muna si Maja dahil mukhang [agod na pagod sa pag-aayos naming kagabi. Naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay kinuha ko at umalis na.

Nasa lobby na ako ng may tumawag sa akin.

“Kimmy.”

Napalingon ako.

“Ge? Anong ginagawa mo dito?”

“Sinusundo ka.”

“Ha? nakakahiya naman. Hindi mo na kailangan gawin yun.”

“Ok lang. Malapit lang naman ako kaya dinaanan na kita. Sakay ka na.” Hindi man lang ako pinagbuksan ng mokong.               

Binuksan ko ang pinto sa may front seat at pumasok na sa loob ng kotse.

“Breakfast ka na?” Tanong niya sa akin. Sabay pinaandar ang kanyang sasakyan.

“Hindi pa. Pero doon…” Nagulat ako ng bigla siyang may iniabot sa akin.

“Ayan, pinagbalot na kita. Alam ko naman kasi na hindi ka marunong mag luto.”

“Marunong kaya ako no! Wala lang talagang time atsaka hindi pa ako nakakapag-grocery.” Sagot ko sa kanya. Binuksan ko ang paper bag at tinignan ang nasa loob. “Siomaaaaaaaaaai.”

“Your favorite.” Sabay ngiti niya sa akin.

“Thank you.” Binuksan ko na yung plastic box at nilagyan ng konting sauce ang siomai at kinain.

“Ehem.”

“Ay, sorry. Gusto mo?” Tanong ko sa kanya at nagulat ako ng bigla niyang binuka ang kanyang bibig.

“Hoy, ano ka bata para magpasubo pa?” Pang-aasar ko sa kanya.

“Eh paano ako makakakain eh nagda-drive ako?” Sagot naman niya.

“Eh bakit, hindi ka pa ba kumain?”

“Hindi pa, kasi hinintay kita.” Ok! Ano daw ang sabi niya? Naku… Kakai!!! Malalagot ang plano natin. May konteng kilig. Aaminin ko.

“Oh ito na nga.” Kumuha ako ng isang siomai at sinubo sa kanya. Kaya natawa ako ng mukhang nabubulunan siya.

“Kimmy… shubig.” Sabay hawak sa may leeg niya.

“Ha? Anong shubig?” Habang natatawa kong sabi. Binuksan ko ang isang mineral water at pina-inom sa kanya. (Parang PNK scene. HAHAHA)

“Thank you.” At natawa na rin siya.  Habang nagmamaneho siya eh sinusubuan ko siya ng siomai. Shemay, kung bakit kasi pumayag pa ako sa plano nitong si Kakai eh.

Nang makarating na kami sa hospital ay hininto niya ang kanyang sasakyan sa harap ng ER at mabils na buamaba at umikot papunta sa akin. Binuksan niya ang pinto at inalalayan niya ako pababa.

“Thank you… Ge! Sa paghatid at sa siomai.” And then I kissed his cheeks again.

“Wala yun. So, sunduin kita mamaya?”

“Naku, hindi na. May trabaho ka din. Ok lang talaga. Kasama ko naman sila Kakai and Tin2.”

“Sure ka? Baka… maaga rin kasi matapos ang meeting namin, kaya pwede kitang sunduin.”

“No, ok lang talaga. Thank you.” Nag smile ako sa kanya.

“Basta, I’ll text you later.” And then he smiled.

Naglakad na ako papasok ng may naka bangga ako. Medyo natumba ako pero mabilis akong nahawakan ng lalaki sa kamay.

“Sorry… Miss.” Nakatingin siya sa akin.          

“Ok lang.”

“Are you new here?” Tanong niya sa akin habang tinitignan ako at hawak pa rin niya ang kamay ko. “Ngayon lang kasi kita nakita dito.”

“Oo, last week lang ako nagsimula.”

“Nice. By the way I’m Dr. Alexander Lim… and you’re?” 

“Kim Chiu.” 

“So… you’re Chinese din pala?”

“Half.”

“Same tayo. Half din ako. Destiny?” Nagulat ako sa sinabi niya. Isang tao lang ang naiisip ko tuwing naririnig ko ang salitang destiny. Nag smile na lang ako sa kanya. (A/N: Sarap batukan - gaya-gaya!!! HAHAHA.)

“Uhm… I have to go. Nice meeting you.” Kinuha ko ang kamay ko sa kanya na kanina pa niya hawak at mabilis na lumakad papunta ng ward.

Pagkadating ko naman ay nakita ko na nandoon na sila Tin2 at Kakai.

“Morning… Kimmy.” Bati nilang dalawa sa akin.

“Good morning.” At nag smile ako sa kanila.

“Ui, bakit good ang morning ng chinita princess?” Pang-aasar ni Kakai.

“Wala lang bakit, hindi ba pwede?”

“Pwede naman, pero may kakaiba eh.” Sabat naman ni Tin2.

“CHE!”

“Oo nga pala Kimmy, mamaya may ipapakila kami sa’yo. Pwede siya sa plano natin.”

“Ha? Sino?” Nagtataka kong tanong.

“Basta. Mamaya nandito na yun.” Sabi naman ni Tin2.

“Teka… alam mo na ang plano?” Tumango lang si Tin2 at tinignan ko ng masama si Kakai.

“Shureeeh!” Isa na lang talaga. Mababatukan ko na itong babaeng to’!

Habang nag-aayos kaming tatlo ng mga charts ng pasyente ay biglang may nag salita.

“Hello… lovely ladies.” Bati ng isang lalaki kaya lumingon ako at nagulat sa aking nakita at may dala pa siyang bulaklak.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D