Chapter 4

Till My Heartaches...END!

 

“Manong, pa-park na lang po ng kotse ng maayos.” Pakiusap ko doon sa mamang naka assign sa parking lot sa katapat ng coffee shop. Pagkatapos kong ibigay sa kanya ang susi, tumawid na ako papunta ng coffee shop. Nagulat ako ng… is this for real? Siya ba talaga itong nakikita ko? Is this a sign? Oh God, she’s so beautiful. Nakatingin ako sa kanya at ganun rin siya sa akin, kahit siya mismo ay nagulat din. Medyo lumapit ako sa kanila kung saan sila nakatayo at nag smile ako sa kanya.

“Ehem!” Simpleng pa-ubo-ubo si Maja.

“Hi Ge, how are you? Long time no see ha.” Sabi naman ni Kakai, tumingin ako sa kanya na ang laki ng smile. At binalik ko ulit ang tingin ko kay sa babaeng kaharap ko.

“I am fine… now pa… ah, I mean ok naman ako. Kayo?” Sagot ko sa kanila pero hindi ko kinuha ang tingin ko sa kaharap kung babae.

“I’m fine… and Maja is fine… and she’s – she’s fine also.” Sagot ni Kakai na parang tumatawa pa.

“Spokesperson ka ba namin Teh at bakit ikaw na ang sumagot para sa amin.” Naku ang dalawang ito, hindi pa rin nagbabago. Tumawa lang silang dalawa. “Ah insan, doon na muna kami ha. Para naman… you know… moment.” Napa smile ako. Ewan ko kung bakit. Umalis na nga silang dalawa at kami na lang ni Kim – OO, si KIM ang kaharap ko ngayon. Siguro nga may nagawa akong maganda this past few weeks at biglang nadinig ni Lord ang dasal ko. Pero bakit ganun? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. All I want to do right now is to hug her tight and never let her go again. I’m looking at her and she’s looking at me also. Bakit ganun? Parang hindi ko makita sa mga mata niya na masaya siya ngayon dahil nagkita kami? All I can see is her pain. The pain that I’ve caused her.

“Hi.” Bati ko sa kanya.

“Hi.” Sagot niya.

Ge, c’mon. What now? Hindi ka one-liner man. You better do this right, kung ayaw mo siyang mawala ulit sa’yo.

“So kalian ka bumalik from Canada?”

“Uhm… Last Monday lang.” Maikli niyang sagot.

“Hmmm. Hanggang kalian ka dito?”

‘”Siguro… mga 10 days pa.”

“You’re looking good.” And I smile to her.

“Ikaw rin – lagi naman eh.” Sarcasicm? Ok lang yan Ge. Chill lang. I encourage myself. Isipin mo na lang na first time lang kayo nagkita and na love at first sight ka sa kanya.

“Ah, are you with someone now?” I asked her.

“No, I’m not married.” What? Bakit yun naman kaagad? Kung hindi siya married baka naman may boyfriend na siya. But still napangiti ako sa sagot niya. Pwede pa maagaw yan.

“Ako rin, incase you… wanted to know.” Nahihiya kong amin.

“Ah ok.” Yung lang ang sagot niya. Parang wala lang sa kanya? Eh ako halos gumulong-gulong na dito. All these years kung alam mo lang Kim, matagal kong hinintay ang araw na ito.

“Uhm, Ge I think I need to go. Hinihintay na kasi nila ako.”

“Ah, yeah! I know. Sorry. Nice… nice meeting you again Kim.” And then I smiled.

“Ok. Bye Ge.” Bye Ge? No, not this time Kimmy. I already let you go on your first goodbye, not this time.

“Ahh, Kim…?” Tawag ko sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay. Nagulat ako, electricity is all over me when I touched her. Even siya nagulat, parang napatalon pa siya. Lumingon siya sa akin.

“Yes?” Sagot niya.

“A, I’m wondering if… Can you be mine again?” Only if I can tell her that now, pero wag muna. This is not the right time to ask that.

“Ah, I’m wondering if can I ask for your no.?”

“No.?”

“Y – yes! Ohh, I mean cellphone no. or telephone no.?”

“Uhm, wag na siguro Ge. Diba nga in 10 days aalis na din ako. Mas mabuti na sigurong… wag na lang Ge. Asking for a no. is not a good way to start a friendship or a relationship or whatever ship you know. Trust me, I’ve been there and I guess you know what I mean.” Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko. Parang nanlumo ang buo kong katawan. I’m not expecting na ganun ang isasagot niya sa akin. Parang napakalaking trauma ako sa kanya. Or… maybe Rayver is right. Nakapag move-on na siya. Alam ko, nakikita ko sa kanyang mga mata ang sakit na naidulot ko sa kanya, but still I know and I can feel it na kahit konti she still love and care for me. Binitiwan ko ang kamay niya and then she left. If you think I am letting you go again, you’re wrong Kimmy. This time I’ll be winning this game and when that time comes, I’ll never let you go. At nakisama pa ang panahon, bigla kasing umulan eh.

Pumasok na ako sa loob ng coffee shop at dumiretso na sa favorite spot ko, sa table kung saan nag end ang lahat at pinangako ko sa sarili ko na dito sa table na ito dito magsisimula ulit. Tinawag ko si Jess, waiter siya dito sa coffee shop, at siya lang ang nakakakaalam sa kwento kung bakit gustong-gusto ko ang spot na ito.

“Good afternoon boss.” Bati niya sa akin.

“Good afternoon. The usual.” Yun lang ang sinabi ko sa kanya at alam na niya ang ibig kong sabihin. Habang naghihintay nag scan muna ako ng mga messages sa phone ko. ilang minuto pa ay dumating na si Jess dala ang favorite kong coffee, ang regular brew coffee ito kasi ang coffee na inorder ni Kim nung first time palang niya dito, though hindi siya talaga yung nag-order pero yun ang unang coffee na natikman niya dito sa coffee shop.

“Ah boss, kasi nakita ko po kayo, kausap niyo yung tatlong babae. Kilala mo ba ho sila?” Tanong sa akin ni Jess.

Nagulat ako. Bakit naman kaya naitanong niya?  “Ahh, oo.” Maikli kong sagot. “Bakit?”

“Ah kasi po, dito sa table niyo sila umupo.” Iinom na sana ako ng kape pero nabigla ako at napatigil sa narinig ko.

“Totoo? Ano… may sinabi ba sila sa’yo?”

“Ah wala naman po, yung dalawa kasi parang ang suplada nila at ang iingay. Pero yung isa… yung chinita na maganda, ewan ko pero, tinitignan ko lang siya parang natutulala siya parati… parang may iniisip. At narinig ko pa na sinabi nung isa doon sa chinita na katulad din daw sa kanya may something, di nga lang ako sure kung ano yung may something."

Napaisip ako at biglang napangiti. May something? Ano kaya ang ibig sabihin nun? “Naalala mo ang kwento ko sa’yo? Siya kasi yun, yung magandang chinita.”

Nagulat si Jess. “Totoo boss? Naku sorry po kasi pina-alis ko sila dito eh kasi hindi ko naman alam na siya pala yun. Next time boss. Pero sayang din boss, pinakawalan niyo ang pinakamagandang isda sa buong pacific ocean.” Napatawa ako sa sinabi niya at umalis na ito. Yun eh kung may next time pa. Kung nagtataka kayo kung bakit boss ang tawag nila sa akin dito, binili ko na kasi ang coffee shop na ito. Bumalik kasi ako dito nung time na narealize ko na hindi ko kaya na wala si Kim sa buhay ko. Pero nalaman ko na lang na binebenta na pala ng may-ari, kaya hindi na ako nagdalawang isip na bilhin ito. Gusto ko kasi magkaroon ng happy ending sa coffee shop na ito. At sisimulan ko na yun, 10 days Kimmy, hinding-hindi ko sasayangin ang 10 days na yan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D