Chapter 5

Till My Heartaches...END!

 

*HOME INVESTS OFFICE*

“Yeah.” Sabay tango-tango ko sa kausap ko sa phone. “Yes, 1 dozen of pink tulips and 1 dozen red roses. Oo, doon sa binigay kong address. Oo, yan lang ang message. Ok, thank you.” End of call. Hindi ko namalayan na andun na pala si Rayver sa loob ng office.

“Bro, ano itong sinabi sa akin ni Ana (secretary nila) na maganda daw ang mood mo ngayon?” Tanong sa akin ni Rayver. Naka-upo na ito sabay kuha ng newspaper sa table ko. Ganito na kasi ang routine namin sa umaga, bago yan pupunta sa office niya, dadaan muna siya sa akin magkakape and then we talked anything under the sun. Kung ano lang ang mapag-usapan. Magkatabi lang naman kasi ang room ng office namin. “May dapat ba akong malaman?” Pahabol na tanong nito.

“Bro, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon.” Nakangiti kong sagot. “Where’s our coffee?”

“Parating na yun! Pero teka, bakit ka masaya? Ahh, magaling ba yung babae na pinapunta ko sa condo mo?” Oo, tama ang nabasa niyo. Ito kasing si Rayver sa kagustuhan makapag move-on ako kay Kim kung sino-sinong babae ang pinapapunta sa condo, kaya nga parang gusto ko na lumipat ng condo eh, wala na akong privacy.

“Babae? Sa condo ko? What are you talking about bro, ni hindi nga tumagal ng 1 minute yun, pinaalis ko na kaagad.” Naka-ngisi kong sagot.

“What? Malala ka na bro. So bakit ganyan ka? Spill it!” Pinatong nito ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa ko at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Sakto naman na pumasok si Ana dala ang inorder niyang coffee. Sabi ko kasi sa kanya na kapag kami lang ni Rayver ang nasa loob, hindi na niya kailangan kumatok. Tumingin kami sa kanya ni Rayver at parang matatawa na kami sa facial reaction niya.

“Ah, sorry po sir. Ito na po ang coffee…niyo.” Nauutal niyang sabi. Sabay lapag ng tray sa ibabaw ng mesa ko. Pagkatapos ay mabilis siyang lumakad papalabas, pero bago pa niya isinira ang pinto nag salita pa ito. “Don’t worry mga sir. Wala akong nakita.” At lumabas na nga. Hindi na namin napigilan ni Rayver at humagalpak na kami sa tawa.

“Ikaw kasi wag mong masyado ilapit yang mukha mo sa muka ko. Mapagkakamalan tayo niyan eh.” Hindi pa rin kami tumigil ni Rayver sa kakatawa.

“Naku, sigurado magkukwento yun kay Christine pag pumunta yun dito.” Sabay tawa ni Rayver. “Pero teka, baka umiba na yung usapan natin. Ano na?”

Tumigil kami sa kakatawa. Sabay kuha ng kape sa tray.

“She’s here.”

“Who?”

“The girl that I’ve been waiting for.” Nakangiti kong sagot.

“No way! Totoo? Paano mo nalaman?”

“Hindi ko nalaman. Nagkita kami.”

“Saan?”

“Coffee shop.”

“Oooh! So alam na niya na ikaw na yung may-ari ng coffee shop? Nag usap ba kayo? Baka hi… hello… goodbye lang.” Pang-aasar pa ni Rayver.

“Hindi pa niya alam. Oo naman, ano akala mo sa akin, after 3 years ganun-ganun na lang? I need to make a move 10 days lang siya dito.”

“10 days? So ano plano mo? Kaya mo ba yun?”

“Wala ka na bang bilib sa akin? Kailan pa ako sumablay.”

“Kailan? Parati! Pagdating kay Kimmy sablay na sablay ka bro.” sabay tawa pa nito.

“Gago!” Sabay bato ko sa kanya ng ballpen, nasalo naman niya ito. “Wala talaga akong makukuha na moral support sa’yo.”

“Easy lang bro. Count me in. Ano ba ang maitutulong ko? Nag first move ka na ba?” Naka-ngiti nitong sagot.

“First move? I think nangyayari na yun ngayon.” At nag smile ako kay Rayver.

 

*SALVADOR RESIDENCE*

“Kimmy… insaaaaaaaan.” Sigaw ni Maja, papaakyat sa kwarto ko. Kumatok kaagad ito sa pinto. “Kimmy..”

Binuksan ko yung pinto. Nagulat ako dahil may dala itong mga bulaklak at… mga favorites ko pa.

“Ikaw talaga kung maka-sigaw ka. Oh, ano yang dala mo?” Dumiretso na ito sa loob ng kwarto ko.

“Special delivery for you. Ui, sino yan ha? Kakarating mo pa lang eh may admirer ka na.” Sabay abot nito sa akin ang mga bulaklak. “Pero bakit… parang may kutob ako kung kanino galing yan.” Sabay upo nito sa aking kama.

“Malay ko.” Nilapag ko ang mga bulaklak sa ibabaw ng cabinet ko tinignan ko ulit yung ayos ko sa salamin. First day ko ngayon kasi, after nila akong matawagan kagabi, pinastart na kaagad nila ako. Kulang daw kasi sila sa staff. 8am-3pm and duty hours ko. Mabuti na lang at isang ward lang kami ni Kakai. Both female and male ward ako na assign.

“Paano mo malalaman, buksan mo kaya ang card.” Sagot ni Maja. Tumayo ito at kinuha yung card na naka-ipit sa bulaklak. “Dali na, buksan mo na oh.” At inabot nito sa akin. Sa totoo lang kasi ayoko ng malaman pa kung kanino galing, masama ang kutob ko talaga dito, at mukhang pareho pa kami ng iniisip ni Maja kung kanino galing ito. “Insan, ano tititigan na lang ba natin ang card na yan?” pangungulit ni Maja.

“Ito na. Excited ka teh?” Binuksan ko na yung envelop at kinuha yung maliit na card.

“To Ms. Beautiful,

                Flowers are the sweetest things God ever made and so as you. May this flowers brighten up your day.

                                                                                                                                                                    Mr. Destiny"

“Mr. Destiny? Ang baduy naman niyan. Akala ko na si Mr. *cough* (askdlgh)-SON ang nag padala eh.” Hindi ko maintindihan yung sinabi niya mag-ubo-ubohan ba naman, pero may SON akong narinig. Loka-loka talaga. Bumalik ito sa kama at umupo. Mukhang disappointed. Kung alam niya lang kung sino itong si Mr. Destiny.

Itatapon ko na sana ang mga bulaklak sa basurahan, pero sayang din ang gaganda pa naman, ilalagay ko na lang sa altar.

“Siya yan.” Sagot ko, sabay kuha ng bag ko at mga gamit na dadalhin.

“Sino? Si Ge? Uiii. May pa – Mr. Destiny pa siyang nalalaman ah. Infairness, ang corny niya.” Sabay tawa.

“Diyan ka na nga.” Lumakad na akong papunta ng pinto. “Palagay na lang ng mga yan sa altar. Thank you. Bye insan!” Sabay sarado ko ng pinto. Iniwan ko na siya sa loob ng kwarto ko. Dumiretso na ako sa may gate, wala naman si Tita Baby eh maaga umalis kasi nagsimba pa.

Papalabas na ako ng gate ng sumigaw na naman si Maja. “Insaaaaaaaan.”

Lumingon ako sa kanya. “Ano?” Tanong ko.

“Bibisita daw si Mr. Destiny dito.” Pang-aasar nito sabay sira ng pinto. Panigurado tumatawa na yun sa loob. Pero napa-isip ako sa sinabi niya, OMG paano nga kung pumunta yun dito alam na alam niya ang address ni Tita Baby, at alam kong matigas ang ulo nun. Urghh! Bahala na nga, mamaya ko na iisipin yan. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D