Chapter 15

Till My Heartaches...END!

 

Kim’s POV

“Hoy, teh… ano maiiwan ka na lang diyan?” Sabi sa akin ni Kakai. “Tara na.”

“CR muna ako.”

“Uii… magpapaganda?”

“Excuse me, hindi no. I just need… to compose myself.”

Pumasok na kami ni Kakai sa loob ng CR. Inayos ko ang buhok ko, nag konting retouch ng make-up at nag lagay ng favorite lipstick ko.

“Sa lagay na yan, ayaw mong magpaganda ha.” Pang-aasar sa akin ni Kakai.

“CHE!” Lumingon ako sa kanya. “Kai, kinakabahan ako.”

“Ano? Tama ba ang narinig ko? Kinakabahan ang isang Kim Chiu? Bakit?”

“Eh kasi parang palagi na lang kami pinagtatagpo ni Gerald. Baka bandang huli… ayoko ng masktan ulit.”

“Takot ka na no?” Tanong sa akin ni Kakai, habang nag lalagay din ng kanyang o-so-red lipstick.

“Takot?” nagtataka kong tanong.

“Oo, takot mahulog at hindi na talaga maka-ahon.”

Napatigil ako sa sinabi ni Kakai. Hindi ko alam. Baka nga, natatakot akong magmahal muli sa taong minsan ay nasaktan na ako.

“Eh ano ang gagawin ko?”

“Hmm.” Lumapit si Kakai sa akin. “Eh paano kung gawin mo ang ginawa dati ni Gerald sa’yo? Yung tipong ikaw na lang palagi ang iniisip niya, ikaw na lang ang nakikita niya, at ikaw na lang ang nasa mundo niya. Yung baliw na baliw na siya sa’yo. Pero… siguraduhin mo na it's not-the-other-way-around, dahil patay tayo diyan.”

“Ang hirap naman niyan Kai.” Sabay lagay ng mga gamit ko sa loob ng bag at sumandal sa may lababo.

“Ha? Anong mahirap diyan. Gawing baliw si Ge sa’yo or maging baliw ka kay Ge ulit? Eh kitang-kita naman na mahal ka pa rin niya. Maliban na lang eh… kung mahal mo pa din siya?” Nilagay na niya ang kanyang mga gamit sa loob ng bag niya at lumingon sa akin. “Kimmy, mag kaliwanagan nga tayo. Sabihin mo ang totoo, mahal mo pa ba si Gerald? Oo o hindi lang ang accepted na sagot.”

“Ang sctrict mo naman.” Sagot ko.

“Ano na? Wag mong ibahin ang usapan Kimmy. Minsan lang ako mag seryoso.” Seryosong sabi ni Kakai sa akin.

“Oo.” Napapikit ako sa sagot ko, habang si Kakai naman ay tawa ng taw. “May nakakatawa ba sa sinabi ko?”

“Na realize ko lang kasi na pwede din pala akong mag artista.” Sagot ni Kakai, habang tumatawa.

“Ha?”

“Eh kasi napaamin kita.” Hinawakan ni Kakai tiyan niya. “OMG Kimmy, sabi ko na nga ba eh. Hindi ka pa totally naka-move on kaya pala wala ka naging jowa dun sa Canada.” Sabi pa nito. Sarap na talaga batukan ng babaeng ito.

“Ewan ko sa’yo. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko dito. Pinagtatawanan mo pa ako.”

“Sorry naman teh. O ano, tuloy ba ang plano?”

"Eh what if... it's the-other-way-around?"

"Di makipag date ka sa iba. Simple!"

“Sige… bahala na.”

Lumabas na kami ni Kakai sa CR at pumunta na sa table kung nasaan sila. Pagdating naming ay busy silang nakatingin sa menu, ng kinalabit ako ni Kakai.

“Game na.” Bulong nito sa akin.

“Hello… Ge.” Bati ko sa kanya. Napalingon siya sa akin at parang gusto kong tumawa sa mukha niya. Yung gulat na gulat. Pati sila Maja ay nagulat din. Biglang tumayo si Gerald at naka-tingin lang sa kin.

“Hi… Kimmy.” Nag smile siya. “Ahh, upo ka.” Hinila niya ang katabi niyag upuan, pero nag salita bigla si Maja. Magkaharap sila ni Gerald.

“Insan, dito ka na.” Sabi sa akin ni Maja. Kaya hindi na ako nag protesta. Kaharap ko na ngayon si Gerald. Tama ba itong decision ko na sumang-ayon sa plano ni Kakai? Bahala na.

Nag-order na kaming anim. Sila Rayver at Tin2 ay nilalanggam na sa ka-sweetan habang ang dalawang loka-loka ay nagtatawanan.

“So how are you Gerald?” Tanong ko sa kanya na ikinagulat niya.

“Uhm.. mabuti naman. Ikaw?”

“Doing good. So, why are you here? Baka may date ka at nakakasagabal kami. We can change table if you want.”

“No- no! Wala akong ka date. Uhm… ka meeting lang pero mamaya pa naman yun.”

“Ahh ok. By the way I changed my mind.” Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

“What do you mean?” Nagtataka niyang tanong.

“I’m staying here… for good. Yeah.” Pagkasabi ko nun ay parang nag-iba ang mukha niya. Parang masaya na parang hindi na parang naguguluhan.

“Really? That’s good.” Sagot niya.

Sakto naman na dumating ang inorder naming at kumain na kami.

“By the way, same kami ng hospital na pinagtatrabahuan ni Tin2 and Kakai.” Sabi ko sa kanya habang nagsa-slice ng steak na inorder ko. I don’t know kung effective ang pagfli-flirt ko sa kanya.

“Oh nice. Mabuti naman at kasama mo sila. May bantay.”

“Ha? What do you mean may bantay?” nagtataka kong tanong.

“Ah… wala.” And then he smiled.

“Ok.”

Pagkatapos naming kumain ay nagkakaayaan na mag sine muna. So siyempre pumayag naman ako. Bumili sila ng makakain habang kaming mga girls eh bumili ng ticket. Anvengers panunuorin namin. Not my type pero pwede na din, yan kasi gusto nila eh.

Nag start na ang movie ng pumasok kami. Pinili namin yung sa deluxe seat. Magkatabi kaming dalawa ni Gerald. Nasa kalagitnaan na ng movie eh parang guminaw sa loob ng sinehan kaya hinimas himas ko ang aking braso at nakita yun ni Gerald. Totoong maginaw talaga.

“Maginaw ba?” Tanong ni Gerald. Tumango lang ako. Nagulat ako ng bigla niya akong inakbayan. Gusto ko man mag protesta pero iniisip ko na lang ang plano namin ni Kakai. Buong palabas ng movie ay hindi inalis ni Gerald ang kamay niya sa balikat ko kaya hindi na rin ako maka-concentrate sa pinapanuod ko. Pagkatapos ng movie ay nagkakaayaan ng umuwi.

Nasa loob na kami ng sasakyan ni Ge, kasama si Maja.

“Ge, sa A&C Tower tayo.” Sabi ko sa kanya.

“Ok.” Nagulat ako dahil hindi man lang siya nagtaka kung bakit doon kami magpapahatid. Nasa front seat ako habang si Maja ay nasa back seat.

Mabilis naman kaming nakarating. Na una ng bumaba si Maja sa sasakyan at dumiretso na sa loob ng lobby.

Tinignan ko si Gerald. “Thank you, Ge.” And then I kissed his cheeks. Na ikinagulat naman. Baba na sana ako ng sasakyan ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

“Ah, Kimmy. Can I visit you in your room?” Tanong ni Gerald sa akin. Hawak niya ang kamay ko.

"Ha? What do you mean? Sa room ko?" Natatawa kong sagot.

"Sorry - sorry. I mean... can i visit you here?"

“Sure.” At binuksan ko na ang pinto ng sasakyan. Parang wala yatang balak ang mokong na pagbuksan ako.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D