Chapter 29

Till My Heartaches...END!

 

“Ano ang ginawa sa’yo ng Gerald na yun? Sabihin mo lang, ipapabogbog ko yun sa mga tambay sa atin.” Naiinis na sabi ni Maja.

“Pwede ba insan, huminahon ka nga. Tsaka yan ang wag na wag mong gagawin.”

“Oo nga girl, chill lang. Atsaka pwede mag pa kwento muna tayo kay Kimmy kung ano talaga ang nangyari?” Sabat naman ni Kakai.

“Sorry naman. Kasi ito kung umiyak eh.”

“So kasalanan ko pa ngayon.”

“Hai! Pwede ba, mamaya na kayo mag-away? Kwento ka na Kimmy.” Sabi naman ni Tin2. Kwenento ko nga sa kanilang tatlo ang nangyari. And what do I expect, iba’t iba ang reaction nilang tatlo. Si Maja kinilig, si Kakai naman na bwisit kay Ge, pero si Tin2 naintindihan niya daw si Ge. Mas lalo yata akong naguluhan sa kanila.

“Kimmy, hindi mo rin masisisi si Gerald kung bakit na lang ganun siya sa’yo. Naghintay siya ng three years, at nakita namin ni Ray kung gaano niya pinagsisisihan ang nangyari sa inyo.”

“Alam ko naman yun Tin2, pero ang hirap talaga. Sa totoo lang bumalik ako dito kasi akala ko ok na ako, akala ko na kahit magkita na kami wala ng sakit, wala na akong nararamdaman para sa kanya. Pero kanina nung tinanong niya ako, it feels like I’m betraying myself.”

“Yun na nga insan, sino ba kasi ang nagsabi sa’yo na eh betray mo yang self mo?” Mataray na sabi ni Maja. Tinignan naming siyang tatlo. Ano daw?

“Ano? Teka, hindi ko na gets.”

“Hai naku ang slow pa rin. Ang ibig kong sabihin kung mahal mo pa rin naman at mahal ka rin naman niya, then go. Kung hindi na, eh di putulin na.”

“Puno lang? Pero may point si Maja doon, Kimmy.” Sabat naman ni Kakai. “Diba nga…” Bigla kong tinakpan ang bibig niya.

“Hoy, ano yun? May tinatago kayo sa amin no.” pangungulit ni Tin2.

“Insan…”

“Wala.” Mabilis kong sagot sa kanila. Pero parang aytaw pa rin nilang maniwala dahil nakatingin lang sila sa akin.

“Mahal pa rin niya si Ge.” Biglang sabi ni Kakai. Napatakip naman ng bibig ang dalawa.

“Kakai…” Sigaw ko.

“Insan ha, nagtatago ka na sa akin. Pero tama talaga ang hinala ko. Kita naman eh.” Naka-cross arms pa siyang humarap sa akin.

“Yun naman pala eh. Kimmy, give yourself a chance na magmahal muli sa taong… mahal mo talaga. Kahit nasaktan ka niya or ano pa… ang importante mahal mo siya at mahal ka niya.”

“Pero paano…”

“Kimmy, ang importante ang ngayon.” Sabat ni Tin2.

“Nangyari na ang nakaraan, hindi mo alam ang kinabukasan. Ang  importante ang kaligayan mo sa kasalukuyan.” Natawa kami sa sinabi ni Maja. May alam din pala ang loka-loka ng mga ganyan.

“So ano ang gagawin ko?”

“Teka, bago ang lahat. Tuloy pa ba ang plano?”

“Anong plano?” Nagtatakang tanong ni Maja. Tinignan lang naming siya at tumawa.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D