Chapter 1
Till My Heartaches...END!
“All passengers, please be ready. We will be landing in 5 minutes.”
Yes! Im back. After 3 years that I’m away, ngayon lang ulit ako nakauwi and guess what? I am staying here for good. Siguro, oo isa sa mga reason kung bakit ako umalis is to move on. I worked in Canada as a nurse attendant. Destiny nga diba, I passed the nursing board exam. God has its own way on how to put things into right place. Noong una nakakapanibago, new people na pakikisamahan, new environment na dapat sanayin, but eventually I get used to it.
If you’re asking kung may special someone na ako doon? Nah! Hindi na muna, not in my priorities anymore. Kung darating – darating lang yan ng kusa. Destiny? Pero parang ayaw ko ng maniwala doon when it comes to love. I learned my lesson well enough.
3 years, hindi na masama para makapag move on. Ibang Kim Chiu na ako ngayon, WISER, TOUGHER and BOLDER. I am on my own world now. Kung dati eh halos kinalimutan ko ang mundo ko para lang sa mundo niya.
“Alam mo, dumadaan tayong lahat diyan. Alam mo, siguro ang pagkakamali mo, masyado mo siyang minahal. Ginawa mo siyang buong mundo. Kaya nung umalis siya, tingin mo parang wala – wala ng natira sa’yo.”
Hindi lang sa isip ko tumatak ang mga salitang iyan na sinabi sa akin ni Tita Baby, pati na rin sa puso ko. Hindi ko pinagsisisihan na minahal ko siya ng sobra, dahil alam ko sa sarili ko na naging masaya ako sa piling niya. Pero ganyan lang siguro, minsan ang taong inaakala mong siya na ang mamahalin mo habang buhay, hindi pala siya ‘yon. All you have to do is have the courage to forgive and forget everything and move on with your life.
“Insaaaaaaaaaaaaaaaaan.” Sigaw ni Maja. Kahit malayo pa siya eh dinig na dinig ko na ang boses niya. I miss her so much, kahit madalas kaming mag usap sa chat. Iba pa rin kasi ang ingay nito sa personal.
“Insaaaaaaaaaaaaaan.” Sabay hug ko sa kanya. “I’ve missed you, lalo na ang ka-ingayan mo.”
“Ako din. Pero teka…” Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “Ikaw ba talaga yan? Ang ganda-ganda mo insan, parang magmukha naman akong alalay mo nito. Kung alam ko lang, sana nag-ayos man lang ako.”
Natawa ako sa sinabi niya. Loka-loka talaga. “Loka! So dati panget ako?” Sabay taas ng kaliwang kilay ko.
“Ano ka ba! That’s not what I mean. Ang sinasabi ko lang naman, mas lalo kang gumanda ngayon. Ewan ko na lang pagnakita ka ni ano…” Hindi ko na siya pinatapos ng sasabihin parang alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
“Nino? Naku, tara na nga. Kung ano pa ang masabi mo diyan. Remember, FORGIVE… FORGET and…”
“Move-on.” Dugtong niya. At nagtawanan na lang kami.
Comments