Chapter 40

Till My Heartaches...END!

 

Na discharge na ako pero nandito pa rin ako sa hospital kasi hinihintay ko si Kimmy. Gusto ko kasi sabay kami umuwi. Nag stay lang ako sa room ko kasi kasama naman itong araw na to’ sa bill ko. Natawa nga sila Kakai sa akin dahil parang hotel lang daw yung hospital sa akin. Sabay kami nag lunch ni Kim, kasama sila Kakai. Ngayon ko lang siya ulit nakamasa ng buong araw na walang away, masaya lang kaming pareho. Dati pag tinitignan ko siya sa mata, all I can see is hatred and pain that I’ve caused her, pero ngayon alam ko, nararamdaman ko na masaya siya and I intend to make it forever. I’ll do everything para maging masaya si Kim.

“Ge…” napalingon ako sa tumawag sa akin nakaupo kasi ako dito sa isang bench sa lobby ng hospital. Nakita ko siyang nakangiti sa akin ang then I smiled to her also. Tumayo ako at lumapit sa kanya. I kissed her forehead.

“Tara na?” tumango lang siya. Naglakad kami palabas ng hospital ng magkahawak-kamay. Dumiretso kaming dalawa sa sasakyan ko. Pagkatapos ay pinaandar ko nay un. Mabilis kaming nakarating kasi hindi masyado traffic. Bumaba na kami at pumasok sa loob. Kung dati ay si kimmy lang ang bumababa kasi kinailangan kong sa likod dumaan para hindi siya magtaka.

“Kimmy, thank you for taking good care of me.”

 “Wala yun, basta sa susunod wag ka na mag skip ng pagkain ha para hindi na sumakit tiyan mo.”

“Oo. Uhmm. I’ll see you later?”

“Ha? Ano meron mamaya?” nagtataka niyang tanong.

“Ahh, wala naman. Dinner lang tayo diyan sa baba.”

“Ah ok. Sige. Kita na lang tayo later.”

“Sige.” Isasara na sana niya ang pinto pero pinigilan ko muna.

“Live with me.”

Kim’s POV.

“Live with me.” Natameme ako sa sinabi niya. Parang nag blanko ang utak ko, hindi ko alam kung paano mag react, kung ano isasagot ko. “Kimmy…” sabay kaway-kaway niya ng kamay niya sa mukha ko kaya parang bumalik ako sa realidad.

“Ah, sorry. Ah… Ge, ano… pasok na ako ha.” pagkasabi ko nun ay pumasok na ako at sinira kaagad ang pinto. Iniwan ko siya sa labas. Napaupo na lang ako sa sofa at napa-isip. “Live with me.” Pilit na nagrereplay sa utak ko. Ano ba ang dapat nasagot dun? Hindi ko alam. Pero nakita kong malungkot siya, is he expecting something? Oo, ok na kami pero ganun na lang ba kadali yun? Tumayo ako at mag shower na lang muna ako para naman mahimasmasan ako. Sobrang nabigla kasi ako sa sinabi ni Gerald.

Pagkatapos kong maligo nagbihis ako at nanuod na lang muna ng tv. Maaga pa naman eh, ewan ko kung matutuloy pa dinner naming mamaya. Palipat-lipat ako ng channel kasi wala akong magustuhan na panuorin, wala akong maintindihan eh kasi naman pilit nag rereplay sa utak ko yung “Live with me.” Is he serious? Bigla naman tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino, si Maja nag text.

“Insan, punta ako diyan ha.” text ni Maja.

“Ok. Dito lang ako, wait kita.” Reply ko.

Ilang minuto rin at dumating si Maja.

“Insan, balita ko ok na daw kayo ni Anderson ah.” nakangiti niyang sabi. “Kayo na ba ulit?”

Tinignan ko siya ng masama. “Anong kami na ulit, di pa no!” sagot ko naman sa kanya.

“Eh paano kung mag propose siya sa’yo?”

“Propose?” nagtataka kong tanong.

“Slow? Propose to be your lawfull wedded husband. Aray naman insan, nagiging hobby mo na yan ah.” ang kulit kasi kaya binatukan ko.

“Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi mo diyan. May pa-lawfull-lawfull ka pa diyan. Eh hindi pa nga kami nagkabalikan, husband na agad?”

“Ay, oo nga no. Pero naisip ko lang kasi mahal mo siya, mahal ka niya eh bakit papatagalin pa diba? Total, kilala mo naman si Gerald, kaya…”

“Di ko alam… di ko alam insan.”

“Alam mo insan Kimmy…” lumapit siya sa akin at umakbay. “Life is short, minsan kasi we don’t give importance sa mga bagay na nakapaligid sa atin kasi akala natin nandiyan lang yan forever, pero may hangganan ang lahat Kimmy. Nasa huli ang pagsisi, nasa kamay mo na at baka mawala pa.” seryosong sabi sa akin ni Maja.

“Eh ano ba ang dapat kong gawin?”

“Eh di kung ano ang sinasabi ng isip at puso mo.”

“Paano kung hindi sila magkatugma?”

“Eh di piliin mo yung mas lamang.” Ano nga ba ang mas matimbang? Ang sabi ng isip ko na huwag muna? O ang sabi ng puso ko na ok na handa na ulit siya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D