Chapter 10

Till My Heartaches...END!

 

Pagkapasok ko sa loob ng bahay, dumiretso na ako sa aking kwarto.  Ayokong makita nila akong umiiyak. Oo, umiiyak ako dahil naiinis ako sa aking sarili dahil pinayagan kong mangyari ang hindi dapat. Bakit ganun, konting lapit niya lang sa akin nanghihina na ako. Para bang nakakalimutan ko ang nangyari sa amin dati. He gave me up dahil sa ambisyon niya, dahil sa pride niya, dahil nasasakal siya sa pagmamahal ko at dahil hindi lang kaming dalawa ang tao sa mundo. Ngayon na nabubuhay akong mag-isa sa mundo ko, bakit pinipilit pa niyang pumasok.

Pagkatapos naming mag dinner ay nag usap kami ni Tita Baby, nag paalam ako sa kanya na lilipat na ng ibang matitirhan. Naintindihan naman niya ang naging rason ko.

“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

Nagulat ako sa sinabi ni Tita Baby. Natawa kaming dalawa ni Maja.

“Mama, saan mo naman nakuha yan? Daig mo pa kami eh.” Sabat ni Maja.

“Kay Bob Ong.” Sagot ni Tita Baby. Kaya mas lalo kaming natawa ni Maja.

“Teka meron din ako.” Sabi ni Maja. Nag-isip pa ito. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.” Sabay tawa niya. Pati si Tita Baby eh nakikitawa na rin. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano ang gusto niyang sabihin. “So sa tingin mo nag paka tanga ako?” Sagot ko sa kanya.

“Hindi ako ang nagsabi niya.” Sabay smile niya.

“CHE!”

“Pero seriously iha, hindi masama mag bigay ng isang pagkakataon, malay mo ngayon eh maging tama na ang dating mali. Sometimes life is all about taking a risk." Hinawakan niya ako sa kamay. "Nasa huli ang pagsisisi."

Napa-isip ako sa sinabi ni Tita Baby. “Hindi ko po alam tita. Masaya na po kasi ako sa kung ano ako ngayon at kung anong meron ako. Pero pag-iisipan ko po.”

3 days na rin na hindi nagpapakita si Gerald. Pero araw-araw naman siyang nagpapadala ng mga bulaklak, kaya nag mukang shrine na nga ang altar namin. Day off ko ngayon kaya ngayon ang napagplanohan naming ni Rayver na tignan ang unit ng condo ko.

Gerald’s POV.

“Ano bro, ok na ba?” Tanong ko kay Rayver, habang chini-check ang ibang papers para sa contract ni Kim.

“Don’t worry bro. Ok na ang lahat, at sinunod ko ang bilin mo, kaya wag ka ng mag-alala.”

“Basta make sure na hindi niya muna malalaman na magkatabi ang unit namin.”

“Eh kung sa akin naman eh safe yan. Nasabihan ko na rin si Tin2 na hindi muna mag mention. Ewan ko na lang sa’yo, baka isang gabi eh hindi ka makapag-pigil at pasukin mo siya.” Natatawa niyang sabi sa akin. Parang gago, ano akala niya sa akin katulad sa kanya.

“What time kayo magmi-meet?” Sinirado ko na ang envelope at binigay yun kay Rayver.

“10 daw.” Sabay tingin sa kanyang relo. “Oh shi... 10 minutes to 10 na.” Tumayo na ito at nag paalam. “So, kita na lang tayo dun? Galingan mo ang pagtago ha. Tsaka ayusin mo ang disguise mo, yung pogi ka naman.” Natatawa niya sabi sa akin at lumabas na ng office ko.

Pagkatapos kong pirmahan ang iba pang mga papeles, eh nag ayos na ako ng aking sarili. Susunod ako dun sa meeting nila Kim, pero hindi ako magpapakita. Sa tuwing maaalala ko ang nangyari nung gabi na yun eh nagpag-isip isip ko muna na maghinay-hinay at para na rin maging sure ako sa mga plano ko.

*A&C Tower*

Nandito na ako ngayon sa A&C Tower kung saan bumili ako ng unit. Kasama ko sila Maja, Kakai and Tin2. Ang iingay nila talaga. Si Tin2 naman eh kilala na kasi dito kasi nga si Rayver daw ang isa sa stock holder dito. Cruz siguro yung “C” sa A&C. Malamang. Eh ano yung “A?” Nag-uusap kaming tatlo ng dumating si Rayver.

“Hello, lovely ladies.” Isa-isa siyang nag beso sa amin.

“Rayver? Wow! Sosyal ka na ngayon ha. Ikaw pala ang may-ari nito.” Sabi ni Maja kay Rayver sabay hampas sa balikat nito.

“Ahh… hehehe. Isa sa may-ari. So let’s go.” Yaya ni rayver sa amin.

Sumakay kami sa elevator at nakita kong pinindot ni Rayver ang 15th floor. Nagulat ako, parang nasa toktok na iyon ah. Pagkalabas namin ng elevator ay nagpalingon-lingon ako. Nagulat ako dahil dalawa lang ang pinto na nakikita ko. Isa sa kabilang dulo at isa rin sa kabila.

“Ray, sigurado ka ba na dito? Bakit dalawa lang yata ang room dito.” Nagtataka kong tanong kay Rayver.

“Oo, ang totoo niyan kasi pang VIP ang room dito. Itong dalawang room na ito. Yan” Sabay turo ng pinto sa kaliwa.  “Yan ang sa’yo.”

“Wow! Sosyal naman pala ang unit mo insan. Mukhang special treatment ah.” Pang-aasar ni Maja.

“Kimmy, baka pwede mag sleep over dito.” Sabat pa ni Kakai.

“Oo naman. Anytime.” Sagot ko.  “Pero Ray, baka hindi ko kayang bayaran ito.”

“Don’t worry, hindi naman kita sisingilin agad-agad. Tara pasok na tayo sa loob.” Kinuha niya ang susi sa bulsa niya at binuksan ang pinto. Nagulat kami sa aming nakita. Sobrang ganda. At parang pinasadya dahil favorite color ko pa ang mga wall. Tsaka may may furnitures na. Kulang na lang mga appliances. Sana nilubos-lubos na ng may-ari. HAHAHA.

“Hala. Ray, hindi ko talaga kaya bayaran ito.” Sabi ko kay Rayver habang naglilibot ang mata ko sa buong unit. “Sabi ko sa’yo yung simple lang. Wala na bang iba?”

“Ah, eh… ano kasi. Naka reserve na kasi yung ibang unit.”

“Oh sige, pag hindi ko na kayang bayaran aalis na lang ako.” Natatawa kong sabi.

“Yan eh kung papayagan ka…”

“Ha? Papayagan nino?”

“Ah, eh… wala. Siyempre, hindi naman ako papayag na aalis ka dito. Wag ka ng mag-aalala ok?”

“Ok, ikaw ang bahala.”

“Kailan mo nga pala gustong lumipat?”

Naka-upo na kaming dalawa ni Rayver. Habang ang tatlo eh naglilibot sa buong unit.

“Bukas na sana, total day off ko pa.”

“Oh sige, walang problema. Ipapakuha ko na lang ang mga gamit mo.”

“Naku, hindi na. Kaya na namin ni Maja yun.”

“No! Ok lang, kasama naman yun sa service. Tsaka malalagot ako sa boss ko pag hindi kita inasikaso ng mabuti.”

“Hmmm. Naiintriga na ako diyan sa boss mo na yan ha. Kailan ko ba siya makikilala?”

“Sa tamang panahon…” Sabay abot niya sa akin ng contract. Binasa ko ito at pinirmahan na.

“Ah, teka Ray may nakatira ba sa kabilang unit?”

“Ah... I think that’s for you to find out.” Tumayo ito at lumapit sa akin. “Don’t worry… he’s harmless.” And then he smiled at lumakad na sa kinaroroonan ng tatlo.

“He? Ibig sabihin lalaki ang nakatira sa kabila?” Sabi ko sa aking sarili.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D