Chapter 3

Till My Heartaches...END!

 

Five days na rin ako dito, so far so good naman. Wala naman naging problema. Kakagaling lang namin nila Maja and Kakai sa hospital na pinapasukan niya.Friday kasi yung naka-sched na interview sa akin at saka yung entrance exam. BUkas ko pa makukuha yung result ko.

Lumakad-lakad muna kaming tatlo. Naghahanap ng pwedeng makainan. Hapon na rin kasi natapos, kawawa din itong mga kasama ko hinintay kasi nila ako.

“Sa tingin niyo makakapasa ako doon?”

“Hanubeeh! Oo naman no! Ako nga nakapasa, ikaw pa kaya eh ang tali-talino mo.” Sagot ni Kakai.

“Sure na yan insan. Pero isa lang ngayon ang sure ako.”

“Ano???” Sabay na tanong naming ni Kakai.

“Ang sakit na ng tiyan ko…” Sabay himas sa kanyang tiyan. “Gutom na talaga ako insan.”

Natawa kami ni Kakai. Akala ko naming kasi kung ano na eh.

“Kaya nga naghahanap tayo diba?” Sagot ko. Tapos napatigil si Maja sa kakalakad.

“OMG!!! Insan, nakikita mo ba ang nakikita ko?”

“Ano???” Sabay na naman kami ulit ni Kakai. Tinignan lang naming si Maja. Yung mukha niya eh parang nakakita ng multo – di joke lang. OA lang yung pagka describe ko. Pero yung mukha niya parang gulat talaga eh, kaya parang kinabahan na rin ako.

“Ayun oh.” With matching nguso pa. Kaya tinignan naming ni Kakai ang tinutukoy niya. Isang – isang… coffee shop. At hindi lang yung basta-basta coffee shop… well not for me. Napatigil ako sa paglakad. Bakit ganun? I thought naka moved-on na ako? Pero bakit iba itong naramdaman ko ng makita ko ulit ang coffee shop na yan? Memories kept on coming back to me na pilit ko ng kinakalimutan.

“Sa iba na lang insan. Hindi naman tayo mabubusog diyan eh.” Alibi ko. Sabay tingin-tingin sa pwedeng mapagkainan.

“Alam mo Kai, feel kong mag hot coffee ngayon. Kasi parang uulan eh.” Nag wink ito kay Kakai at bigla naman ngumiti ang isa na para bang nag match sa iniisip ni Maja.

“Ai, ako din Majz. Parang I need stimulants. Naubos energy ko kakahintay kasi sa isa diyan.” At nangonsensya pa ha. May pa stimulants-stimulants pa silang nalalaman. If I know pinagkakaisahan lang nila ako. Alam kasi nilang may past kami niyang coffee shop na yan. OO! Sa coffee shop ako may past. Hihihi.

“Sa iba na lang… starbucks. Mas masarap coffee nila…” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinihila na nila akong dalawa. “Ui, teka… ano ba… bitiwan niyo nga ako…” Pero wala na akong magawa, hanggang sa makarating na kami sa coffee shop. Hawak-hawak pa rin nila ang dalawang kamay ko. Magkabilaan pa sila. Pero hindi ko namamalayan…

“Kimmy, pasok na.” Sigaw sa akin ni Kakai. Hindi ko namalayan na binitawan na pala nila ang dalawa kong kamay at yung mukha ni manong guard eh parang ngawit na ngawit na.

“Sorry po.” Pag hingi ko ng pasensya sa kanya.

“Ok lang po ma’am. Pasok na po kayo.” At pumasok na nga rin ako. Ewan ko parang bigla akong nilamigan - aircon kasi pero hind yun, ibang feeling talaga, hindi ko alam kung ano.

“Saan tayo?” Tanong ni Maja. Infairness naman kasi marami pa rin mga customers ang coffee shop hanggang ngayon. Nagpalingon-lingon silang dalawa para makahanap ng vacant table.

“Ayon!” Sigaw ni Maja, sabay turo sa bakanteng mesa. Nagulat ako ng tinignan ko ito. Napatigil ako, mas lalong nag-iba ang pakiramdam ko. All the memories that were left in that table are all coming back to me again. The memories that I tried so hard to leave in the past. I don’t know but… parang nag e-echo lahat ng sinabi niya sa akin that night.

“Tama ka. Kailangan! Kailangan mag move-on. Kim, alam ko naman kung gaano mo ako ka mahal and I thanked you for that. Wala pang tao ang nag mahal sa akin the way you do.”

“Kim, hindi ko kaya na ako lang ang maging mundo mo. Kim, hindi ako sapat sa’yo.”

“Tama yung sinabi ko nung hindi tayo magkasama. Hindi ako yung lalaki na akala mong mahal mo. Kaya siguro mas mabuti pang mag kanya-kanya na muna tayo.”

Those were the words na pilit kong kinakalimutan at alam ko sa sarili ko na nagawa ko nay un. Pero bakit ganun, sa isang iglap lang, sa isang coffee shop lang bakit parang bumabalik lahat ng sakit? Hindi ko na namamalayan na napaluha na ako.

“Insan are you ok?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Maja. Mabilis kong pinahiran ang aking mga luha at nag smile sa kanya.

“Yeah! I’m okay.” Sagot ko.

“If you want, sa iba na lang tayo. Marami pa naman diyan…” tapos ay bumulong si Kakai “hindi naman talaga masarap ang kape nila dito eh.”

“Ai, ako din. Sawang-sawa na ako sa kape nila. Tara na nga.” Na pa smile na lang ako sa kanila. Alam ko kasing pinapagaan lang nila ang loob ko.

“Ano ba kayo, ok lang ako. Nandito na rin tayo, at mukhang uulan pa oh. Siguro na miss ko lang itong coffee shop.”

“Na miss ang coffee shop or ang nagse-serve ng coffee?” Mahinang sabi ni Maja. Ngumiti na lang ako.

Umupo na kami doon sa table na napili ni Maka. Sa table kung saan…

“Kimmy, natulala ka na naman diyan.” Siko sa akin ni Maja. “Order na tayo?” Nag nod na lang ako.

 

Tinawag ni Kakai yung waiter at mabilis naman itong lumapit sa amin. Kinuha niya ang order namin at umalis na. Ang daldal ng dalawa, kung ano-anong kwento ang sinasabi para malibang lang ako. Ilang minuto pa eh bumalik na yung waiter dala ang mga order namin. Pagkalapag ng tray sa mesa naming nag salita pa ito.

“Ah, ma’am ok lang po ba…” Sabay tingin sa kanyang relo “ok lang po ba na kapag dumating po yung boss namin eh, lumipat na lang kayo sa ibang table?” Napatingin kaming tatlo sa waiter, nagulat kasi kami sa sinabi niya. Napayuko na lang ang waiter dahil nahihiya ito.

“Ano? Bakit naman? Eh customer kami dito diba?” Mataray na sagot ni Maja.

“Tama at hindi mo ba alam, na customer is always right? Bakit mo naman kami papaalisin dito, eh dito namin gustong umupo.” Dugtong pa ni Kakai, na halos lumabas na ang ngipin niya sa galit.

“Eh kasi po, pwesto po yan ng boss namin. Pag kasi dumating siya dito at may naka upo dito sa table na ito eh kami po ang malalagot.” Nahihiyang sagot ng waiter sabay yuko nito.

“What time ba usually dumarating ang boss mo?” Tanong ko.

“Mga 5:30 po nandito na po yun.” Tinignan ko ang aking relo. 4:30 pa lang.

“Ok! 4:30 pa lang naman eh. By that time siguro tapos na din kami.”

“Ok po ma’am. Thank you po. Enjoy your coffee.” Nag smile ito at umalis na. Yung dalawa mas lalong umingay, gusto daw nila malaman kung sino ang boss nila at para maireklamo na. Ang tatapang talaga.

“Pero bakit kaya sa lahat ng table na nandito eh itong table pa ito ang napili ng kanilang boss, baka gaya din siya sa’yo Kimmy, may something.”

Tinignan ko lang si Kakai. Nagulat sa sinabi niya at the same time Napa-isip ako, ano ba meron dito sa table na ito at ito pa talaga napili ng boss nila. Ganun ba talaga ka special ito? Siguro, ang daming sad and happy endings ang nangyari na sa table na ito.

Tahimik lang ako habang yung dalawa eh kung ano-ano na ang sinasabi. Naglabo-labo na sa isip ko.

“Hoy, insan ayan ka na naman ha. Nahypnotize ka na ban g kape mo diyan?”

“Ewan ko sa inyong dalawa. Kumain na nga lang kayo diyan.”

Pagkatapos naming kumain, nagbayad na ako ng bill namin. Tumayo na kaming tatlo at lumakad papuntang pinto. Pagkalabas namin eh nagulat ako sa aking nakita… is this for real?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D