Chapter 34

Till My Heartaches...END!

 

Nasa labas ako ng ER ng narinig kong tinawag ako ni Maja.

“Insan, totoo nga. Masakit tiyan niya. At kailangan daw niya lagyan ng IV kaya lang ayaw ng mokong.” Bigla naman ako napatawa. Naalala ko kasi na takot si Ge sa needles, hindi ko akalin hanggang ngayon takot pa rin siya.

“Oh nandiyan naman sila Tin2 ah.”

“Eh ayaw nga. Alam mo na iba ang gusto.”

“Hay naku, off duty na ako ha. So hindi ko na siya responsibilidad.”

“Uiii, insan wag mong kalimutan ang code of ethics niyo.”

“Grrrr. Oo na.” Lumakad kami ng sabay papunta sa loob ng ER.

“Nurse, pwede ba ikaw na maglagay ng IV dito sa friend namin? Takot kasi sa karayom eh.” Sabi ni Maja habang papalapit kami kay Gerald. Napalingon naman ito sa amin at parang nagulat ang mukha niya ng makita ako.

“Sir. Ayaw niyo daw hong magpalagay ng IV? Kung ayaw niyo po eh di umuwi na lang po kayo, pati ibang tao nagagambala po kasi.” pang-aasar ko sa kanya. parang lumungkot naman ang mukha ni Gerald ng pagksabi ko nun.

“Insan.” Sabay siko naman sa akin ni maja. “Ang mean mo, may sakit na nga yung tao.” Bulong pa nito sa akin.

Dumating naman si Miss Dominguez dala ang mga gamit para sa IV.

“Oh miss Chiu, you’re here also. Friend mo din?”

"Boyfriend niya ma'am." Mabilis na sagot ni gerald. Kaya binatukan ko.

“Naku ma'am, wag kayong magpaniwala diyan. Akin na po yan ma'am para maitusok ko na yang karayom na yan dito sa lalaking ito.”

“Oh sige," Natatawa na sabi ni Miss. Dominguez. "Kayo na ang bahala diyan ha. Tatlo naman kayo. Paparating na si Dr. Lim. May kinuha lang siya sa office niya.”

“Ok po ma’am.” Kinuha ko yung mga gamit na dala ni Miss Dominguez at lumapit kay Ge.

“Are you ready, Mr. Anderson?”

“Kiss muna.”

“TSE! Sige ka, hindi lang isang karayom ang itutusok ko.”

"Joke lang. Ito naman. Nowadays, mainitin ulo mo. PMS ka ba?" nagtawanan naman sila Maja sa sinabi ni Gerald.

"PMS? Sige lang." Kinuha ko yung malaking syringe perp hindi ko naman yun gagamitin para sa IV panakot ko lang sa kanya.

"Ano yan? Sige na. Behave na po ako Ms. Chiu." sabay smile nito.

“Good! Ready ka na?”

“Kung hindi lang kita mahal eh.” mahina nitong sagot.

“Ano?”

“Sabi ko game na po.” Gusto kong tumawa sa mukha niya dahil pinagpapawisan na ito.

“Ok.” Nagsmile ako sakanya at kinuha ko ang right arm niya. Hinihimas-himas ko muna ito. “In 1… 2… 3…”

“Ahhhhhh…” nagtawanan kaming lahat dahil may papikit pikit pa ito.

“Wala pa nga Mr. Anderson kung maka sigaw ka diyan.”

“Ha? wala pa ba? Parang naramdaman ko na kasi ang karayom ang sakit kasi tagos hanggang sa puso ko.” binatukan ko ulit. Pumipick-up line pa kasi eh. Kinuha ko ulit ang kamay niya nakita ko naman kaagad ang ugat niya at dahan-dahan ko ng pinasaok ang needle ng IV.

“Done.” Sabi ko. napamulat naman siya at nagpapahid ng pawis sa noo niya habang ang mga kaibigan naming ay tawa lang ng tawa.

“Uhm excuse me…” tumigil sila sa kakatawa ng may nag salita. Si Doc Alex. (Epal! LOL.)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D