Chapter 14

Till My Heartaches...END!

 

Rayver’s POV (Siyempre may POV din ako dito. BFF ko ang bida eh. HAHAHA)

Pagkapasok ni Gerald sa kwarto niya ay lumabas na ako at lumakad papunta sa room ni Kim. Nasa pinto na ako ng biglang bumukas ito.

“Oh, Ray… ano ang ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong sa akin ni Kim.

“Ah… eh… ano…” Nauutal kong sagot. “Chini-check ko lang kung ayos lang kayo dito.” Sagot ko.

“Ayos na ayos! May pa welcome pa ngang pizza eh. Ganyan ba talaga ang BOSS mo sa mga clients niyo?” Sabat ni Maja at diniinan pa talaga yung BOSS.

Nagkatinginan kami ni Tin2.

“Sayang di namin naabutan ni Kai ang pizza.” Sagot ni Tin. “Ang takaw niyo kasing dalawa eh.” Dugtong pa nito.

“Si Maja lang no, hindi ako.” Mabilis na sagot ni Kimmy. Kaya medyo na-iba yung usapan.

“Asus! Kamo iniisip mo lang kung sino…” Bigla naman tinakpan ni Kim ang bibig ni Maja kaya hindi na natuloy ang sasabihin niya.

“Alam niyo, tara na. Gagabihin pa tayo eh.” Yaya ni Kim.

“Teka saan kayo pupunta?” Tanong ko.

“Mall. Mamimili lang kami ng mga appliances ni Kimmy.” Sagot ni Kakai.

“Ahh… ganun ba? Gusto niyo bang samahan ko kayo.”

“”Ah hindi na. Baka busy ka pa eh.” Sagot ni Kim.

“Ok lang. Para naman di na kayo mahirapan. May dala akong kotse.”

“Oh, yun naman pala insan eh. Tara na. Palagi na lang tayo nagta-taxi eh.” Sabay hila ni Maja kay Kim. Ang kulit talaga niya.

Na-unang lumakad sila Kim, Maja at Kakai habang kami naman ni Tin2 ay nasa likuran lang nila. Nagbubulungan.

“Wala bang sinabi si Maja tungkol kay Ge?”

“Ah, wala naman. Bakit? Nahalata niya?”

“Oo.”

“Hahaha. Kaya pala kanina parang namumutla si Ge nung magkita kami.”

Pagkababa naming sa lobby ay dumiretso na kami sa parking lot. Sumakay na kami ng kotse, katabi lang yun ng kotse ni Ge. Oo nga pala hindi ko pa siya nati-text. Pagdating na lang namin sa mall para hindi halata.

Mabilis naman kaming nakarating at dumiretso na kami sa Appliances Section. Habang busy ang mga girls sa kakapili ng mga appliances, ay nag tago muna ako at nag text kay Gerald.

[Bro, d2 kami mall. Appliances section. Sunod ka?] – Send!

Pagkatapos kong eh send ay hinanap ko na sila. Ang iingay talaga nila, iba’t-iba kasi ang gusto, pero si Kimmy pa din naman ang masusunod sa huli. Pagkatapos sa TV eh sa mga refrigerator na naman sila. Ang daming pinamili ni Kim. Madami sigurong ipon. Pagkatapos namin mamili ay nagkakaaya-an na kumain na muna. Idideliver naman daw yung mga appliannces. Papalabas na kami ng maramdaman kong nag vibrate ang phone ko.

Na-una ng lumakad ang mga girls at medyo nagpahuli ako. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nag text. Si Ge.

[Dito na ako bro. Saan kayo?]

Reply: [Gerry's Grill bro] – Send!

 Na unang pumasok si Kim, kami naman ay naka sunod lang sa kanya. Bigla itong lumingon sa amin at nag salita…

“Guys, sa iba na lang tayo. Uhm… feel kong mag pizza.” Sabi pa nito.

“Pizza na naman? Insan naman, purgang-purga na ako sa pizza no! Dito na lang.” At pumasok na si Maja. Narinig na lang naming siyang nag salita. “Ooooh! Kaya pala…” Pagkatapos nun ay isa-isa na kaming pumasok. At nakita nga naming si Ge, sa may bandang dulo naka-upo.

“Hoy, teh… ano maiiwan ka na lang diyan?” Sabi ni Kakai kay Kim. “Tara na.”

Na una kami nila Tin2 at Maja papunta sa kinaroroonan ni Ge. Lagot ako kay Kimmy pag nalaman niyang ako ang nagsabi kay Ge kung nasaan kami. Magagamit ko na naman ang acting skills ko.

“Ge, bro… dito ka pala.” Medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig ni Kim. Sana nga narinig niya kundi lagot ako. Nagsalubong naman ang kilay nito, nagtataka kung bakit yun ang sinabi ko. Kaya tinignan ko siya sa mata. Mabuti naman at madali niyang ma-pick ang ibig kong sabihin. 

 

“Ui… nandito pala kayo. Ano ginagawa niyo dito?” Pang best actor na sagot ni Ge.

“Kakain... Ikaw?” Tanong ni Maja, sabay upo nito. Umupo na rin kami ni Tin2 katabi ni Maja.

“Ah… ano kasi… may ka meeting ako dito. Pero mamaya pa naman yun.” Alibi ni Ge.

“Ok… sabi mo eh. Delivery boy.” Nakitang kong nanlaki ang mata ni Gerald at nagtinginan kaming tatlo.

“Please Maja, wag mong sabihin kay Kim. Please.” Pagmamakaawa ni Gerald kay Maja. Kaya natawa kami ni Tin2. Tumingin naman ng masama sa amin si Gerald.

“So ikaw nga yun?”

“Oo, kasi pag nalaman ni Kim na ako yun magagalit na naman yun sa akin. Please… Majz!”

“Hehehe. Oo naman, don’t worry Ge di ko sasabihin. Pero sabihan mo kasi ako ng mga pinaplano mo para matulungan kita. Ok?”

“Talaga? Tutulungan mo ako?” Nakangiting sagot ni Ge.

“Oo naman. Teka, nasaan na sila ni Kakai.” Tanong ni Maja. Pati kami rin nagtataka kung nasaan na silang dalawa. Tumingin kami sa pinto pero wala naman sila doon.

“Baka nag CR lang. You know.” Sagot ni Tin2.

Isa-isa kami kumuha ng menu at tinignan ito ng nagulat kaming apat sa nag salita.

“Hello Ge.” Sabay pa kaming napatingin doon sa nagsalita. Hindi lang si Ge ang nagulat kundi pati kami kung sino ang bumati sa kanya. Hindi naman kasi namin ine-expect yun.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D