Chapter 6

Till My Heartaches...END!

 

*MEDICAL MISSION HOSPITAL*

“Good morning Kimmy.” Bati sa akin ni Kakai.

“Good morning.” Matamlay kong sagot. Sabay lapag ng bag at mga gamit ko sa table.

“Oh, bakit parang hindi GOOD ang morning natin?” Tanong nito. Sabay kuha ng mga chart sa counter at dinala niya sa table namin. “Mamaya pala, bago mag rounds sabi ni Ma’am Agustin dumaan ka muna sa kanya.”

“Ok.” Maikli kong sagot.

“And after kong mag rounds, ito-tour kita dito ok?”

“Ok.” Maikli ko pa ding sagot.

“Hoy, babae. Ano ba ang nangyayari sa’yo. Simula nung mag-usap kayo kahapon ni EX parang nag menopause ka na diyan.”

“Hello.” Bati sa amin ng isang babae. Naka-uniform din siya ng gaya sa amin.

“Ui, gurl nandiyan ka na pala. Mabuti naman at hindi ka late ah. Anyways… meet Kim, Kimmy si Christine, Tin2 for short.”

“Hello, Kim.” Bati sa akin ni Tin2.

“Hello din.” Sabay kong ngiti. Tatlo lang kami ang naka-assign ngayon sa male and female wards sa shift namin, plus yung dalawang nursing aid, kaya nga daw pinag-duty na ako kaagad.

“Naka rounds na kayo?” Tanong ni Tin2 sa amin ni Kakai.

“Hindi pa. Ayusin ko muna itong mga chart.” Sagot naman ni Kakai.

“Ah ok. Welcome nga pala dito Kim.”

“Thank you.” Sagot ko naman.

“Bakit parang hindi ka yata good mood. Hindi ka ba excited sa first day mo dito?” Tanong ni Tin2 sa akin. Nahalata din niya.

“May iniisip lang.”

“Ayiiie. Dahil sa pag-big?” Pang-aasar nito. Aba eh kakakilala pa lang naming ang lakas ng mang-asar ah. Pero feeling ko magkakasundo kami nito.

“Nadali mo gurl.” Mabilis na sagot ni Kakai. Akala ko naman makakatakas na ako kay Maja. Meron pa palang dalawa.

“Oh siya teka lang ha, tignan ko lang yung mga results sa lab baka tapos na.” paalam ni Tin2 sa amin.

“Hoy babae, kwentohan mo ako, kamusta ang MOMENT? After niyong mag usap kahapon eh naging pipi ka na, tapos sa kawalan ka na lang parati naka-tingin.” Sabay taas ng isang kilay nito sa akin.

“Moment? Walang moment.” Pero kwenento ko na rin sa kanya yung maikling napag-usapan namin ni Gerald. Na sinabi kong 10 days lang ako dito ang yung pag hindi niya ng number ko.

“10 days? Bakit yun ang sinabi mo? Oh, binigay mo ba?”

“Ayoko nga malaman niya na mag-stay ako dito, kukulitin lang ako nun. Hello! Di ko binigay.. Wag na no! Ayoko na maulit yung dati.”

“Parang bitter pa din tayo teh?” Pang-aasar nito. “Eh paano yan pag binisita ka sa inyo, sabi mo pa naman 10 days ka lang dito.”

“Yun nga, sinabi na rin yan sa akin ni Maja. Kaya nga wala na ako sa mood eh, sirang-sira na ang araw ko, pinadalhan ba naman ako ng flowers at worst… mga favorites ko pa.”

“Ayieeeee!!! Sigurado ako hindi titigil yun, si Anderson pa.”

“Kaya nga nag-iisip ako kung paano ko iiwasan yun.” Naiirita kong sagot.

“Gurl, ang taong nagmamahal kahit anong iwas mo sa kanya, gagawin niya ang lahat masundan ka lamang - as in yung literally masundan.” Sagot ni Kakai na natatawa pa sa kanyang sinabi. Ang gulo niya.

“Eh dati hindi ba niya ako mahal dahil hindi niya ginawa ang lahat?” Napatingin ako kay Kakai. Napatigil siya sa pag-aayos ng mga chart.

“Kung sa bagay teh may point ka. Pero malay mo nauntog na at nakalimutan isuot ang helmet niya, kaya ayun sapul ang braincells niya at na realize niyang hindi niya kayang mawala ka.” Natatawa niyang sagot, pati ako napatawa. Loka-loka talaga. Ano nakain nito at yan ang pinagsasabi niya.

“Loka-loka ka talaga. Bahala siya sa buhay niya, kahit anong untog pa niya sa ulo niya wala na akong paki-alam sa kanya. May kanya-kanya na kaming buhay, dapat masaya na siya dun dahil ako masaya na.”

“Weh! Di nga, sure kang masaya ka ha? Eh ano yang nakikita ko, parang nangingilid ang luha mo.” Pang-aasar ni Kakai. Sarap batukan eh. Ayaw akong tigilan.

“Ewan ko sa’yo. Mag rounds ka na nga, anong oras na.”

“Opo!” Tumayo na ito at kinuha ang mga gamot ng ma pasyente na paiinomin niya. Papalabas na siya ng nurse’s station ng lumingon pa ito sa akin. “Aminin mo kasi na, na-miss mo rin siya.” At lumakad papunta sa ward. Lord, bakit ganito? Akala ko magiging ok na pag uwi ko, pero bakit parang nag labo-labo pa yata ang situation ngayon. mali ba ang naging decision ko na umuwi dito?

 

*Cafeteria*

Nandito kami ngayon sa cafeteria ng hospital. Break kasi namin, kasama ko si Kakai and Tin2. Nandun naman si ma’am Agustin at yung dalawang nurses aid, kaya ok lang na sabay kaming tatlo nag break. Tama nga ang kutob ko, loka-loka din ang isang ito, si Tin2. Kaya mabilis kaming nagkasundo, siguro pag kasama pa namin ngayon si Maja riot na kaming apat.

“Oh, may naisip ka na ba Kimmy, na solusyon diyan sa problema mo?” Tanong sa akin ni Kakai. Sabay kuha nito ng cheesecake na binili namin.

“Ano problema mo gurl?” Tanong ni Tin2, sabay inom ng icetea niya.

“May gustong iwasan kasi.” Mabilis na sagot ni Kakai. OK! Sila na lang kaya ang mag-usap.

“Oh, sige kayong dalawa na lang ang mag-usap? Makikinig lang ako.” Nagtawanan kaming tatlo.

“Iniiwasan?” Nagtatakang tanong ni Tin2. “Sino?” Tanong pa nito.

“Yung taong…” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko eh.

“Ex-boyfie niya.” Sagot ni Kakai kay Tin2. Tapos tumingin sa akin. “Ito, hindi mo kayang sabihin na ex mo na lang siya no?”

“Tumigil ka nga diyan Kakai. Kumain ka na lang ok?” Sabay subo ko sa kanya ng cheesecake kaya nagulat siya, ok lang kasya naman sa bibig niya. HAHAHA!

“Ayy, mahirap yan. Lalo na pag mahal mo pa.” Nagtinginan silang dalawa ni Kakai at nag-ngitian. Tama bang pagkaisahan ako sa harap ko?

“Hep! Hep! FYI lang sa inyong dalawa. Hindi – hindi ko na siya ma – ma-hal no!” Sabay inom ko ng icetea. Naubos ko yata. HIHIHI!

“Nauutal ka teh! Ulitin mo para hindi obvious.” Sabay tawa nito at nag apir pa silang dalawa. Mabuti na lang talaga wala si Maja eh, hindi pwede mag sama ang tatlong ito at pag lovelife ko na ang pinag-uusapan. Sumasakit ulo ko sa kanila.

“So may naisip ka na ba?” Tanong ni Tin2.

‘”Naisip ko, kung lumipat na lang kaya ako ng tinitirhan. Maiintindihan naman siguro ako ni Tita Baby.” Sabay palumbaba ko sa mesa.

“Pwede Kimmy.” Pag sang-ayon ni Kakai.

“Pero naisip ko lang Kimmy ha, wag mong masamain. Diba kung hindi mo naman na siya mahal, bakit kailangan mong umiwas? Sabihin mo sa kanya ng diretso... kung ayaw mo na talaga sa kanya. Ang tanong... Kai?” Tumingin ito kay Kakai. Sila na - sila na talaga ang nagkakaintindihang dalawa.

"Do you still love HIM?" Tanong sa akin ni Kakai. Nakatingin lang silang dalawa sa akin ni Tin2.

"Ewan ko, hindi ko alam."Yun lang ang naisagot ko, eh sa hindi ko naman talaga alam eh.

"Mahihirapan tayo diyan Kimmy. Kung hindi na- hindi na. Di ba? Sabihin mo sa kanya ng maaga, para pareho na kayo totally maka move on."

“Ui gurl, minsan pala magaling ka din mag advice no.” Binatukan ni Tin2. Kaya natawa kaming tatlo. Sabi sa kanya ni Kakai. Natawa ako. Hindi na talaga magtitino ang babaeng ito.

“Oo alam ko yun, pero kilala ko siya. Alam kong hindi rin ako titigilan nun. Kaya yun na lang ang pinaka best na solution ngayon.” Sagot ko sa kanila.

“Teka…” Sabay tapik-tapik ng daliri niya sa kanyang mukha. Nag-iisip siya? Wala lang. HAHAHA! “Tin2, diba si Papa Ray mga condo unit yung business niya?”

“Ay, oo tama. Kung gusto mo kimmy, ipapakilala kita kay Ray. Sabihin ko sa kanya bigyan ka ng discount.”

“Talaga? Sige. Thanks Tin.”

“Sure. Teka lang tawagan ko ha.” Paalam sa amin ni Tin2 at lumayo-layo ito sa table namin.

Kaming dalawa na lang kami ni Kakai ang naiwan sa mesa. Habang kausap ni Tin2 ang boyfriend niya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D