Chapter 28

Till My Heartaches...END!

 

“Mahal mo pa ba ako Kim?” Tanong ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot.

“Pwede ba, wag mo na siyang pilitin kong ayaw niya na sa’yo.” Hinarap ako ni Alex. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili kong hindi siya saktan dagil ayoko pang madagdagan ang galit ni Kim sa akin. Anong karapatan niyang pagsabihan ako.

“I’m not talking to you so shut up at baka hindi ako makapagpigil at…”

“At ano? Ipabugbug mo ako sa mga kaibigan mo? Then do it! Hindi na ako ang dating lampa… Anderson.”

“Hindi…” Nagulat ako ng biglang magsalita si Kim.

“Anong ibig mong sabihin Kim?”

“Hindi… ko alam Gerald.” Tinignan niya kaming dalawa ni Alex.

“Kim, hindi naman pwedeng hindi mo alam.”

“Eh ano ba ang gusto mong sagot eh sa hindi ko nga alam.”

“Kung ano ang sinasabi ng puso mo Kim, yun ang kailangan kong marinig. Kung wala na talaga, then maybe it’s time for me to give up. Pero kahit konti lang Kim, pangako ipaglalaban ko ang konting ‘yun.”

“Gerald, ang hirap kasi. Masakit pa rin.” Pagkasabi niyang yun ay biglang tumulo ang luha niya at tumakbo papalayo sa amin.

Naiwan kaming dalawa ni Alex nakatayo habang nakatingin lang kay Kim tumatakbo papalayo. Naging selfish ba ako dahil sarili ko lang ang iniisip ko at kahit alam kong nasasaktan na si Kim pinipilit ko pa rin siya?

Umuwi na lang ako sa condo para makapag-isip kong ano ang mabuting gawin.

“Bro, ano na naman ang ginawa mo?” Si Rayver, tumawag.

“Hindi kita maintindihan.” Matamlay kong sagot.

“Pwede ba Ge, umayos ka nga. Sabi sa akin ni Tin2, iyak ng iyak daw si Kim. Ano ba talag ang nangyari?”

“Nag-usap lang kami.”

“Nag-usap? Ako nga Gerald wag mong gaguhin, kilala kita.”

“Oo, nagkasagutan kami at nasuntok ko ang Alex na yun.”

“Ano? Bro, hindi kami nagkulang ng paalala sa’yo…”

“Alam ko. Inaamin ko naman na mali ang ginawa ko. Pero bro, nag selos ako.”

“Yun lang? Gerald, hindi ka na teenager para hindi alam kung saan ilulugar ang sarili mo.”

“Oo na, pwede ba. Ringding-ringdi na ako sa sermon ng Alex na yun, wag mo ng dagdagan.”

“Bro, alam ko ang lahat ng ginawa mong sacrifices para kay Kim, pero wag mo siyan biglain. Sobrang minahal ka ng tao at nasaktan mo siya, kaya wag mong asahan na magiging madali lang ang lahat. One step at time…”

“Yun naman talaga ang plano ko, pero ng pumasok itong Alex na ito sa buhay ni Kim, nawalan na ako ng kampante sa sarili ko. Kahit gaano katagal maghihintay ako, pero noon yun ngayon hindi na. Hindi ko hahayaang mapunta si Kim sa iba at sa lalaking yun.”

“Naiintindihan kita bro, pero lumaban ka ng patas. At bawas-bawasan mo ang selos-selos na yan. Para kang bakla eh.” Natatawa niyang sabi sa kabilang linya.

“Gago. Sige na. Pupuntahan ko pa si Kim.”

“Wag!”

“Bakit?”

“Girl talk daw. Ewan ko sa kanila.”

“Eh di mag boys talk din tayo.”

“Coming.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D