Chapter 30

Till My Heartaches...END!

 

Maaga akong nagising, naligo at nag-ayos ng aking sarili. Nakapag-isip na rin ako kagabi. Tama naman ang sinabi nila, kung mahal ko pa si Gerald then go, ag ko na daw hintayin ang araw nab aka mapagod ang tao kakahintay sa akin. Pain is inevitable in love. Getting hurt is part of it.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at dumiretso na sa labas. Pero wala pa doon ang sasakyan ni Gerald. Parati kasi siyang nanuuna. Nagbago na kaya ang isip niya, nag give up na kaya siya sa akin? Pumasok ulit ako sa loob para magtanong-tanong.

“Ahh, miss… may nakita po ba kayong sasakyan na dumaan na dito. Color white, parang sports car yung itsura. Yung palaging sumusundo sa akin.”

“Ai, sorry po ma’am. Bago lang po kasi ako dito. Kung gusto niyo po, itatanong ko lang doon kay Ms. Maggie.”

“Sige, thank you.” Pagkasabi ko nun ay umupo na lang muna ako at umalis na yung babae.

Ilang sandal pa ay may lumapit sa akin na babae.

“Good morning Ms. Chiu.” Bati niya sa akin. Kilala niya ako? Siguro nga kilala niya lahat ng nakatira dito.

“Good morning din.” Bati ko rin sa kanya.

“Uhm… hinahanap niyo daw po ang sasakyan ni sir. Gerald?” Nakangiting sabi niya sa akin.

“Ha? Sir. Gerald?”

“Yes, ma’am. Sabi kasi sa akin ni Myra, yung palagi pong sumusundo sa inyo. Si sir. Gerald.”

“Teka… teka! Hindi kita maintindihan eh. Paano mo siya nakilala? Palagi ba siya dito? I mean… maliban sa pag hatid-sundo sa akin. Kasi hindi naman siya pumapasok dito eh.”

“Ma’am, paano po nangyari yun eh si sir. Gerald po ang may-ari nitong tower. At tsaka po dito siya nakatira.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nagulat ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. All this time. Niloloko nila ako? Alam kong alam nila Tin2 na kay Gerald ito, pero bakit hindi nila sinabi sa akin. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko man lang naisip na mag bestfriend si Gerald at Rayver, pero napaniwala nila ako.

“Ah, sige miss. Thank you.” pagkasabi ko nun ay umalis na ako. Nagkamot na lang ng ulo yung babae. “Grrr. Nakakainis sila. Pinagkaisahan nila ako.” Padabog kong sabi sa aking sarili. Pagkalabas ko ay pumara kaagad ako ng taxi.

Pagkadating ko sa station ay naabutan ko sila Kakai at Tin2 na nag-uusap pero hindi ko sila binate. Dumiretso lang ako sa locker at nilagay doon ang mga gamit ko.

“Kimmy, nandiyan ka na pala. Late ka yata ngayon. Wala ba ang taga-sundo?” Naka-ngiti pang sabi ni Tin2 sa akin. Alam kong may alam ang loka-lokang ito. Hindi ko na muna sila pinansin. Pumunta ako ng counter at kinuha ang mga chart ng patient ko. Pagkatapos nun ay umupo na ako sa table pero hindi ko pa rin sila kinakausap.

“Kimmy, ok ka lang ba?” Sabay lagay ni Kakai ng kamay niya sa braso ko. “Akala ko napag-usapan na naitn kagabi yan.” Dugtong pa nito. Pero hindi pa rin ako sumagot. Kaya nagkatinginan sila ni Tin2.

“Nahu ha, pag yan hindi mo nailabas, baka sumabog na lang bigla.” Pang-aasar pa ni Tin2. Pero tinignan ko lang siya at bumalik agad sa ginagawa ko. Hindi na rin nila ko kinulit at bigla silang tumahimik na dalawa.

“Si Gerald ba ang may-ari ng tinitirhan ko?” Una kong tinignan si Kaki at sinunod si Tin2. Parang nanlaki ang mata nila at para silang natakot bigla sa akin. Hindi naman talaga ako galit sa kanila, kasi alam ko napasubo lang din sila at baka humingi ng favor sa kanila si Ge. Pag-titripan ko muna sila.

Sobrang tahimik nilang dalawa, yumuko lang at parang natataranta sa kanilang ginagawa.

“Ano, hindi ba kayo sasagot?” Bigla naman silang napatingin sa akin ng sabay.

“Oo.” Sabay nilang sagot at yumuko na lang. Hindi ko na mapigilan na hindi tumawa dahil sa mga mukha nila. Tumayo na ako at kinuha ang mga chart at umalis na.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D