Chapter 8

Till My Heartaches...END!

 

Nandito na kami ngayon sa starbucks sa loob ng Rockwell. Kasama ko sila Kakai and Tin2. After ng shift namin, nag libot-libot muna kaming tatlo dito hanggang sa mapagod, malapit na naman mag 5 kaya dito na lang namin hihintayin si Ray.

“Kimmy, sure ka na sa decision mo?” Tanong sa akin ni Tin2.

“Oo, wala naman akong magawa. Sa ngayon ito lang talaga ang naisip ko.” Sagot ko.

“Eh paano kung hindi ka tigilian ni papa Ge?” Sabat naman ni Kakai, habang kumakain ng chicken empanada niya.

“Mapapagod din yun.” Sagot ko.

“Hindi rin. 3 years nga.. I mean, hindi naman siguro.” Sabay smirk ni Tin2. Nagulat ako sa sagot niya.

“Ha? Paano mo naman nasabi?” Nagtataka kong tanong.

“Ah eh. Wala lang. Feeling ko lang. Hehehe.” Pati siya eh parang nagulat sa sinabi niya. “Wag mo ng intindihin ang sinabi ko.” Dugtong pa niya.

Maya-maya eh tumunong ang cellphone niya.

“Si Ray, on the way na siya.” Sabi niya sa amin ni Kakai. Ewan ko bigla kasi kaming tumahimik. Si Kakai busy kakakain ng chicken empanada niya, si Tin2 naman busy kaka-text, at ako, busy kakaisip sa sinabi ni Tin2. Bakit kaya niya nasabi yun? After 10 minutes may dumating na lalaki. Pero bakit… teka kilala ko siya ah. Isip Kim – isip! Nag beso muna siya kay Tin2, and then kay Kakai tsaka siya umikot papunta sa akin.

“Kimmy…” Bati niya sa akin. Teka sandali lang. Buffering… initializing… loading… Ayun tama.

“Rayver? As in Rayver Cruz?” Natawa siya sa akin. Hindi kasi ako ganun ka sigurado, sa totoo lang kasi mga thrice ko lang siya nakita, kahit na bestfriend pa siya ni Gerald. Hindi kasi ako masyado sumasama sa mga gimik nila dati. Pero mabait naman itong si Rayver.

“Oo, ako nga. How are? Ang tagal natin hindi nagkita ha. Tama nga yung bulong sa akin, mas lalo kang gumanda.”

“Sus! Pero thank you. Hihihi.” Nag beso ako sa kanya. “Teka, don’t tell me ikaw ang Ray na boyfriend nitong si Tin2.”

“Obviously, yes.” Natatawa niyang sagot ulit. Sabay upo niya, katabi ng upuan ni Tin2. “So, how are you Kimmy?”

“I’m ok. Doing well… I guess.” Sagot ko.

Si Christine na ang nag-order para kay Rayver, para daw maka pag usap na kami.

“So, what can I do for you?” Tanong sa akin ni Ray.

“Uhm. I’m planning kasi to buy a condo unit, yung tama lang for me.” Sagot ko.

“Consider it done. So…”

I cut him.

“Teka, bago ang lahat, may gusto lang akong liwanagin.”

“Sure. Ano yun?”

“Are you with the same company with Ge… Gerald?”

Hindi ko alam pero nag tinginan sila ni Tin2. Si Kakai naman ay parang nagulat sa sinabi ko.

“Magkakilala kayo ni Papa Ge?” Nagtatakang tanong ni Kakai kay Rayver.

“Hindi lang magkakilala, we’re best of friends.” Sagot ni Rayver sabay stir ng coffee niya. Natawa naman ako sa naging reaction sa akin ni Kakai. Nakatingin lang ito sa akin at nananlaki ang mata. “At sa tanong mo naman Kimmy, no… no we’re not. He has his own company now.”

“Good! It’s a done deal I guess.” Sagot ko.

"Ok. So i'll send you na lang the details."

"Sige, thank you."

“Teka, teka... naguguluhan ako. Kung bestfriend mo siya, eh bakit hindi ko man lang siya nakikita sumama sa mga gimik natin.”

Napa-isip ako. Oo nga no, kaibigan ni Rayver si Gerald at alam kong mahilig talaga sila gumimik.

Nag sip muna si Rayver ng coffee niya bago sumagot. Si Tin2 naman ay tahimik lang. “Ewan ko nga ba dun sa kaibigan kong yun. From the day he realized kasi na iniwan na siya ng babaeng minahal niya eh parang nawalan na ng social life.”

Nagulat ako sa sagot ni Rayver. Nagpabalik-balik sa isip ko ang mga sinabi niya. But I don’t want to assume na ako yun, maybe… he loved another girl after me.

“Does he have a girlfriend now?” Tanong ni Kakai. Tsismosa lang talaga siya. But I admit, I also want to know that.

“Girlfriend?” Natawang tanong ni Rayver. Pero parang napalakas yata ang pagkasabi niya with matching ubo-ubo pa. Pati si Tin2, naki-tawa na rin. “No, he doesn’t have one right now… pero sa pagkakaalam ko lang ha, meron siya ngayon kinalolokohang babae.” Dugtong nito.

Hindi ko alam, pero bakit parang may naramdaman akong selos. Even though how many times I said to myself na I have moved on, pero bakit ganito pa rin. Wala na dapat akong maramdaman na kahit ano para kay Gerald.

“Grabe, kung alam lang nung girl na yun ang ginawang paghihintay ni Ge, he would do everything to that girl.” Sagot pa ni Tin2.

“Bakit? Hindi ba siya gusto ng girl?” Hindi ko alam kung bakit ko naitanong yun. Kung pwede nga lang bawiin eh.

“Yun ang… hindi namin alam. Mukha kasing he needs a lot of efforts para maging sila ulit… I mean maging sila na.” Sagot ni Tin2.

“Ay choosy pa yung girl ha, Gerald Anderson na yan aayawan pa?” Sagot ni Kakai. Ewan ko kung bakit natawa sila Tin2 and Rayver.

"Hindi naman siguro CHOOSY yun girl, nag-iingat lang. Baka ayaw na niyang masaktan ulit. Diba?"

"Tama." Mabilis na sagot ni Rayver.

“Eh marami pa naman ibang babae diyan ah, bakit hindi na lang siya mag hanap ng iba.” Sagot ko. Do i sound bitter?

“Ay siguro bongga ang pagtama ni kupido kay papa Ge doon sa babae. Siguro ang ganda-ganda niya, knowing him.” Sabat ni Kakai. Sarap batukan.

“Sapul na sapul Kai.” Sagot ni Tin2 na parang tumatawa.

"Nakita niyo na ba yung babae?" Tanong ko.

"Ui, interested ka teh?" Pang-aasar ni Kakai sa akin sabay pisil sa tagiliran ko.

"Ah, oo naman." Sabay na sagot nila Rayver and Tin2.

"Oh eh may karapatan ba si girl maging choosy? Nilagay niya ang kamay niya sa ilalim ng mukha ko. "Mas maganda pa ba dito? Tanong ni Kakai sabay kagat sa chicken empanada niya. Kanina pa niya kinakain yun ah, hindi pa niya nauubos. HAHAHA.

Ewan ko kung bakit natatawa sila Rayver and Tin2 sa tanong ni Kakai.

"Ang totoo niyan eh, magkahawig na magkahawig. Di kaya may long lost twin ka Kimmy." Sagot ni Tin2 sabay tawa ng malakas, pati si Rayver ay tawang-tawa sa sinabi ni Tin2.

"Mga sira talaga kayo. Change topic na nga tayo." Sabay sip ko ng ice cold frap ko.

"Oh, change topic na daw sabi ni mayora. Selos na selos na siya eh." Sabi ni Kakai sabay tawa. Binatukan ko nga. HAHAHA.

“Eh, Kimmy… pwede mag tanong?” Si Rayver. Akala ko hindi na matatapos ang tawa niya eh.

“Ano yun?”

“What if manligaw ulit si Gerald sa’yo, may pag-asa ba?” Tanong ni Rayver, sabay sip ng coffee niya. Venti kasi kaya hindi pa nauubos. HAHAHA.

I was taken off guard sa tanong ni Rayver. Hindi ko kasi inaasahan yun. “Ah, eh. Hindi ko alam.” Yun lang ang naisagot ko.

“Kim, hindi pwedeng hindi mo alam. There should be an answer.” Sagot ni Rayver.

“In the right time, Ray. I will have an answer to that.” Sagot ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D