Chapter 32

Till My Heartaches...END!

 

“Oh, ano ang agenda natin ngayon girls?” Sabi ni Maja sabay upo. Nandito kami ngayon sa starbucks sa loob ng Rockwell. Tinignan lang namin siyang tatlo.

“Anong agenda pinagsasabi mo? Kamo may kailangan kayong eh explain sa akin.”

“Ha? Hindi kita maintindihan.” Nagtatakang tanong sa akin ni Maja.

“Alam na niya.” Sagot naman ni Kakai.

“Ha? Alam mo ng si Ge ang nasa kabilang room?” nanlaki ang mata ko sa narinig ko tapos sila Tin2 at Kakai naman ay napayuko at kulang na lang magtago sa loob ng bag nila.

“Ha? Si Ge ang nasa kabilang room?” napalakas ang pagkasabi ko kaya biglang nagtinginan ang mga tao sa loob ng starbucks.  “Ano ba ito? Lokohan ba tayo? Ano ba ang pinagsasabi mo insan? Pwede ba, please lang explain it to me.” Naiinis kong sabi sa kanila. Ni isa walang nagsasalita. “Ano? Wala bang magsasalita sa inyo?” Nakita ko pang nagsikohan silang tatlo. “Pagwala pa ni isa sa inyo ang magsalita magwawala na talaga ako dito. Wag niyo akong subukan.” Pananakot ko sa kanila, pero hindi ko naman gagawin yun.

“Eh ano kasi Kimmy…” Si Tin2, parang nag-aalangan mag salita. “Lagot ako nito eh.”

“Oo, pag hindi pa talaga kayo magsalita may malalagot sa inyo.”

“Kasi pinaki-usapan ako… kami ni Rayver ni Ge na wag sabihin na siya yung may-ari ng tower. Baka kasi pag nalaman mo baka daw mag back out ka. Kaya nga pangalan ni Rayver yung nakalagay sa contract mo, pero ok lang naman yun kasi part-owner siya ng home invest. Sorry talaga Kim.”

“Nakakainis lang kasi nagmukha akong tanga. Alam niyo ba yun? Ang masakit pa dun, all this time pinagkaisahan niyo akong lahat.” Tumahimik silang tatlo. “Pati ikaw insan, kasabwat ka rin pala ng lalaki yun. Alam mo naman pala na si Gerald ang may-ari nun bakit ka pa pumayag na dun ako tumira?”

“Insan let me explain ok? Kalma! First of all hindi ko rin alam na si Ge ang may-ari nun, nalaman ko lang nung araw na lumipat ka.”

“Ha? Paano? Eh tayo-tayo lang naman ang nandun diba. Nandun ba siya, bakit hindi ko nakita?” nagtataka kong tanong.

“Remember the pizza delivery boy?” nagtinginan pa sila at nag-ngitian.

“Oh my… hindi nga. Sabi ko na nga ba eh. Familiar kasi ang boses. Ang tanga-tanga ko talaga.” Sabay batok sa sarili ko. Tumawa silang tatlo.

“Sorry talaga Kimmy, kung akala mo pinagkaisahan ka namin. Gusto lang kasi namin na magkabalikan kayo ni papa Ge.” Sabat naman ni Kakai.

“Naiintindihan ko naman kayo sa gusto niyong mangyari pero sana hayaan niyo ako magdesisyon para sa sarili ko. Ok? Sana next time wala ng lies and wag niyo na akong pagkaisahan ok.”

“Yes ma’am.” At nag hug pa silang tatlo sa akin. “Sorry, Kimmy.”

“So anong plano mo? Hahanap ka ba ng ibang malilipatan?” nag-smile lang ako sa kanila. Tuloy ang plano.

 

 

Gerald’s POV.

“Bro, nasa Rockwel daw sila.”

“Sino?” Tanong ko kay Rayver. Wholeday lang ako nasa office, hindi na rin ako nakipag meet kay Ashley. Wala lang talaga ako sa mood ngayon.

“Ang mga girls.” Mabilis na sagot ni Rayver. Napa-ayos ako ng upo.

“Oh tara na.”

“Ha? Saan?”

“Eh di sa kanila.”

“Naku, hayaan muna natin sila mag-usap ok? At sabi ni Tin2, mukhang abot hanggang impyerno daw ang galit ngayon ni Kim sa’yo so kung pwede lang, pahupain muna natin. Ok?”

“Kaya nga pupuntahan natin sila para makapag-explain ako.”

“Eh ayaw ka daw makausap muna ni Kim eh.” nag-isip ako sa sinabi ni Rayver. Kailangan may gawin ako para kausapin ako ni Kim. Hindi ko nakayang patagalin ito.

“Bro, samahan mo ako.”

“Saan? Diba sabi ko na sa’yo ayaw ka pang makausap ni Kim.”

Hindi naman natin sila pupuntahan eh.”

“Eh saan nga?”

“Sa hospital.”

“Teka bro, ano itong pinaplano mo?”

“Pwede ba, sa sasakyan ko na lang sasabihin sa’yo ang plano ko.”

Habang nasa loob kaming dalawa ni Ray papuntang hospital pinakiusapan ko siya na eh text si Tin2 na papunta kami ng hospital. Sinabi ko na rin ang plano ko na magpapanggap akong sumakit ang tiyan ko at magpapaconfine ako dun hanggang sa kausapin ako ni Kim. Hopefully, this will work.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D