Chapter 22

Till My Heartaches...END!

 

Nasa parking lot na kami ni Kim at hinihintay na lang si Ashley. Ewan ko ba kung bakit pumayag pa ako makipag dinner dun. Bahala na nga. Naka-upo na ako sa driver seat at si Kim naman ay nasa backseat umupo, doon daw gusto niya eh.

“Kimmy, are you sure ok lang sa’yo?” Lumingon ako sa kanya para makaharap siya.

“Oo nga. Ang kulit nito.” Mataray niyang sagot.

Nag smile ako. “Sa akin lang naman kasi…”

“Ano? Baka ma bored na naman ako or baka mag selos…” napatigil siya sa sinabi niya at nagpalingon-lingon, parang namumula ang mukha niya. “Ang tagal naman niya.” Pag-iiba niya ng usapan. Hindi ko alam pero napangiti ako.

“Hindi ako ang nagsabi niyan.” Ngumiti ako at humarap na sa may manibela. “Ang sa akin lang kasi naka-uniform ka pa.” Natatawa kong sabi.

“Waaaaa!” Narinig ko na lang nasabi niya. “Oo nga no!” Mukhang ngayon lang yata na realize niya. Yan kasi sasama-sama pa. Magseselos lang.

“So ano sasama ka pa? Or ihahatid ka na lang namin.” Nakangiti kong sabi at parang asar na asar na siya sa akin.

“Eh bakit… ano masama sa suot ko? Kakain lang naman tayo ah.” Sabay crossarms niya. “Tawagin mo na nga yung Ashley mo.” Ano daw? Ashley ko? Natawa ako sa sinabi niya.

Sakto naman na may kumatok sa may bintana ko, binaba ko ito at nakita kong nakayuko si Ashley.

“Let’s go?” hindi na ako bumaba pero binuksan ko na lang ang sa kabilang pinto ng sasakyan. Pumasok kaagad si Ashley sa loob at naka smile lang. Tinignan ko si Kim sa salamin pero nasa labas lang ito nakatingin. Pinaandar ko na ang sasakyan at nag drive. Tahimik lang kaming tatlo na nasa loob ng sasakyan ng magsalita si Ashley. Lumingon pa ito sa kinaroroonan ni Kim.

“So how are you Kim?” Nakatingin lang ako sa salamin at parang nagulat si Kim. “Hindi ka ba pinapahirapan ng kurimaw na’to?” Kurimaw? Eh tawag din ni Kim sa akin yun eh kaya mas lalong nag-iba ang mukha nito.

“Ahh… hindi naman.” Sagot ni Kim na sa daan pa rin nakatingin.

“That’s good.” Tapos tumingin siya sa akin. “Mukhang nagbago ka na… Mr. Anderson.”

“Tsk!” Pailing-iling ko na sagot. “Ako nga ang pinapahirapan niyan eh.” Mahina kong sagot. Na parang natawa naman si Ashley. Hindi ko alam kung narinig ni Kim ang sinabi ko pero kumunot ang noo niya dahil nakita niyang tumawa si Asley.

Tahimik kaming tatlo sa loob ng kotse hanggang sa hininto ko ang sasakyan kung saan kami magdidinner. Wala aman may nag suggest sa kanila kung saan nila gusto kaya dito sa isang Chinese resto ko na lang sila dinala. Hininto ko ang sasakyan at lumabas na. Pero nagulat ako ng biglang lumabas si Kim sa kotse, pero si Ashley ay mukhang hinihintay niya pang pagbuksan ko siya. Tinignan ko si Kim na ngayon ay nakatayo na sa labas at saka pinagbuksan si Ashley.

Na unang lumkad si Ashley at kaming dalawa ni Kim ay magkasabay sa likod. Hahawakan ko na sana ang likod niya ng mapalingon si Ashley sa amin.

Pagdating naming sa bakanteng table ay hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang uunahin ko na paupoin. Hindi naman pwede na basta na lang ako uupo at silang dalawa nakatayo lang. Ang awkward kasi ng situation. Pero kailangan kong gawin ang tama. Kaya… si Kim ang una kong pinaghilahan ng upuan. “Kimmy…” Tawag ko sa kanya sabay senyas na maupo na siya. At sumunod na naman siya. Nung maka-upo na siya at si Ashley naman ang pinaghilahan ko ng upuan. At tapos ay umupo na ako.

Tinawag ko ang waiter at mabilis naman siyang pumunta sa amin, binigyan niya kami ng tig-iisang menu at kinuha na niya ang inorder namin. Magkaharap sila Kim at Ashley habang ako naman ang nasa gitna nila.

“So kung hindi ako nagkakamali dahil sa duot mo na uniform… you’re a nurse right?” Simula ni Ashley.

“Yup. Ikaw?”

“Uhm… COO ako ng company ng dad ko.”

“Wow! Nice.”

Ok! Parang sila lang yata ang tao dito.

“So… kumusta kayo ni.” Sabay tingin niya sa akin at nag smile. “Gerald?”

“Ha? We’re fine Ashley!” Sagot ko.

“I thought kasi nag break na kayo.”

“Yup! It has been 3 years na kaming... hiwalay.” Mabilis na sagot naman ni Kim.

“Oh! So tama para ang narinig ko.” Napasinghap si Ashley. “Oh, well ganyan talaga. Minsan natatapos ang isang relasyon, kahit hindi mo inaasahan.” At nag smile siya.

“Can I ask you something?” Sabat ni Kim. Na parang seryosong nakatingin kay Ashley. Para naman akong tanga dito.

“Shoot!”

“Ano ka ba niya?” Nagulat ako sa tanong ni Kim. Kaya bigla akong napatingin sa kanya. Si Ashley naman ay tumawa lang. “I mean…”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D