Chapter 26

Till My Heartaches...END!

 

Day-off ko ngayon… ano kaya pwedeng gawin. Hindi naman pwede si Maja kasi may trabaho siya, tapos si Kakai busy rin dahil dumating mama niya, si Tin2 ayon may date sila ni Rayver. Si Gerald busy din yun sa bagong project niya. Forever alone na talaga ako. Makaligo na nga. Pupunta na lang ako ng mall. Lilibangin ko na lang sarili ko.

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo nag bihis na ako. Nag-ayos ng mga dadalhin ko at biglang tumunog ang cellphone ko.

“Hello.” Yan lang sabi sa text. Teka, hindi naka register ang number niya sa phone ko. Sino kaya ito?

“Hus ds?” reply ko. Pumunta ako sa ref at tumingin kung ano ang pwedeng makain, nakita ko ang fresh milk at yung pasta. Initin ko na lang.

“Alex.” Reply nung nag text. Paano niya nakuha number ko? Baka binigay sa dalawa.

“Ah, ikaw pala. Save ko na lang no. mo.” Reply ko. pagkatapos kong initin yung pasta ay kumain na ako.

“Busy?”

“Nope! Wala nga magawa eh.”

“Day-off?” Pati sa text ang ikli niya mag salita. May shortage of words ba siya?

“Yup!”

“Can we go out? Treat ko.” Ui, humaba din. Hmm. Go out? Kaming dalawa lang? Pero baka malaman ni… eh bakit ko ba pinoproblema yun. I’m single and I can do what I want.

“Where?”

“Anywhere. San mo gusto?”

“Mall na lang.”

“Ok, sunduin ba kita or magkita na lang tayo sa mall?”

“Magkita na lang tayo.”

Gerald’s POV

Alam kong day-off ni Kim ngayon, pero ano nandito ako sa office nagpapakabusy sa mga papers sa harap ko. Dapat eh nagmomoment na kami ngayon... wag kayong mag-isip ng kung ano ang ibig kong sabihin dapat nagbobonding kami ngayon eh. Kung bakit kasi ngayon pa nagsidatingan itong mga contracts eh. Ano na kaya ang ginagawa nun? Matawagan ko nga.

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!! *Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!

“Tulog pa siguro siya.” Binaba ko ang telepono at isa-isa binasa ang mga contract. Pero hindi ako mapakali kaya tinext ko na naman siya.

“Kimmy, tulog ka pa?” Yun lang at sinend ko na.

Patingin-tingin ako sa cellphone ko pero hindi pa rin siya nagrereply. Hindi na ako maka-concentrate sa ginagawa ko eh. Tawagan ko nga ulit.

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!! Sa pangalawang ring nasagot din niya.

“Hello, Ge?”

“Grabe tulog mo ah.”

“Ha? Kanina pa kaya ako gising.”

“Eh bakit hindi mo sinasagot tawag ko kanina.”

“Ano… baka hindi ko narinig.”

“Tsk! Saan ka ba ngayon?”

*at the background: Ms. Chiu. Ito na ticket natin. Tara na?

“KIMMY, SINO YUN? MS. CHIU? TICKET? ANG NERD BA KASAMA MO NGAYON?” napasigaw ako.

“Pwede ba wag kang sumigaw. Tsaka wag mo na nga siyang tawagin na ganun. Bye na. Ang labo mo kausap.”

“Kim… teka… nasaan…?”

Binaba ni Kim ang cellphone niya kaya hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Magkasama sila ngayon? Naiinis ako. Paano nangyari yun? Kahapon lang ok na kaming dalawa eh. Pero bakit na naman siya sumama sa lalaking yun? Kailangan kong malaman kung saan sila ngayon. Matawagan ko nga si Rayver.

“Bro, magkasama ba kayo ni Tin2? Patanong naman sa kanya kung alam niya kung saan pumunta si Kim at yung kapre na yun. Oo. Sige-sige, hintayin ko. Thanks.” Pagkatapos kong makausap si Rayver, binaba ko na ang phone. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko papayagan na makuha ng iba sa akin si Kim. Magkamatayan na. Naghintay ako ng tatlong taon para sa kanya, tapos may papasok lang sa eksena. At ang nerd pa yun. And worst mas kinakampihan pa siya ni Kim. Hindi na ako ulit papayag na mawala ka pa sa akin Kim. Naka tingin lang ako sa cellphone ko, hinihintay ang text ni Rayver. Sabi kasi niya, itetext pa daw ni Tin2 si Kim.

Hindi na talaga ako mapakali. Tinawagan ko ulit si Rayver.

“Bro, ano na?”

“Hoy, Anderson, chill ka nga.”

“Paano ako magchi-chill dito eh may kasamang ibang lalaki si Kim.”

Narinig kong tumatawa silang dalawa ni Tin2. “Hindi pa nag reply eh, baka may ginagawa.”

“Cruuuuuz!!!”

“Joke lang. Teka, ito nag reply na daw si Kim.”

“Bilis.”

“Wag atat bro. Sa mall daw.”

“Anong mall?”

“Rockwell.”

“Ok thanks bro. I owe you and Tin2… bye…” Pipindotin ko n asana ang end buttong ng magsalita si Tin2?

“Ge, easy lang huh! Remember, hindi KAYO ni Kim.” Tapos pinatay na niya yung call.

Bigla kong na realize, totoo ang sinabi ni Tin2. Hindi kami, kaya wala akong karapatan. Pero mas lalo ako mawawalan ng karapatan kapag hindi ako kumilos. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko sa ibabaw ng mesa at lumakad ako papunta ng sasakyan ko.

Nag drive ako. Rockwell. Pero teka ang laki ng Rockwell, saan ko sila hahanapin. Ticket! Tama, nanuod sila ng movie? Mas lalong uminit ang ulo ko, baka mag take advantage lang ang nerd na yun. Mabuti na lang at nandito pa ang pang disguise ko. Nakarating ako sa Rockwell at sinuot ko na yung pang disguise ko.

Dumiretso ako sa movie pero tatlo ang showing, saan kaya dito ang pinanuod nila. Bumili na lang ako ng ticket ng bawat movie na showing. Pumasok ako isa-isa hanggang makita ko si Kim… at ang nerd! Mabuti na lang at bakante pa yung sa likuran nila. Dumaan ako kay nerd at sinadya kong sikuhin siya, ang tangkad niya kasi eh, kaya tinamaan siya. Napatingin siya sa akin, pati si Kim.

“Sorry.” Pagiiba ko ng boses ko. Siguro nasa kalagitnaan na ng movie at nasesense ko na parang dumadamoves na itong nerd. Bigla siyang nag inat at ilalagay na sana niya ang kamay niya sa balikat ni Kim ng bigla kong tinabig.

Napatingin ulit siya sa akin. Pagkatapos ay humarap ulit sa screen. Pero ilang minuto lang at nag-uunat na naman siya. Dumadamoves ka ha. Tignan lang natin. Pinabayaan ko lang muna yung kamay niya na nasa balikat ni Kim. At itong babaeng to, di man lang nag reklamo. Patagal ng patagal mas lalong lumapit ang nerd kay Kim. Konti na lang talaga…. Ng bigla kong sinipa ang upuan niya.

“What’s your problem?” Tumayo ito at humarap sa akin. Kaya maraming nakatingin sa amin.

“Hoy, kung gusto niyong mag-away dun kayo sa labas. Nag bayad kami dito para manuod ng lovestory, hindi ng action.” Sabat ng isang babae.

“Ikaw ang problema ko.” Mahina kong sagot sa kanya.

“Gerald?” Nagulat ako. Nakilala ako ni Kim? “Ano gingawa mo dito?” Dugtong pa niya. Galit siya. Alam ko!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D