Chapter 24

Till My Heartaches...END!

 

Three days na rin na hatid-sundo ako ni Gerald. Ok naman kami na ganito lang… siguro! Walang problema, walang pagseselosan, walang pwedeng mag demand ng oras, walang away. Siguro nga mas mabuti na ito. Same routine lang din everyday, susunduin ako ni Ge sa condo ko – which oo nga pala. Hindi ko pa alam kung saan yung condo niya. Lagot yun sa akin pag nagkita kami. Labas-masok na siya sa unit ko, tapos ako hindi man lang nakapunta sa condo niya. Baka may tinatago ang lokong yun.

Everyday din ako binibigyan ni Doc Alex ng bulaklak pero iniiwan ko na lang doon sa station. Baka mag salubong na naman kasi ang kilay ng isa at hindi ako tigilan sa kakatanong kung kanino galing, siyempre tuloy pa din ang plano namin nila Kakai. Pero minsan naisip ko kung itutuloy ko pa eh. Kasi baka sa bandang huli ako pa rin ang talo. Si Ashley, ayon everyday sila magkasama ni Ge kasi siya yung nagsusupervise ng bagong project daw.

“Kimmy, hindi na muna kita masusundo ngayon ha. Nagka problema kasi sa site.” Text sa akin ni Ge. Lunch break naming tatlo at nandito kami ngayon sa cafeteria ng hospital. Binasa ko yun ng malakas sa kanila.

“Sabihin mo ok lang, may maghahatid naman sa’yo.” Suggest ni Kakai na natatawa. Gusto niya daw kasi asarin si Gerald. At yun nga ang nireply ko sa kanya. Pero hindi na siya nag reply pa, siguro busy talaga. Habang abala kaming nagkukwentohan…

“Can I join you girls?” Tanong ni Doc Alex, nakatayo sa may likuran ko may dalang tray ng inorder niya.

“Sure.” Mabilis na sagot ni Kakai. At umupo naman si Doc Alex sa tabi ko.

“Tapos na kayo?” Tanong ni Doc Alex. Nakita niya kasing wala na kaming pagkain. Malamang.

“Oo. Kanina pa kasi kami dito eh.” Sagot naman ni Tin2.

“Ah ok. If you want to eat just tell me… I can order for you.” nakatingin siya ng sinabi niya yun sa akin.

“Kami ba Doc? Or si Kimmy lang?” Sabat naman ni Kakai habang nakataas ang kanyang kilay.

“Ofcourse… kasama kayo.”

“Ah, kasi sa kanya ka lang nakatingin eh.” Pang-aasar na Kakai. Kaya siniko ko siya at nag smile lang si Doc Alex.

“Ok lang busog na kami.” Sagot ko naman sa kanya. “We can leave na para makakain ka ng maayos.”

“No, it’s ok.” Sagot ni Doc Alex sabay sip ng icetea.

“Uhm… Doc? Busy ka ba later?” Tanong ni Tin2 at napatingin sa kanya si Doc Alex.

“Or may pupuntahan?” Dugtong naman ni Kakai. Mukhang may pinaplano na naman itong dalawa.

“Wala naman. Why?”

“Pwede mo ba ihatid muna si Kimmy?” Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa pero nginitian lang ako ng nakakaloko. Napa-smile naman si Doc Alex.

“Sure!” Parang ang saya niya. “I’ll wait you na lang sa lobby.”

“Naku hindi na. Niloloko ka lang ng dalawang yan. No need.” Pag protesta ko naman habang tinitignan ko ng masama ang dalawa dahil mukhang magpoprotesta pa sa sinabi ko.

“No, I insists!” Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa, pero mabilis kong kinuha ang kamay ko. “Basta, I’ll wait for you.” Tinignan ko si Kakai at Tin2 at parang nagsasabi na umu-o na lang ako.

3 pm na at tapos na ako mag endorsed for the next shift. I checked my phone kung nagreply si Ge, pero negative. Sabay kaming tatlo na pumunta sa lobby. At nakita namin si Doc Alex, naka-upo sa isang bench.

“Ayan na ang sundo mo.”

“CHE! Nakakahiya sa tao.”

“Ok lang yan. May gusto naman siya sa’yo eh.”

Napatingin ako sa sinabi ni Kakai. Ano daw? May gusto siya sa akin. Paano naman niya nasabi yun? “Paano mo naman nasabi?”

“I just know.” Sabay tulak sa akin papunta kay Doc Alex. “Go na! Dito na kami dadaan.” Sabay beso sa akin ni Kakai.

“Be good Kimmy, huh!” Dugtong pa ni Tin2 sabay beso na din sa akin.

“Hello… sorry to keep to you waiting… ang dalawa kasi eh.”

“No, it’s ok.” Tapos inabot niya sa akin ang isang kamay niya. “Let’s go?” Tinignan ko lang ito.

I smiled to him then said. “Tara.” And then na una na akong maglakad.

Nagdadrive na siya habang ako naman ay tahimik lang ewan ko ba. Pero…

“Where do you want to eat?”

“Eat?” nagulat kong tanong sa kanya.

“Yes. Let’s eat muna bago kita ihatid sa condo mo. Kung… ok lang.”

“Ahh. OK!”

Sige lang sa pag drive si Doc Alex at ako naman ay tahimik lang sa loob ng sasakyan. Siguro nakikiramdam lang din siya sa akin. Di kasi siya masalita gaya ni… Ge. Ok I’m starting to compare. Si Gerald kasi, una pa lang namin na magkita parang ang yabang na ng dating – yabang in a good way. Yung hindi ka mabobored, kasi ang dami niyang kwento. Si Doc Alex naman parang siya yung tipo na napaka-formal. Parang serious. Si Gerald, ma-joke kasi eh. ewan ko ba dun kahit anong joke niya eh benta pa rin sa akin kahit yung iba hindi naman nakakatawa. Si Doc Alex naman, na try na niyang magpatawa nung magkasama kami mag lunch minsan pero – wala eh!

Huminto kami sa isang resto, I think isang Chinese restaurant ito. Pinagbuksan niya ako at bumaba. Lumakad na kami papunta sa loob ng resto. Napalingon-lingon kaming dalawa para mag hanap ng bakanteng table ng may narinig kaming sumigaw ng pangalan ko.

“Alex.” Sabay kaming napalingon ni Doc Alex dun sa sumigaw.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D