Chapter 33

Till My Heartaches...END!

 

Kim’s POV.

Lumabas na kami ng mall dahil nagyaya na si Kakai na umuwi na kami ng biglang mapa hinto si Tin2.

“Oh my… Kimmy.”

“Oh bakit?”

“Si Ge daw dadalhin ni Ray sa hospital.”

“Bakit daw?” tanong ni Maja kay Tin2.

“Sobrang sakit daw ang tiyan niya, hindi na daw kaya ni Ge.”

“Naku Tin2 ha, kakausap lang natin na wala ng magsisinungaling. Wag ka ngang ganyan. Umuwi na tayo.” Pero kahit ganun eh nag-aalala din naman ako kay Ge kung totoo nga.

“Totoo Kimmy, nag text si Ray sa akin. Papunta na daw sila ng hospital. Hindi na daw kaya ni Ge ang sakit ng tiyan niya.” Halata sa tono ni Tin2 na mukhang nag-aalala siya.

“Kimmy, baka nga naman kasi totoo. Sige, pupunta tayo doon pero kami lang muna ang magpapakita, para masigurado nga natin na totoong may sakit nga si papa Ge.” Sabat naman ni Kakai.

“Oo nga insan. Naku baka may mangyari dun at pagsisihan mong…”

“Oo… sige na. Tara na! Siguraduhin niyo lang na… tara na nga. Mag taxi na tayo.”

Pagdating namin doon ay dumiretso na sila sa ER habang ako naman ay nagpaiwan lang sa labas.

Gerald’s POV.

Pagkadating naming ni Rayver dito sa hospital ay sa ER na kami dumiretso. Umacting ako na sumasakit ang tiyan ko at parang nanghihina ang katawan ko.

“Ah sir, kalian po ba nagsimula ang pananakit ng tiyan mo?” tanong sa akin ng attending nurse sa ER.

“Ngayon lang po.”

“Pero kumain naman po kayo? Breakfast? Lunch?”

“Hindi po. Hindi po ako kumain simula pa kahapon.” Totoo naman yun, wala kasi akong gana kumain. Nagulat ako ng bigla akong binatukan ni Rayver. “Aray.”

“Eh siraulo ka pala eh, paano hindi sasakit tiyan mo eh hindi ka pala kumain.” Nagpigil naman ako hindi tumawa kasi umaacting na rin si Rayver.

“Ok sir, baka nalipasan ka lang kaya biglang sumakit ang tiyan mo. Pero you will still undergo some test para malaman natin ang cause ng pananakit ng tiyan niyo.” Paliwanag pa nito. “Maya-maya po darating na po si Dr. Lim. May pasyente lang po kasi siya, any minute nandito na po yun. As of now, papainomin muna kayo namin ng gamot para sa sakit ng tiyan at lalagyan ng IV para hindi po kayo ma dehydrate.”

“IV? Diba may needle yun?” nataranta kong tanong. Pati si rayver tumawa alam kasi niyang takot ako sa mga injections at mga karayom na yan.

“Yes po sir.”

“Naku miss, hindi na po kailangan. Kahit uminom ako ng isang gallon ng tubig, wag lang yang IV na yan.”

“Pero sir…” hindi natapos ang sasabihin ng nurse kasi biglang dumating sila Tin2.

“Ge… ok ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa akin ni Maja. Tinignan ko sila bakit wala si Kim. Ano pa ang silbi ng plano ko kung wala din naman pala siya dito.

“Kilala niyo ba yan miss. Reyes?”

“Yes, ma’am. Friend po siya namin.”

“Oh sige, kayo na maglagay ng IV diyan kunin ko lang ang mga gamit.” Sagot naman ng nurse at umalis na. Bigla naman silang tumawa.

“Naku, guys hindi niyo na kailangan gawin yan ok? Acting lang to’." Pabulong kong sabi sa kanila. "Teka bakit hindi niyo kasama si Kim?”

“Acting? Ano na naman ito papa Ge?” Nagtatakang tanong ni Kakai. “Naku ha, ayoko ng masangkot diyan.”

“Please… gusto ko lang kasi makausap si Kim at ito lang ang alam kong paraan.”

“Ah ganun. Pumaparaan ka.” Sabat ni Maja. “Eh di ituloy na natin." Nagtinginan silang tatlo. “Babalik ako ha. Teka lang.” pagkasabi niyang yu ay umalis na.

“Saan pupunta yun?” tanong ko sa kanila.

“May kukunin lang. Gusto mong makausap si Kimmy diba? So pangatawanan mo na.” sagot naman ni Kakai.

“Yan kasi napapala. Kung ano-ano ang naiisip.” Sabat naman ni Rayver. Ilang minuto pa ay narinig ko ng magsalita si Maja.

“Nurse, pwede ba ikaw na maglagay ng IV dito sa friend namin? Takot kasi sa karayom eh.” Napalingon naman ako sa kinaroroonan ni Maja at nagulat ako sa nakita ko. Si Kim.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D