Chapter 19

Till My Heartaches...END!

 

Pagkatapos kong ihatid si Kim, ay dumiretso na ako sa office. Ang sarap ng feeling ko ngayon, kasi nararamdaman ko na unti-unti na kaming nagiging ok ni Kim. Yun naman talaga ang first goal ko.

“Good morning, Sir. Ge.” bati ni Maya sa akin.

‘Good morning, Maya.” Bati ko rin sa kanya na halatang ikinagulat niya.

“Ahh… Nandiyan nga po pala sa loob si Sir. Ray.”

“Ok, salamat.”

Pumasok na ako sa loon at nadatnan ko si Ryaver naka-upo sa upuan ko at nagbabasa ng newspaper.

“You’re…” sabay tingin sa kanyang relo. “10 minutes late, Mr. Anderson.”

“May pinuntahan lang po, SIR!” Talagang diniinan ko ang salitang sir.

“Saan ka nanggaling huh?! Hmmm. Siguro may nangyari sa inyo kagabi at na late ka ng gising no.”

“Gago!!! Ano pinagsasasabi mo?” Nilapag ko ang dala kong bag sa ibabaw ng mesa ko. at tinapik ko siya sa balikat. “Doon ka nga.”

“Ito naman, minsan lang ako maka-upo dito eh.” Sabay tayo niya at lumakad papuntang kabilang upuan sa katapat ng table ko. “Di nga, pwera biro? Sa pagkakaalam ko, hindi ka pa nali-late eh. If my memory serves me right.”

“May hinatid lang ako.” Maikli kong sagot. Sabay kuha ng mga papeles sa loob ng bag ko.

“Sino?”

“Si Kim.” Casual kong sagot.

“Naks! Improving tayo bro ah!”

“Siyempre!”

“So, kung may inihatid, may susunduin. Tama ba ako?”

Nag nod ako. “Tama!!!”

“Sabi na eh, alam ko na yang mga diskarte mo Anderson.” Kinuha nito ang coffee sa katapat ko. “Eh paano yan, diba may meeting ka pa mamaya diba?”

“1 pm pa naman yun.” Sagot ko, habang binubuklas ang mga papeles na pipirmahan ko.

“Ha? Di ka ba na inform ni Maya? Na moved daw yun ng 3 pm.”

“What?” Nagulat ako. “Hindi eh. Bakit daw?”

“Eh, may emergency daw na pinuntahan si Mr. Sanchez sa hongkong, nagka problema daw sa isa nilang franchize. Kaya yung daughter na lang niya.” Paliwanag sa akin ni Rayver. “Balita ko maganda daw yun bro.”

“Maganda pala ah!” Sabay tingin ko kay Rayver. “Gusto mo ikaw na makipag-meet sa kanya?”

“Naku bro, malas! May imi-meet akong client! Kaya ikaw na yan.”

“Di ba pwede i-moved by 4?” Paki-usap ko.

“Sige, I’ll try bro. My no. naman ako dito ng secretary niya.” Tumayo na ito. “I’ll text you na lang kung may changes.”

“Ok bro. Thanks!” At umalis na si Rayver dala ang coffee niya.

Bahala na, basta susunduin ko mamaya si Kim. Mahirap na, ayoko sayangin ang mga oras na kasama ko si Kim.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D