Chapter 21

Till My Heartaches...END!

 

Kim’s POV

Pumasok na kami sa loob ng sasakyan niya. Pinaandar na niya ang kotse at sinimulan magmaneho.

“Saan daw meeting place niyo?” Tanong ko sa kanya habang naka harap sa kanya.

“Sa office niya daw.”

“Ahh… ok!”

“Are you sure… gusto mo talagang sumama?”

“Parang ayaw mo yata eh.”

“Hindi naman sa ganun. Baka kasi ma bored ka lang dun.”

“Hindi yun. Bilisan mo lang diyan sa pag drive.” Ako na ang atat! Gusto ko makita ang Ms. Sanchez na yun eh. Masigurado ko lang na matanda na yun at hindi kasing edad namin uuwi na ako. Hindi ako nagseselos no! Wag kayong mag-isp ng kung ano diyan. Gusto ko lang maka-siguro na walang hadlang sa plano ko.

Tahimik lang kami ni Gerald habang nasa biyahe. Mga halos 30 minutes din at nakarating kami sa isang malaking building. Pinark ni Gerald ang kotse niya sa katapat nitong parking lot. Good mood na yata siya ngayon kasi pinagbuksan na niya ako ng pinto ng kanyang sasakyan. Bumaba na ako at naksunod lang kung saan siya pumunta.

Dumiretso siya sa isang secretary at hinanap yung Ms. Sanchez na pangalan. Tumayo ang babae and she guided us kung saan ang office nito.

“Ah, kasama mo ba ho siya sir?” Tanong ng secretary, na naktingin sa akin.

“Yup, she’s with me.”

“Ah ok po. Pasok na po kayo.” Binuksan na niya ang pinto ng office at umalis na. Na-unang pumasok si Gerald at nakasunod naman ako sa kanyang likuran.

Naka-upo ang bababe sa kanyang swivel chair na nakatalikod kaya buhok lang ang nakita namin ni Gerald. Nakatayo lang kaming dalawa sa may harapan ng mesa.

“Excuse me…” bati ni Gerald habang nakayuko ito at parang sinisilip yung babae. “I’m looking for Ms. Sanchez.” Dugtong pa niya. At umikot yung swivel chair. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang naging reaction ni Gerald. Yung mukha niyang parang gulat-gulat sa kaharap na babae.

“Ashley?... Ashley Sanchez?” Gulat niyang bati ulit sa kaharap niyang babae. Kung hindi ako nagkakamali kasing edad lang namin siya. Tama ang naging desisyon ko na sumama.

“Ako nga… Mr. Gerald Anderson.” Bati ng babae na ang laki ng smile. “How are you? Its been… 7 or 8 years since the last time na magkita tayo. Have a sit.” Sabay senyas ng kamay niya sa isang upuan katapat ng table nito. “Oh, sorry… you’re with someone pala. A girl…” Aba, kanina pa kaya ako nakatayo sa harap niya ngayon niya lang ako napansin. Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

“A friend… By the way I’m Kim Chiu.” Pakilala ko sa kanya sabay bigay ng kamay ko para makipag-handshake. Pero nagtaka ako dahil yung expression ng mukha niya ay parang nagulat at parang nainis.

“So… ikaw pala ang Kim Chiu.” Parang may bahid na pagtataray ang pagkasabi niya. Nakita kong parang napakamot na lang ng ulo si Gerald. Kung naguguluhan siya sa nangyayari, mas lalong ako. Sino ba ang babaeng ito? “I’m Ashley Sanchez, COO ng companyang ito.” Mind reader ba siya? Tanong ko lang sa isip ko yun eh. Pakilala niya. Tumango na lang ako. “Doon… pwede ka doon ma upo sa… sofa.” Sabay turo niya sa akin. Bakit doon pa hindi ba pwede dito sa upuan na kaharap ng upuan ni Gerald? Pero hindi na ako nagsalita at sinunod ko na lamang siya. Ano magagawa ko office niya ‘to.

Nagtingin-tingin ng lang ako sa loob ng office at pinabayaan na sila sa meeting nila. Infairness, maganda ang opisina niya. Malaki at mukhang mamahahalin ang mga furnitures. Pero paminsan-minsan nakatingin ako sa kanila habang sila ay nag-uusap. Pero bakit kaya parang nagulat si Gerald. May sinabi kaya sa kanya ang babaeng yun?

Gerald’s POV

Umupo na si Kim sa sofa na tinuro ni Ash sa kanya. Hindi ko na maintindihan ang pinagsasabi nila dahil parang lutang pa rin ako dahil hindi ako makapaniwala na si Ashley pala ang tinutukoy na anak ni Mr. Sanchez. Bakit hindi ko man lang naisip yun? Siguro nga dahil 8 years na rin nung maghiwalay kaming dalawa. Oo… naging kami ni Asley pero highschool pa kami nun eh.

Tinignan lang niya ako at nagsalita ng mahina. “Akala ko masosolo na kita.”

Nagulat ako sa sinabi niya na napa-ayos ako sa pagkakaupo. Siguro hindi naman narinig yun ni Kim dahil mahina ang pagkasabi niya.

“Ha?” yun na lang ang nasabi ko.

“Nevermind. So let’s begin?”

“Ok.”

May binigay siya sa akin na mga papeles, galing daw yun sa papa niya. Kinuha ko yun at isa-isang tinignan. Hindi na ako nagsalita, nakikinig na lang ako sa bawat salita na sinasabi niya.. Ewan ko nawala ako sa mood ng malaman ko na siya ang ka meeting ko.

“That is your contract, kung papayag ka sa mga nakasaad diyan then sisimulan na ng mga tauhan namin ang construction ng pangalawang tower.” Patuloy pa rin ang pag-explain sa akin ni Asley pero from time to time ay tinitignan ko si Kim kung ok lang ba siya dun, dahil mukhang naiinip na siya.

“Mr. Anderson. I need your focus here.” Nagulat ako sa sinabi niya.

“Oh! Sorry. Go ahead.” At pinagpatuloy na niya ang mga pagpapaliwanag. Mga pro’s and cons sa pagiging investors ng papa niya sa company namin.

Brief introduction lang kay Mr. Sanchez. Siya lang naman ang pinakasikat at pinakamayamang architect sa bansa. Pero hindi lang pagdedesinyo ng bahay ang negosyo nila, pati na rin sa contruction ng malalaking building.

“I’ll give you time para mabasa ang contrata at makapag-isip. Siguro naman kilala mo ang papa ko, ayaw niya ng aberya sa lahat ng mga projects na pinapasukan niya.” Nag nod ako. “And…” Dugtong pa niya. “By signing the contract means, mas maraming oras na maging magkasama tayo.” Kumunot ang noo ko. “You’ll understand pagnabasa mo na yan.”

“Ok. I guess I’ll call you na lang pag nakapag decide na kami ng partner ko.” pagkatapos ay tumayo na ako.

“Ok, aasahan ko yan.” Sagot niya sa akin.

“Sige, we have to go.” Paalam ko sa kanya. Naglakad na ako papunta kay Kim ng tinawag niya ulit ako.

“Ge, why don’t we have dinner together.” Napalingon kami ng sabay ni Kim. “I mean… the three of us.”

Tinignan ko si Kim. “Kim, ok lang ba sa’yo? Kung ayaw mo…

“Sure…” Mabilis na sagot ni Kim habang naka-ngiti. Ewan ko pero iba itong kutob ko. At hindi ko ineexpect na papayag siya.

Lumingon ako kay Ashley. “Sige.” Hinawakan ko sa kamay si Kim, at hindi naman siya nagpumiglas. Hinayaan niya lang akong hawakan siya at si Ashley parang nag-iba ang mukha ng makita niyang magkahawak kamay kami ni Kim. “May kotse akong dala… are you coming with us? Or…”

“Yes, sasabay ako sa inyo. I’ll just fix my things. Mauna na kayo, susunod na lang ako.” Mataray niyang sagot. Nag nod na lang ako at lumakad na kami ni Kim papalabas ng pinto. Pero nagulat ako ng biglang binitiwan ni Kim ang kamay ko ng maisira ko na ang pinto. Ngumiti lang siya sa akin.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D