Chapter 35

Till My Heartaches...END!

 

“Uhm excuse me…” napatigil sa pagtawa ang mga kaibigan ko ng may nagsalita. Si Doc Alex. Kapalaran nga naman oh, siiya lang ba ang nag-iisang doctor sa hospital na to’.

“Hi Doc Alex.” Narinig kong bati ni Kakai.

“Hello. So what do we have here.” Mayabang na sabi niya. “Mr. Anderson, I’ve heard na masakit daw ang tiyan mo. Tignan nga natin.”

“No… no, wala na to’ siguro nga kabag lang. Pwede na nga akong lumabas ngayon na eh.”

“Hoy Gerald, kailan ka pa naging doctor.” Sabat ni Rayver, tinignan ko siya ng masama. Alam ko kasi na inaasar niya lang ako.

“Kimmy oh, ayaw magpa check ni Ge.” Pang-aasar din ni Maja.

“Naku, bahala siya diyan. Katawan naman niya yan eh.” mataray na sagot ni Kim kaya siniko ulit siya ni Maja. Nagulat na lang ako ng biglang pinindot-pindot ni Alex ang tiyan ko.

"Hoy, ano ginagawa mo?" nagtataka kong tanong sa kanya. bakla ka ba? tawa naman ng tawa ang mga kaibigan ko sa akin.

“Masakit ba? Dito?” tanong niya sa akin, umiling na lang lang ako. Paano hindi sasakit eh ang diin ng pagka pindot mo. may halong galit yata yun. “Dito?” Umiling pa din ako.

“Wala nga talaga. Masakit lang tiyan ko kanina.”

“Hoy, Gerald umayos ka nga. Nag-iinarte ka lang ba? Nasasayang ang oras namin dito.” Ouch. Ang sakit naman magsalita ni Kim. Hindi na siguro ako importante sa kanya.

“Ge, baka naman natatae ka lang pero hindi mo nailabas.” Sabi ni Tin2 at nagtawanan pa sila. Pati ang Alex na yun nakikitawa na rin. Parang gusto ko na lang tumakbo at lumabas sa hospital na ito.

“Oh sige, I’ll give you na lang mga meds para sa sakit ng tiyan. May IV ka rin lang mag stay ka na muna dito, para ma obserbahan ka din, understand Mr. Anderson?” Tumango lang ako, baka masapak ko ng di oras ang lalaking ito. “Sige, I’ll go ahead na. I need to check some of my patients pa. Someone will assist you here para dalhin ka sa room mo.” And then umalis na siya. “Bye Kimmy.” Paalam pa nito kay Kim. Nananadya ka pre?

“Oh guys, paano ba yan sino ang maiiwan dito?” tanong ni Rayver na nakangiti. May binabalak ang loko.

“Naku, ok lang ako dito. Kaya ko na sarili ko. Matutulog lang naman ako dito eh.”

“Naku hindi pwede dapat may isang maiwan dito, paano kung may kailangan ka diba.” Sabat pa ni Maja sabay tingin nito kay Kim at ngumiti. Pati iba naming friends tumingin na rin sa kanya.

“Hep! Hep! Wag ako ang tignan niyo ha.” pagprotesta ni Kim. "Busy ako." dugtong pa niya.

"Busy saan insan? May date ka ba huh?" pang-aasar pa ni Maja sa kanya. pero hindi pa man nakasagot si Kim ay naunahan ko na siya.

"Ha? Sino ang ka date mo huh?" napalakas yata ang pagkasabi ko kaya ang ibang tao na nasa ER ay napalingon sa amin.

"Wala akong ka date no! At ano naman sa'yo kung may ka date ako." sagot ni Kim.

"Tama na nga ang bangayan pwede. Gabi na po." sabat naman ni Kakai.

“Naisip ko lang naman kasi ito noh, ang dapat maiwan eh yung nag-iisa lang rin. Diba?” parang na gets ko ang ibig sabihin ni Rayver.

“Naku, hindi ako pwede. Walang kasama mama ko sa bahay.” Sagot ni Tin2.

“Mas lalong hindi ako pwede may work ako by 10.” Sabat din ni Maja. Sa isang call center kasi siya nagtatrabaho. “Eh ikaw Kai?” nakita ko pang tinignan siya ni Kim ng masama.

“Sorry Kimmy, pero alam mo namang si Lola lang at ang kapatid ko sa house, kaya hindi rin ako pwede.”

“Ok! Ok! I get it. Cge ako na ang magbabantay dito. May magagawa pa ba ako, eh mukhang pinagkakaisahan niyo na naman ako.” Naiinis na sabi ni Kim.

“Kimmy, ako wala akong gagawin. Pero nag volunteer ka na din, so ok lang.” Natatawang sabi ni Rayver. “Alam ko naman hindi mo pababayaan ang bestfriend ko.” dugtong pa nito at nagsmile pa sa akin ang loko. Naku, pag nagalit pa si Kim sa akin lagot ka talaga.

Kim’s POV.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na sila isa-isa sa amin pero hindi ko pinapansin si Gerald. Idadaan na lang ni Maja ang mga damit ko pagpumasok na siya sa work niya. Tahimik na nakahiga lang si Ge habang ako naka-upo sa isang upuan malapit sa counter. Ilang minuto pa ay may dumating na mga service personnel para dalhin si Ge sa room niya. Sumunod na lang ako.

Pagdating doon ay inayos nila ang higaan ni Gerald at ako naman ay umupo lang sa sofa. Ni isa sa amin walang nagsasalita. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko at pumayag ako na magbantay sa lalaking ito.

Halos 30 minutes na rin kaming magkasama ni Ge sa loob ng kwarto hanggang sa magsalita siya.

“I’m sorry Kim.” Mahina niyang sabi.

“Ok lang, may magagawa pa ba ako?”

“Ok lang naman talaga ako dito. Really. Sanay na akong mag-isa.”

“Pwede ba Gerald, wag na tayong maglokohan dito. Obvious naman kanina na pinagkakaisahan ako ng mga kaibigan natin, ano pa magagawa ko. I’m stuck here, with you.” I don’t want to sound mean, pero naiinis talaga ako sa kanila. Kanina lang namin pinag-usapan na wag na nila akong pagkaisahan at lokohin , pero ito na naman ako nagpapaloko.

“Sorry.” Yun na lang ang narinig kong sinabi niya at pumikit na siya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D